Pumunta sa nilalaman

Sheynnis Palacios

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Sheynnis Palacios
Si Palacios noong 2024
Kapanganakan
Sheynnis Alondra Palacios Cornejo

(2000-05-30) 30 Mayo 2000 (edad 25)
NagtaposCentral American University
Tangkad180 cm (5 ft 11 in)
TituloMiss Teen Nicaragua 2016
Miss World Nicaragua 2020
Miss Nicaragua 2023
Miss Universe 2023
Beauty pageant titleholder
Hair colourBlack
Eye colourBrown
Major
competition(s)
Miss World Nicaragua 2020
(Winner)
Miss World 2021
(Top 40)
Miss Nicaragua 2023
(Winner)
Miss Universe 2023
(Winner)

Si Sheynnis Alondra Palacios Cornejo[1] (ipinanganak noong 30 Mayo 2000) ay isang modelo at beauty pageant titleholder na Nikaragwense na kinoronahang Miss Universe 2023.[2] Sheynnis Palacios ang kauna-unahang babaeng Nikaragwense na nanalo bilang Miss Universe.[3][4]

Bago ang Miss Universe, lumahok si Palacios sa Miss World 2021 bilang Miss World Nicaragua 2020, at nagtapos bilang isa sa Top 40.[5][6]

Buhay at pag-aaral

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ipinanganak si Palacios noong 30 Mayo 2000 sa Hospital Alemán Nicaragüense, Managua, Nikaragwa sa mga magulang na sina Raquel Guadalupe Cornejo Pichardo at Édgar Arístides Palacios García.[7][8] Kalaunan ay lumaki siya sa bayan ng Diriamba at nag-aral sa La Salle Managua Pedagogical Institute sa Managua. Sa kaniyang paaralan, nanalo siya sa Miss Lasallista beauty pageant, kung saan nagsimula ang kaniyang pagkahilig sa mga paligsahan ng kagandahan.[9] Pagkatapos ay nag-aral siya sa Universidad Centroamericana at nagtapos ng degree sa pangmadlang komunikasyon noong 2022. Kasabay nito, siya ay kabilang sa volleyball varsity team ng kaniyang unibersidad.[10]

Upang mabayaran ang kaniyang pag-aaral, gumawa at nagbenta ng buñuelos si Palacios kasama ang kaniyang ina at lola sa ina, kung saan siya ay inaapi sa paaralan.[11] Sa kaniyang kabataan, dumadanas si Palacios ay ng mga pag-atake ng pagkabalisa, na kalaunan ay nagbigay inspirasyon sa kaniya na gamitin ang kamalayan sa kalusugan ng isip bilang kaniyang plataporma.[12] Bago maging Miss Universe, nagtatrabaho si Palacios bilang isang modelo, tagatanghal sa telebisyon, at mamamahayag sa Nikaragwa, at tinanghal ang palabas na Entiende tu mente, na tumatalakay sa mga paksang may kaugnayan sa kalusugan ng isip.[9]

Mga paligsahan ng kagandahan

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Nagsimulang sumali sa mga patimpalak ng kagandahan si Palacios noong siya ay 16 pa lamang nang manalo ito sa Miss Teen Nicaragua 2016 pageant. Kinatawan niya ang kaniyang bansa sa Miss Teen Universe 2017 kung saan siya ay napabilang sa Top 10.[13][14]

Si Palacios bilang Miss World Nicaragua 2020

Miss World 2021

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Bilang kinatawan sa lungsod ng Managua, nagwagi noong 16 Mayo 2020 Sheynnis Palacios bilang Miss World Nicaragua 2020. Dahil sa pandemya dulot ng COVID-19 sa Porto Riko, naudlot ang Miss World 2021 mula 16 Disyembre 2021 hanggang Marso 2022.[15][16][17] Ang apatnapung mga semi-finalist na lamang ang pinabalik sa San Juan, Porto Riko, kung saan napabilang si Palacios, dahil sa Hamong Head-to-Head.[18][19] Hindi na umabante si Palacios sa kompetisyon.

