Pumunta sa nilalaman

Dayana Mendoza

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Dayana Mendoza
Dayana Mendoza (nasa kaliwa).
Kapanganakan
Dayana Sabrina Mendoza Moncada
Tangkad176 cm (5 tal 9 pul)
Beauty pageant titleholder
Major
competition(s)
Miss Universe 2008 (Nagwagi)
Elite Model Look International 2001 (pinalista)
Miss Venezuela 2007 (Nagwagi)

Si Dayana Sabrina Mendoza Moncada (isinilang 1 Hunyo 1986 sa Caracas, Venezuela) ay isang modelo at Miss Venezuela ng 2007[1] at ang bagong pinutungan ng korona bilang Miss Universe ng 2008.[2]

Noong 2001, lumagda si Mendoza para sa Elite Model Management at nagmodelo sa Italya, Pranysa, Estados Unidos, Inglatera, Gresya, Espanya, Alemanya, Mehiko at Peru para sa/kina Versace, Roberto Cavalli at iba pang mga disyenyador na pangmoda ng damit.[3] Nagsasalita siya ng Espanyol, Ingles at Italyano.[3]

Natalo ni Dayana ang iba pang 27 na mga kandidato sa Miss Venezuela 2007 noong 13 Setyembre 2007, at naging pangalawa lamang sa mga kababaihang kumakatawan para sa estado ng mga Amasona (si Carolina Izsak ang una noong 1991). [kailangan ng sanggunian]. Pinutungan siya ng korona ng pagka-Miss Universe ng 2008 sa patimpalak ng pagandahang ginanap sa Nha Trang, Vietnam noong 13 Hulyo 2008.[4] Ipinatong ni Riyo Mori, ang MIss Universe ng 2007 ang isang tiara, na nagkakahalaga ng US$ 120,000, sa ibabaw ng kaniyang ulo. Natalo niya sina Taliana Vargas (Miss Colombia) at Marianne Cruz Gonzalez (Miss Dominican Republic).[5][6][7]

Kasama sa kaniyang napanalunan ang salapi, isang taong kontrata na magtataguyod sa Miss Universe, paglalakbay sa mundo, isang libreng apartment sa lungsod ng New York sa Estados Unidos, at isang bag na naglalaman ng mga libreng pang-modang mga sapatos, kasuotan, mga produktong pampaganda, at suweldong US$ 100,000 na gagamitin para sa 2-taong kurso sa Akademyang Pampelikula ng New York at malayang akseso sa mga kabahayang pang-moda at mga parlor na pangkagandahan. Gaganapin ni Mendoza, sa loob ng isang taong pagrereyna, ang pagbibiyahe sa mundo upang makipanayam at talakayin ang mga paksang pangtao at pagtataguyod ng edukasyon hinggil sa HIV/AIDS.


  1. "Miss Venezuela 2007/2008". Global Beauties. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2007-10-11. Nakuha noong 2007-09-13.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Miss Venezuela is Miss Universe 2008". The Associated Press. 2008-07-14. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2008-07-17. Nakuha noong 2008-07-14.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. 3.0 3.1 "Reina de las Chamas". Al Día. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2008-03-03. Nakuha noong 2007-09-25.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "Miss Universe to come to Viet Nam in 2008". Saigon Tourist. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2008-08-05. Nakuha noong 2007-11-28.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "iht.com, Venezuelans celebrate fifth Miss Universe win". Inarkibo mula sa orihinal noong 2008-07-19. Nakuha noong 2008-07-19.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. "en.rian.ru, Venezuelan beauty wins title Miss Universe 2008". Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2019-05-07. Nakuha noong 2008-07-14.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. "english.vietnamnet.vn, Miss Venezuela crowned Miss Universe 2008". Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2008-07-17. Nakuha noong 2008-07-14.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Panlabas na kawing

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Sinundan:
Ly Jonaitis
Miss Venezuela
2007 - 2008
Susunod:
Kasalukuyan
Sinundan:
Riyo Mori
Miss Universe
2008
Susunod:
Kasalakuyan