Pia Wurtzbach

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Jump to navigation Jump to search
This name uses Philippine naming customs; the middle name or maternal family name is Alonzo and the surname or paternal family name is Wurtzbach.
Pia Alonzo Wurtzbach
Pia Alonzo Wurtzbach in Philippine Terno.jpg
Si Pia na nakasuot ng ternong Maria Clara sa Binibining Pilipinas 2015
KapanganakanPia Alonzo Romero y Wurtzbach
(1989-09-24) Setyembre 24, 1989 (edad 30)
Stuttgart, Baden-Württemberg, West Germany
Iba pang pangalanPia Romero, Pia Wurtzbach, Pia Alonzo Wurtzbach
HanapbuhayBeauty queen, aktres, modelo
Mga taon ng kasiglahan1994–kasalukuyan
Inang-bayanCagayan de Oro, Misamis Oriental, Pilipinas
Tangkadtalampakan 8 in (1.73 m)[1]
PamagatMiss Universe Philippines 2015
Miss Universe 2015
Beauty pageant titleholder
Hair colorBrown
Eye colorBrown
Major
competition(s)
Binibining Pilipinas 2013
(1st Runner-up)
Binibining Pilipinas 2014
(Top 15)
Binibining Pilipinas 2015
(Nanalo– Miss Universe Philippines 2015)
Miss Universe 2015
(Nanalo)

Si Pia Alonzo Romero y Wurtzbach [3] (Ipinanganak noong Setyembre 24, 1989), na nakilala noon bilang Pia Romero, ay isang Pilipina-Aleman na artista, modelo at beauty pageant titleholder na nanalo sa Binibining Pilipinas 2015 bilang Miss Universe Philippines 2015 at itinanghal na Miss Universe 2015 na ginanap sa Las Vegas, Nevada, Estados Unidos noong ika-20 ng Disyembre taong 2015.

Personal na buhay[baguhin | baguhin ang batayan]

Si Pia Alonzo Wurtzbach ay isang Pilipino at may lahing Aleman na ipinanganak noong Setyembre 24, 1989 sa Stuttgart, Baden-Württemberg sa Alemanya. Ang kanyang ama, si Klaus Uwe Wurtzbach, ay isang Aleman habang ang kanyang ina ay isang retiradong Pilipinang nars na nakabase sa London. Siya ay may isang kapatid na babae na tatlong taon na mas bata kaysa sa kanya. Nagtapos siya ng kanyang sekondarya sa ABS-CBN Distance Learning School sa Maynila at nag-aral sa Culinary Arts at Center for Asian Culinary Studies sa San Juan.

Karera[baguhin | baguhin ang batayan]

Si Pia Wurtzbach ay nagtrabaho bilang isang modelo sa cosmetics. Sa gulang na 11, sa ilalim ng pangalang Pia Romero, nagtrabaho siya bilang isang aktres at ang pinamahalaan ng ABS-CBN ​​sa theatrical ahensiya na tinatawag na Star Magic. Kabilang sa kanyang mga television credits ay ang teen-oriented serye na K2BU, ang iba't-ibang programang konsert na ASAP, ang antolohiyang romansa na Your Song, ang sitcom show Bora, at ang drama seryeng Sa Piling Mo. Siya ay lumitaw rin sa pelikula tulad ng Kung Ako Na Lang Sana (2003), All My Life (2004), at All About Love (2006). Sa kasalukuyan, siya ay isang stylist at beauty writer para sa Philippine Daily Inquirer sa seksyon sa 2bu.

Pagsali sa beauty pageant[baguhin | baguhin ang batayan]

Binibining Pilipinas 2015[baguhin | baguhin ang batayan]

Nakamit ni Wurtzbach ang titulo bilang Miss Universe Philippines 2015 sa Binibining Pilipinas 2015 sa kanyang ikatlong beses na pagsali sa patimpalak. Nalipat sa kanya ang korona matapos ang Miss Universe Philippines 2014 na si Mary Jean Lastimosa.

Miss Universe 2015[baguhin | baguhin ang batayan]

Si Pia Wurtzbach ang kinoronahan bilang Miss Universe 2015 noong Disyembre 20, 2015 sa Las Vegas, Nevada, Estados Unidos. Ito ay pagkatapos ng kontrobersyal na maling pag-anunsyo ng host na si Steve Harvey sa resulta ng nanalo. Naunang nasabi ni Harvey na ang nanalo ay si Ariadna Gutiérrez ng Kolombia, ngunit ito ay binawi niya matapos ang ilang minuto at si Pia pala ang tunay na nanalo sa patimpalak. Si Pia Wurtzbach ang ikatlong nag-uwi ng korona ng Miss Universe sa Pilipinas na tumapos sa 42 taong paghihintay matapos ang pagkapanalo ni Margarita Moran noong 1973.

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. Lo, Ricky (March 7, 2014). "PLDT presents 2014 Bb. Pilipinas pageant". The Philippine Star. Sininop mula sa orihinal noong October 8, 2015. Cite uses deprecated parameter |deadurl= (tulong)
  2. "Newly Crowned Miss Universe 2015 Pia Alonzo Wurtzbach a Catholic and Marian Devotee". http://www.splendorofthechurch.com.ph/. December 22, 2015. Hinango noong January 4, 2016. External link in |publisher= (tulong)
  3. Beltran, Llhonette (December 24, 2015). "13 photos from Pia Wurtzbach's childhood and teenage years". Philippines: PEP (GMA New Media). Sininop mula sa orihinal noong January 18, 2016. Hinango noong January 13, 2016. Cite uses deprecated parameter |deadurl= (tulong)