Dapat din sanang lalahok si Palacios sa Reinado Internacional del Café 2022, ngunit bumitiw ito sa kompetisyon dahil nagpositibo siya sa COVID-19.[20]

Miss Universe 2023

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Sheynnis Palacios ay inihayag bilang isa sa mga kandidata para sa Miss Nicaragua 2023. Noong 5 Agosto 2023, nagwagi si Palacios bilang Miss Nicaragua 2023, na siyang nagbigay sa kaniya ng karapatan upang katawanin ang Nikaragwa sa Miss Universe.[21]

Kinatawanan ni Sheynnis Palacios ang Nikaragwa sa Miss Universe 2023 sa El Salvador,[22][23] kung saan siya ang ikalimang kandidata mula sa Nikaragwa na nakapasok sa semi-finals.[24][25][26] Napabilang din si Palacios sa sampung mga semi-finalist na sumabak sa evening gown competition. Sinuot ni Palacios para sa evening gown competition ang isang long-sleeve gown na may nakakabit na isang bughaw na shawl, hango sa kulay ng watawat ng Nikaragwa.[27]

Pagkatapos ng evening gown competition, napabilang Sheynnis Palacios sa limang pinalista na lumahok sa question and answer round. Itinanong ni Halima Aden kay Palacios: "What qualities and values guide you as a leader and role model for others?", kung saan ipinarating niya sa wikang Kastila:[28]

"The quality that has inspired me and has inspired millions of women and girls is humility and to be able to appreciate all of the little things, because that’s where the most valuable thing is: the essence of being human."

Pagkatapos ng question and answer round, napabilang Sheynnis Palacios sa tatlong pinalista na lumahok sa final question round. Itinanong ni Maria Menounos kay Sheynnis Palacios "If you could live one year in another woman's shoes, who would you choose, and why?", kung saan ipinarating niya sa wikang Kastila:[29]

"I would choose Mary Wollstonecraft, because she opened the gap to give an opportunity to many women. What I would do is to have that income gap would open up so women could work in any area that they choose to work in because there are no limitations for women. That was 1750. Now in 2023, we are making history."

Si Palacios sa Kosta Rika noong 2023

Pagkatapos ng kompetisyon, kinoronahan ni R'Bonney Gabriel ng Estados Unidos Sheynnis Palacios bilang Miss Universe 2023. Ito ang kauna-unahang tagumpay ng Nikaragwa sa kasaysayan ng kompetisyon, at ang kauna-unahang tagumpay ng bansa sa apat na pinakamalalaking mga paligsahan ng kagandahan sa mundo.[2]

Sa panahon ng kaniyang panunungkulan bilang Miss Universe 2023, nakapaglakbay si Palacios sa mahigit tatlumpung bansa. Nakapaglakbay si Palacios sa mga bansang El Salvador, Estados Unidos, Mehiko, Indonesya, Katar,[30] Brasil, Kosta Rika, Pilipinas,[31] Taylandiya, Laos,[32] Kambodya, Tsina, Indiya,[33] Monako, Albanya, Pransiya, Gresya, Kolombya, Ekwador, Porto Riko,[34] Republikang Dominikano, Guwatemala, Bahamas, Kapuluang Turks at Caicos, Hamayka, Panama,[35][36][37] Kenya, Sambia, Simbabwe,[38] Nepal, Peru, at Bulibya.[39][40]

Noong 16 Nobyembre 2024, sa gabi ni koronasyon ng Miss Universe 2024, kinoronahan ni Palacios si Victoria Kjær Theilvig bilang ang kaniyang kahalili.[41][42] Inihayag niya noong 15 Marso 2025 na iniregalo sa kaniya ng Miss Universe Organization ang koronang Mouawad Force for Good bilang pagpupugay sa kaniyang panunungkulan bilang Miss Universe.

Pagtanggap sa Nikaragwa

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Naging kontrobersyal ang pagkapanalo ni Palacios sa Miss Universe sa Nikaragwa, nang kumalat ang mga larawan ng kaniyang paglahok sa mga protesta sa Nikaragwa noong 2018–2022 laban kay Pangulong Daniel Ortega.[43] Ang panalo ni Palacios ay ipinagdiwang ng mga miyembro ng oposisyon sa Nikaragwa, na humantong sa pagtuligsa ng Ikalawang Pangulo at ng Unang Ginang na si Rosario Murillo sa tinatawag niyang "masasamang komentaristang terorista na gumagawa ng isang malamya at nakakainsultong pagtatangka na gawing mapangwasak na pagtatangka ng kudeta ang dapat sanang maganda at nararapat na sandali ng pagmamataas."[43] Unang nagpahayag ng "lehitimong kagalakan at pagmamalaki" ang pamahalaan ni Ortega kasunod ng pagkapanalo ni Palacios sa Miss Universe, ngunit kalaunan ay naiulat na pinigilan ang dalawang pintor na kumpletuhin ang isang miyural na nakatuon kay Palacios sa lungsod ng Estelí.[44]

