Ahtisa Manalo
Ahtisa Manalo | |
---|---|
Kapanganakan | Maria Ahtisa Manalo 25 Mayo 1997 Candelaria, Quezon, Pilipinas |
Edukasyon | Manuel S. Enverga University Foundation (B.Acy) |
Trabaho |
|
Tangkad | 1.75 m (5 tal 9 pul) |
Titulo | |
Beauty pageant titleholder | |
Major competition(s) |
|
Si Maria Ahtisa Manalo ay isang Pilipinong modelo, entreprenyur at may-hawak na titulo sa patimpalak ng kagandahan na kinoronahan bilang kauna-unahang Miss Cosmo Philippines 2024. Siya ang kakatawan sa Pilipinas para sa unang kompetisyon ng Miss Cosmo (International) 2024 na gaganapin sa Vietnam. [1][2]
Si Manalo ay dati nang kinoronahang Binibining Pilipinas International 2018 at naging kinatawan ng Pilipinas sa kompetisyon ng Miss International 2018 kung saan siya ay kinoronahan bilang Miss International 2018 first runner-up (unang karangalang banggit).[3]
Buhay at Edukasyon
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ipinanganak si Ahtisa Manalo noong Mayo 27, 1997, sa bayan ng Candelaria, Lalawigan ng Quezon, Pilipinas, sa isang ina na may kanunuang Pilipino-Espanyol at isang Pilandes-Suweko na ama.[4][5] Nag-aral siya sa Manuel S. Enverga University Foundation - Candelaria, Inc. mula elementarya hanggang kolehiyo, at nagtapos ng akademikong antas ng Batsilyer sa Agham ng Pagtutuos (Bachelor of Science in Accountancy).[6][7]
Paligsahan ng Kagandahan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Binibining Pilipinas 2018
[baguhin | baguhin ang wikitext]Si Ahtisa Manalo ay lumahok sa Binibining Pilipinas 2018, noong ika-18 ng Marso 2018, na ginanap sa Araneta Coliseum. Bagama't hindi tiningnan bilang isang nangungunang kalahok sa buong pagtakbo ng patimpalak, nakakuha niya ang atensyon ng midya pagkatapos ng kanyang pagtatanghal sa presentasyon para sa midya, kung saan sinabi ng Rappler na "her peak" o "kanyang rurok"[8]. Sa rolyo ng huling katanungan at kasagutan, tinanong siya: "Paano dapat tumugon ang isang beauty queen (reyna ng kagandahan) sa malupit na kritisismo?" Sumagot si Manalo:[9]
"Ang isang beauty queen ay nararapat na laging tumutugon sa kritisismo nang konstruktibo. Tayong mga beauty queen ay mga pampublikong pigura, at nilagay natin ang mga sarili natin sa isang katayuan upang mahusgahan. Ngunit gayunpaman, dapat nating laging.. dapat nating laging salain kung.. kung aling mga komento ang dapat nating sang-ayunan o tanggapin, at kung ano ang hindi dapat."
Sa pagtatapos ng patimpalak, kinoronahan si Manalo na Binibining Pilipinas International 2018 ng susundan niyang si Maria Angelica de Leon.[10][11] Sa edad na 20, si Manalo ang pinakabatang nagwagi sa edisyong iyon.[12]
Miss International 2018
[baguhin | baguhin ang wikitext]Sa pagkapanalo sa titulong Binibining Pilipinas International 2018, naging delegado ng bansa si Ma. Ahtisa Manalo sa patimpalak ng Miss International 2018, na ginanap sa Tokyo Dome City Hall noong Nobyembre 9, 2018. Sa pagsisimula ng kompetisyon, si Manalo ay nakilala bilang paboritong kalahok ng patimpalak mula sa kanyang pagganap sa mga aktibidad bago ang kompetisyon.[13]
Sa huling talumpati sa Top 8 (nangungunang walo), binigyang-diin ni Manalo ang kanyang kasabikan na manguna sa kabila ng kanyang kabataan, at nangakong patuloy na magiging "tinig ng kabataan sa pagpapakita na walang imposible sa pagsusumikap at determinasyon". Buong salaysay ni Ahtisa Manalo:[14][15]
"Ang Miss International ay isang pagdiriwang ng kabataan at pagbibigay-lakas. Palagi akong naniniwala na ang edad ay hindi hadlang upang maabot ang ating mga pangarap o magkaroon ng impluwensya sa iba. Sa edad na 15, nagsimula akong tumulong sa mga programa sa aking komunidad para sa mga batang lansangan. Sa edad na 19, nagtapos ako ng kolehiyo. Sa edad na 20, aking napagtanto na kaya kong magsalita para sa mga mabuting layunin sa mas malawak na madla kaya ako sumali sa ating pambansang patimpalak."
