Pumunta sa nilalaman

Miss Universe 2019

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Miss Universe 2019
Zozibini Tunzi
Petsa8 Disyembre 2019
Presenters
EntertainmentAlly Brooke
PinagdausanTyler Perry Studios, Atlanta, Georgia, Estados Unidos
Brodkaster
Lumahok90
Placements20
Bagong sali
  • Bangglades
  • Gineang Ekwatoriyal
Hindi sumali
  • Gana
  • Gresya
  • Guwatemala
  • Kirgistan
  • Libano
  • Rusya
  • Sambia
  • Sri Lanka
  • Suwisa
  • Unggarya
Bumalik
  • Litwanya
  • Rumanya
  • Sierra Leone
  • Tansaniya
NanaloZozibini Tunzi
South Africa Timog Aprika
CongenialityOlga Buława
Poland Polonya
Pinakamahusay na Pambansang KasuotanGazini Ganados
Pilipinas Pilipinas
← 2018
2020 →

Ang Miss Universe 2019 ay ang ika-68 edisyon ng Miss Universe pageant, na ginanap sa Tyler Perry Studios sa Atlanta, Georgia, Estados Unidos noong 8 Disyembre 2019.[1]

Pagkatapos ng kompetisyon, kinoronahan ni Catriona Gray ng Pilipinas si Zozibini Tunzi ng Timog Aprika bilang Miss Universe 2019.[2] Ito ang ikatlong tagumpay ng Timog Aprika sa kasaysayan ng kompetisyon. Nagtapos bilang first runner-up si Madison Anderson ng Porto Riko samantalang nagtapos bilang second runner-up si Sofía Aragón ng Mehiko.[3][4]

Mga kandidata mula sa siyamnapung mga bansa at teritoryo ang kumalahok sa kompetisyong ito. Pinangunahan ni Steve Harvey ang kompetisyon, samantalang sina Miss Teen USA 1998 Vanessa Lachey at Miss Universe 2012 Olivia Culpo ang nagsilbing mga backstage correspondent.[5] Nagtanghal si Ally Brooke sa edisyong ito.[6] Itinampok rin sa edisyong ito ang bagong Mouawad Power of Unity Crown na nagkakahalaga ng $5 milyon.[7][8]

Atlanta, Georgia, ang lokasyon ng Miss Universe 2019

Lokasyon at petsa

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Noong 19 Disyembre 2018, nabanggit ng Pilipinong politiko at negosyanteng si Chavit Singson na ang ika-68 edisyon ng kompetisyon ay gaganapin sa Seoul, Timog Korea. Sinabi rin ni Singson na tutulong siya sa paghahanda para sa kompetisyon sa Timog Korea bagaman hindi pa tapos ang mga detalye at hindi pa ito kinukumpirma ng Miss Universe Organization. Huling idinaos ang Miss Universe sa Seoul noong 1980.[9][10]

Naiulat noong Abril 2019 na ang Pilipinas at Rio de Janeiro sa Brasil ay interesado sa pagho-host ng kompetisyon. Lumaki ang interes sa Pilipinas kasunod ng pagkapanalo ni Catriona Gray noong nakaraang edisyon, na ninanais na makoronahan ang kanyang kahalili sa kanyang sariling bansa, tulad ng ginawa ni Pia Wurtzbach noong 2017.[11] Samantala, idedeklara bilang World Capital of Architecture ng UNESCO para sa taong 2020 ang Rio de Janeiro, at naiulat na naghahanap ang lungsod ng mga internasyonal na kaganapan para sa antisipasyon ng titulo.[12][13] Noong Mayo 2019, sinabi ng anak ni Chavit Singson na si Richelle Singson-Michael na ang Pilipinas ay isa sa mga bansang nagbi-bid upang i-host ang kompetisyon, at ang LCS Group ay nakatuon sa pagho-host ng kompetisyon sa Pilipinas man o sa Timog Korea.[12]