Inakusahan din ng pulisya ng Nikaragwa si Karen Celebertti, may-ari ng prangkisa ng Miss Nicaragua, ng sadyang niloloko ang mga paligsahan sa pagpapaganda pabor sa mga katunggali na kritikal sa pamahalaan ng Nikaragwa bilang bahagi ng isang kudeta, na humantong sa kaniyang pagretiro mula sa industriya ng mga paligsahan sa pagpapaganda sa Nikaragwa.[45][46] Noong 13 Pebrero 2024, inihayag ni Celebertti na siya ang magiging bagong direktor ng talent development para sa Miss Universe Organization.

Personal na buhay

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Noong Setyembre 2024, kinumpirma ni Palacios na siya ay nasa isang relasyon kay Carlos Gómez "El Cañón", isang Benesolanong dating manlalaro ng beysbol.[47]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Sheynnis Palacios is Miss World Nicaragua 2020". Vos TV (sa wikang Kastila). Nakuha noong 2020-11-20.
  2. 2.0 2.1 Heller, Corinne (19 Nobyembre 2023). "Miss Nicaragua Sheynnis Palacios wins Miss Universe 2023". NBC Los Angeles (sa wikang Ingles). Nakuha noong 19 Nobyembre 2023.
  3. Rees, Alex (19 Nobyembre 2023). "Miss Nicaragua wins 2023 Miss Universe pageant". CNN (sa wikang Ingles). Nakuha noong 19 Nobyembre 2023.
  4. Purnell, Kristofer (19 Nobyembre 2023). "Sheynnis Palacios of Nicaragua wins Miss Universe 2023, first for her country". Philippine Star. Nakuha noong 19 Nobyembre 2023.
  5. "Sheynnis Palacios crowned Miss Mundo Nicaragua 2020". The Times of India (sa wikang Ingles). 20 Pebrero 2020. Inarkibo mula sa orihinal noong 25 Hulyo 2022. Nakuha noong 3 Agosto 2022.
  6. "Celebrarán concurso internacional de Miss Mundo en Puerto Rico!" [Confirmed! International Miss World contest will be held in Puerto Rico]. Metro (sa wikang Kastila). 8 Marso 2021. Nakuha noong 19 Nobyembre 2023.
  7. "¿Quién es Sheynnis Palacios, la primera nicaragüense en ganar el Miss Universo 2023?". Eju.tv (sa wikang Kastila). 19 Nobyembre 2023. Nakuha noong 6 Mayo 2025.
  8. "Nicaragüenses celebran en ciudad natal de Sheynnis Palacios, a la nueva Miss Universo 2023". El Mundo (sa wikang Kastila). 19 Nobyembre 2023. Nakuha noong 6 Mayo 2025.
  9. 9.0 9.1 Quesada, Paulina (19 Nobyembre 2023). "¿Quién es Sheynnis Palacios, la guapa LICENCIADA y modelo GANADORA del Miss Universo 2023?". Azteca Bajio (sa wikang Kastila). Nakuha noong 7 Mayo 2025.
  10. Abad, Ysa (19 Nobyembre 2023). "Who is Sheynnis Palacios, Miss Universe 2023?". Rappler (sa wikang Ingles). Nakuha noong 19 Nobyembre 2023.
  11. "Sheynnis Palacios: De vendedora de buñuelos a ser Miss Universo". La Prensa (sa wikang Kastila). 18 Nobyembre 2023. Nakuha noong 7 Mayo 2025.
  12. "Sheynnis Palacios, modelo, promotora comunitaria y ganadora de Miss Nicaragua" [Sheynnis Palacios, model, community promoter, and winner of Miss Nicaragua]. IP Nicaragua (sa wikang Kastila). 7 Agosto 2023. Nakuha noong 7 Mayo 2025.
  13. Abad, Ysa (19 Nobyembre 2023). "Who is Sheynnis Palacios, Miss Universe 2023?". Rappler (sa wikang Ingles). Nakuha noong 19 Nobyembre 2023.
  14. Purnell, Kristofer (19 Nobyembre 2023). "Sheynnis Palacios of Nicaragua wins Miss Universe 2023, first for her country". Philippine Star. Nakuha noong 19 Nobyembre 2023.