"Kung ako ay magiging Miss International, ipagpapatuloy kong maging tinig ng kabataan, sa pagpapakita na walang imposible sa pagsisikap at determinasyon. At kapiling ang mga magagandang binibini ngayong gabi, isang pamilya ng mga beauty queen — na magagandang kabataang nangangarap at mga mapagtagumpay, ipapakita namin sa mundo na pag-ibig, kapayapaan, at kagandahan ang tunay nating nililingap. At sama-sama—gagawa tayo ng kaibahan."[14]
Sa pagtatapos ng kaganapan, nagtapos si Manalo bilang first runner-up (unang karangalang banggit) kay Mariem Velazco ng Venezuela.[16] Sa pagtatapos ng kanyang pangangasiwa bilang Binibining Pilipinas International, kinoronahan ni Manalo si Bea Magtanong bilang kanyang kasunod sa patimpalak ng Binibining Pilipinas 2019.[17]
Miss Universe Philippines 2024
[baguhin | baguhin ang wikitext]Kasunod ng kanyang pagtatapos sa patimpalak ng Miss International, si Ahtisa Manalo ay nakilala bilang isang malakas na potensyal na kandidato para sa hinaharap na mga pambansang patimpalak.[18] Noong Enero 31, 2020, nagsumite siya ng kanyang aplikasyon para sa kompetisyon ng Miss Universe Philippines 2020, gayunpaman, binawi niya sa ilang sandali ang aplikasyon dahil sa mga isyung medikal.[19][20] Ang kanyang pagbawi ay nag-udyok ng mga akusasyon ng isang publisidad na palabas, gayunpaman, nilinaw niya na siya ay nagpasa ng aplikasyon nang huli hangga't maaari dahil hindi siya sigurado sa kanyang desisyon na makipagkumpetensya.[21]
Noong Enero 27, 2024, inihayag ng Miss Universe Philippines Quezon Province ang pagkahirang kay Ahtisa Manalo bilang delegado ng lalawigan sa patimpalak ng Miss Universe Philippines 2024.[22][23]
Sa prelimaryang kompetisyon ng Miss Universe Philippines 2024, nagsimula ang pangingibabaw ni Manalo, kung saan kinilala siya bilang Miss Smilee, Miss Fairy Skin, Miss Great iColor Plus, Miss Hello Glow, Miss Danielito's Home Kitchen, Miss Zonrox Color Safe, Miss Queen of Hearts Sleepwear, at Miss Aqua Boracay.
Sa pagtatapos ng patimpalak, nagtapos siya bilang 2nd runner-up kay Chelsea Manalo ng Bulacan.[24]
The Miss Philippines Coronation
[baguhin | baguhin ang wikitext]Pagkatapos ng koronasyon ng Miss Universe Philippines 2024, sampung kandidata mula sa Top 10 at Top 20 ang isinalang para sa hiwalay na koronasyon ng apat pang korona sa ilalim ng The Miss Philippines. Kinoronahan si Ahtisa Manalo bilang kauna-unahang Miss Cosmos Philippines 2024. Siya ang kakatawan sa Pilipinas sa gaganaping Miss Cosmo 2024 sa Vietnam.[25]
Ilan pa sa mga hinirang na kandidata ay sina Tarah Valencia bilang Miss Supranational Philippines 2025, Alexie Brooks bilang Miss Eco International 2025, at Cyrille Payumo bilang Miss Charm Philippines 2025. [26][27]
Mga adbokasiya at plataporma
[baguhin | baguhin ang wikitext]Si Ahtisa Manalo ay isang nag-aadbokasiya para sa LGBTQ.[28] Bilang isang entreprenyur, si Manalo ay nakipagtrabaho sa organisasyon ng Alon Akademie, na nakatuon sa pagbibigay-lakas sa mga bata o kabataang Pilipino upang magpatuloy sa kanilang mga pangarap sa pamamagitan ng edukasyong entreprenyuryar.[29]
Personal na buhay
[baguhin | baguhin ang wikitext]Kasunod ng kanyang pangangasiwa bilang Binibining Pilipinas International, sinabi ni Manalo na siya ay nagpapatakbo ng dalawang café sa Australia—Cafe Noun at Call Me Harris. Nabanggit din niya na nagpasimula siya ng isang kumpanya ng pagkain at inumin, at ngayon mayroong humigit na isang libong empleyado. May papel din si Manalo sa paglikha at pagpapalawak ng mga tatak ng pagkain tulad ng Koomi, Oh My Greek, Zig Foods at Salt and Ice.[30][31]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Adina, Armin P. (2024-05-23). "The Miss Philippines crowns four more queens after Miss Universe Philippines 2024". INQUIRER.net (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2024-05-23.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Beauty queen Ahtisa Manalo chooses food business over luxury items". PEP.ph (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2024-05-09.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Ahtisa Manalo to represent Quezon Province in Miss Universe Philippines 2024". Philstar Life. Nakuha noong 2024-05-08.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Ahtisa Manalo ready to conquer the Miss Universe stage: 'I'm a lot stronger now'". Manila Bulletin (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2024-05-09.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Vergara, Alex Y. "Ahtisa Manalo: Dutiful & beautiful". Philstar.com. Inarkibo mula sa orihinal noong Hunyo 21, 2023. Nakuha noong 2023-06-21.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Mwendwa, Winfred (2020-03-03). "Who is Ahtisa Manalo inside and outside of the beauty pageants?". Kami.com.ph - Philippines news. (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2024-05-06.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Manuel S. Enverga University Foundation". www.facebook.com. Nakuha noong 2024-05-12.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Villano, Alexa (2018-03-21). "Get to know Bb Pilipinas International 2018 Ma. Ahtisa Manalo". RAPPLER (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2024-05-06.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ News, Jamil Santos, GMA (2018-03-27). "What Bb. Pilipinas-International Ahtisa Manalo learned from her Q&A 'stutter'". GMA News Online (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2024-05-06.