  15. "Miss World 2021 finale date announced!". The Times of India (sa wikang Ingles). 11 Marso 2021. Inarkibo mula sa orihinal noong 31 Hulyo 2022. Nakuha noong 31 Hulyo 2022.
  16. Rodríguez Caraballo, Harry (8 Marso 2021). "¡Confirmado! Celebrarán concurso internacional de Miss Mundo en Puerto Rico". Metro Puerto Rico (sa wikang Kastila). Nakuha noong 31 Hulyo 2022.
  17. "Miss World 2021 new pageant finale date has been announced". The Indian Express (sa wikang Ingles). 22 Disyembre 2021. Nakuha noong 31 Hulyo 2022.
  18. "As it happens: Miss World 2021". Philippine Star (sa wikang Ingles). 17 Marso 2022. Nakuha noong 5 Mayo 2023.
  19. "Miss World 2021 announces top 40 contestants". Rappler (sa wikang Ingles). 22 Enero 2022. Nakuha noong 31 Hulyo 2022.
  20. "Get to know Sheynnis Palacios of Nicaragua, the new Miss Universe 2023". Philstar Life (sa wikang Ingles). 19 Nobyembre 2023. Nakuha noong 6 Mayo 2025.
  21. "Sheynnis Palacios, licenciada en comunicación social, es elegida Miss Nicaragua 2023" [Sheynnis Palacios, graduate in social communication, is elected Miss Nicaragua 2023]. Swissinfo (sa wikang Kastila). 6 Agosto 2023. Nakuha noong 8 Agosto 2023.
  22. Severo, Jan Milo. "El Salvador to host 72nd Miss Universe at the end of 2023". Philippine Star (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 15 Enero 2023. Nakuha noong 6 Mayo 2025.
  23. Gillett, Katy (15 Enero 2023). "Miss Universe 2023 to take place in El Salvador". The National (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 17 Enero 2023. Nakuha noong 6 Mayo 2025.
  24. Mallorca, Hannah (19 Nobyembre 2023). "Michelle Dee makes it to Miss Universe 2023 Top 20". Philippine Daily Inquirer (sa wikang Ingles). Nakuha noong 19 Nobyembre 2023.
  25. Bracamonte, Earl D. C. (19 Nobyembre 2023). "Inclusivity, historic wins at Miss Universe 2023". Philippine Star. Nakuha noong 19 Nobyembre 2023.
  26. Requintina, Robert (19 Nobyembre 2023). "LIST: Miss Universe 2023 Top 10 candidates". Manila Bulletin. Nakuha noong 19 Nobyembre 2023.
  27. Herndon, Ayana (19 Nobyembre 2023). "Miss Universe 2023 Winner Sheynnis Palacios Secures Crown in Nicaraguan Flag-inspired Gown". WWD (sa wikang Ingles). Nakuha noong 19 Nobyembre 2023.
  28. "TRANSCRIPT: Miss Universe 2023 Top 5 Q&A segment". Rappler (sa wikang Ingles). 19 Nobyembre 2023. Nakuha noong 20 Nobyembre 2023.
  29. Arnaldo, Steph (19 Nobyembre 2023). "TRANSCRIPT: Miss Universe 2023 Top 3 Q&A". Rappler (sa wikang Ingles). Nakuha noong 20 Nobyembre 2023.
  30. Ocana, Alex; Loreto, Maria (8 Pebrero 2024). "Miss Universe Sheynnis Palacios' incredible Qatar looks". Hola! USA (sa wikang Ingles). Nakuha noong 6 Mayo 2025.
  31. Abad, Ysa (1 Mayo 2024). "Miss Universe 2023 Sheynnis Palacios is coming to the Philippines". Rappler (sa wikang Ingles). Nakuha noong 28 Hulyo 2024.
  32. Visapra, Phontham (8 Abril 2024). "Miss Universe Sheynnis Palacios Receives Heartwarming Welcome in Laos". Laotian Times (sa wikang Ingles). Nakuha noong 28 Hulyo 2024.
  33. "Miss Universo, Sheynnis Palacios, deslumbra con su estilo durante su visita a India". Canal RCN (sa wikang Kastila). Inarkibo mula sa orihinal noong 8 Mayo 2024. Nakuha noong 28 Hulyo 2024.
  34. "Miss Universe Sheynnis Palacios embraced Puerto Rican culture during her visit". Hola! USA (sa wikang Ingles). 28 Hunyo 2024. Nakuha noong 6 Mayo 2025.
  35. Gómez, Shirley (20 Nobyembre 2023). "Exclusive: Sheynnis Palacios's first 48 hours as Miss Universe: What is she doing after the pageant?". Hola! USA (sa wikang Ingles). Nakuha noong 28 Hulyo 2024.
  36. Gómez, Shirley (13 Disyembre 2023). "Sheynnis Palacios takes Nicaraguan fashion around the world". Hola! USA (sa wikang Ingles). Nakuha noong 28 Hulyo 2024.
  37. "Sheynnis Palacios ditches her bob haircut: Her first change of look since Miss Universe win". ¡Hola! (sa wikang Ingles). 3 Abril 2024. Nakuha noong 28 Hulyo 2024.
  38. Engelbrecht, Leandra (23 Agosto 2024). "Miss Universe's African tour: Sheynnis Palacios crowns, dances, and delights in Kenya and Zimbabwe". News24 Life (sa wikang Ingles). Nakuha noong 24 Agosto 2024.
  39. Redaccion, Niu (12 Nobyembre 2024). "Sheynnis Palacios: The Most Traveled Miss Universe Who Hasn't Returned to Her Native Nicaragua". Confidencial (sa wikang Ingles). Nakuha noong 6 Mayo 2025.
  40. Trujillo, Jovita (7 Hunyo 2024). "Will Sheynnis Palacios break a record as Miss Universe?". Hola! USA (sa wikang Ingles). Nakuha noong 6 Mayo 2025.
  41. Bolledo, Jairo (17 Nobyembre 2024). "Victoria Kjær Theilvig wins Miss Universe 2024, the first crown for Denmark". Rappler (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 31 Marso 2025. Nakuha noong 26 Nobyembre 2024.
  42. Heller, Corinne (17 Nobyembre 2024). "Denmark's Victoria Kjær Theilvig crowned Miss Universe 2024 winner". NBC Los Angeles (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 17 Abril 2025. Nakuha noong 26 Nobyembre 2024.
  43. 43.0 43.1 Selser, Gabriela (24 Nobyembre 2023). "Nicaragua's Miss Universe title win exposes deep political divide in the Central American country". Associated Press (sa wikang Ingles). Nakuha noong 6 Mayo 2025.
  44. "Nicaragua bars pageant head after Ortega critic wins Miss Universe: media". France 24 (sa wikang Ingles). 25 Nobyembre 2023. Nakuha noong 6 Mayo 2025.
  45. Selser, Gabriela (12 Disyembre 2023). "Miss Nicaragua pageant director announces her retirement after accusations of 'conspiracy'". Associated Press (sa wikang Ingles). Nakuha noong 6 Mayo 2025.
  46. "Nicaraguan Miss Universe Scandal Includes Conspiracy, Money Laundering Charges". Latin American Post (sa wikang Ingles). 3 Disyembre 2023. Nakuha noong 6 Mayo 2025.
  47. "Sheynnis Palacios anuncia noviazgo a pocos meses de terminar su reinado como Miss Universo" [Sheynnis Palacios announces her engagement just months before ending her reign as Miss Universe.]. La Prensa (sa wikang Kastila). 8 Setyembre 2024. Nakuha noong 7 Mayo 2025.

Panlabas na kawing

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Mga Parangal at Natanggap
Sinundan:
Estados Unidos R'Bonney Gabriel
Miss Universe
2023
Susunod:
Denmark Victoria Kjær Theilvig
Sinundan:
Norma Huembes
Miss Nicaragua
2023
Susunod:
Geyssell García
Sinundan:
María Teresa Cortez
Miss World Nicaragua
2020
Susunod:
Mariela Cerros