{{cite web}}
:|last=
has generic name (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link) - ↑ "Catriona Gray crowned Miss Universe-PH to lead all winners in Bb. Pilipinas 2018 pageant". Interaksyon (sa wikang Ingles). Marso 19, 2018. Inarkibo mula sa orihinal noong Marso 1, 2019. Nakuha noong Pebrero 28, 2019.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "FULL LIST: Winners, Binibining Pilipinas 2018". Rappler (sa wikang Ingles). 2018-03-18. Inarkibo mula sa orihinal noong Agosto 11, 2020. Nakuha noong 2021-07-14.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Villano, Alexa (2018-03-21). "Get to know Bb Pilipinas International 2018 Ma. Ahtisa Manalo". RAPPLER (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong Hunyo 4, 2023. Nakuha noong 2023-06-13.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Afinidad-Bernardo, Deni Rose M. (2018-11-04). "Philippines almost wins Miss International 2018". Philstar.com. Inarkibo mula sa orihinal noong Abril 4, 2023. Nakuha noong 2023-06-13.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 14.0 14.1 "Ahtisa Manalo delivers Miss International 2018 speech". ABS-CBN News. 2018-11-09. Inarkibo mula sa orihinal noong Nobyembre 17, 2020. Nakuha noong 2023-06-13.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Ahtisa Manalo finishes first runner-up in Miss International 2018". news.abs-cbn.com. 2018-11-10. Inarkibo mula sa orihinal noong Hunyo 12, 2023. Nakuha noong 2023-06-12.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Venezuela's Mariem Claret Velazco Garcia wins Miss International 2018". RAPPLER (sa wikang Ingles). 2018-11-09. Inarkibo mula sa orihinal noong Hulyo 19, 2023. Nakuha noong 2023-06-13.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Gazini Christiana Ganados is crowned Miss Universe Philippines 2019". RAPPLER (sa wikang Ingles). 2019-06-09. Inarkibo mula sa orihinal noong Pebrero 1, 2023. Nakuha noong 2023-06-13.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Bracamonte, Earl D. C. "LIST: Filipina queens who could bring back The Philippines to Miss Universe Top 16". Philstar.com. Inarkibo mula sa orihinal noong Marso 18, 2023. Nakuha noong 2023-06-13.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Severo, Jan Milo. "Miss International 2018 1st runner-up Ahtisa Manalo backs out from Miss Universe Philippines 2020". Philstar.com. Inarkibo mula sa orihinal noong Pebrero 27, 2020. Nakuha noong 2023-06-13.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Ahtisa Manalo backs out of Miss Universe Philippines race". ABS-CBN News. 2020-02-03. Inarkibo mula sa orihinal noong Hunyo 18, 2021. Nakuha noong Hunyo 13, 2023.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Ahtisa Manalo cries foul over 'publicity stunt' accusations". ABS-CBN News. 2020-02-03. Inarkibo mula sa orihinal noong Disyembre 17, 2020. Nakuha noong Hunyo 13, 2023.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Ahtisa Manalo to represent Quezon Province in Miss Universe Philippines 2024". Philippine Star. Enero 27, 2024. Inarkibo mula sa orihinal noong Enero 27, 2024. Nakuha noong Enero 27, 2024.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Ahtisa Manalo returns to pageantry as Quezon Province's rep for Miss Universe Philippines". GMA News Online (sa wikang Ingles). 2024-01-27. Inarkibo mula sa orihinal noong Enero 27, 2024. Nakuha noong 2024-01-27.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Quezon's pride Ahtisa Manalo reigns as Miss Cosmo Philippines 2024". Sentinel Times. Nakuha noong 2024-05-23.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Adina, Armin P. (2024-05-27). "How Ahtisa Manalo, Alexie Brooks got their respective The Miss Philippines titles". INQUIRER.net (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2024-05-29.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Adina, Armin P. (2024-05-23). "The Miss Philippines crowns four more queens after Miss Universe Philippines 2024". INQUIRER.net (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2024-05-29.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Empire Philippines (2024-06-01), The Miss Philippines Coronation| Full Show, nakuha noong 2024-06-05
{{citation}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Acar, Aedrianne. "#PanaloSiManalo: What you should know about Miss International 2018 First runner-up Ahtisa Manalo". www.gmanetwork.com (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong Hunyo 21, 2023. Nakuha noong 2023-06-21.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Castillejo, Dyan (2024-01-27). "Ahtisa Manalo ready for the Miss Universe stage". ABS-CBN News.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Beauty queen Ahtisa Manalo chooses food business over luxury items". PEP.ph (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2024-05-09.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Ahtisa Manalo ready for the Miss Universe stage". ABS-CBN News.