Naiulat noong Agosto ng kaparehong taon na ang Israel at Timog Aprika ay interesado rin sa pagho-host ng kompetisyon.[14] Umusbong ang mga talakayan tungkol sa pagho-host ng Israel matapos matagumpay na i-host ng Tel-Abib ang Paligsahang Pang-awitin ng Eurovision noong 2019. Interesado rin ang Israel sa pagho-host ng kompetisyon sa susunod na dalawang taon. Subalit, dahil sa kakulangan sa badyet at sa pambansang eleksyon sa Israel, umatras ang bansa sa pagho-host ng kompetisyon.[15] Kalaunan, ang Israel ang nag-host sa ika-70 edisyon ng kompetisyon.[16][17] Noong 31 Oktubre 2019, kinumpirma ng Miss Universe Organization na ang kompetisyon ay mangyayari sa Tyler Perry Studios sa Atlanta, Georgia sa 8 Disyembre 2019.[1][18]

Pagpili ng mga kalahok

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang mga kalahok mula sa siyamnapung mga bansa at teritoryo ay napili upang kumalahok sa kompetisyon. Anim na kandidata ang nailuklok upang kumatawan sa kanilang bansa/teritoryo at isang kandidata ang napili matapos isagawa ang isang bagong kompetisyong pambansa upang palitan ang napatalsik na nanalo.

Si Miss Belgium 2018 Angeline Flor Pua ay iniluklok upang kumatawan sa bansang Belhika sa edisyong ito matapos na piliin ni Miss Belgium 2019 Elena Castro na kumalahok sa Miss World 2019.[19] Iniluklok upang kumatawan sa bansang Pransiya si Miss France 2018 Maëva Coucke matapos na pinili ni Miss France 2019 Vaimalama Chaves na huwag sumali sa kahit anong internasyonal na kompetisyon.[20] Iniluklok naman si Miss Polski 2018 Olga Buława upang kumatawan sa Polonya matapos bitawan ng Miss Polonia Organization ang kanilang prangkisa sa Miss Universe.[21]

Si Anyella Grados ang orihinal na kakatawan sa Peru sa Miss Universe. Gayunpaman, pinatalsik sa trono si Grados kasunod ng isang iskandalo kung saan lumabas ang mga video ni Grados kung saan ito ay lasing at nagsusuka sa publiko. Dahil sa pagpapatalsik kay Grados, naganap ang isang espesyal na edisyon ng Miss Peru 2019 upang piliin ang bagong kinatawan ng Peru sa Miss Universe. Nanalo bilang Miss Peru 2019 si Kelin Rivera.[22][23][24]

Mga unang pagsali, pagbalik, at pag-urong

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Sa edisyong ito unang kumalahok ang Bangglades at Gineang Ekwatoriyal, at bumalik ang mga bansang Litwanya, Rumanya, Sierra Leone, at Tansaniya.[25][26] Huling kumalahok noong 2014 ang Litwanya, noong 2016 ang Sierra Leone, at noong 2017 ang Rumanya at Tansaniya. Ang mga bansang Gana, Gresya, Guwatemala, Kirgistan, Libano, Rusya, Sambia, Sri Lanka, Suwisa, at Unggarya ay hindi sumali sa edisyong ito. Hindi sumali ang Libano dahil sa mga protesta sa Libano noong ika-17 ng Oktubre 2019. Hindi sumali si Erika Kolani ng Gresya dahil sa kakulangan sa badyet at problema sa US visa.[27] Hindi sumali si Alina Sanko ng Rusya matapos na mag-overlap ang petsa ng Miss World 2019 at Miss Universe 2019. Dahil sa tagal ng pag-anunsyo ng Miss Universe Organization sa lokasyon at petsa ng kompetisyon, hindi natapos ng Miss Russia Organization ang mga plano nito na makahanap ng kapalit ni Sanko.[28] Si Sanko ay ang kinatawan ng Rusya sa susunod na edisyon.[29] Hindi sumali si Didia Mukwala ng Sambia matapos na mabigo ang Miss Universe Zambia Organization na maglaan ng biyahe para kay Mukwala papuntang Atlanta dahil sa sitwasyong pinansyal ng organisasyon.[30] Hindi sumali ang Gana, Guwatemala, Kirgistan, Sri Lanka, Suwisa, at Unggarya matapos na mabigo ang kanilang mga organisasyong pambansa na magdaos ng kompetisyong pambansa o magtalaga ng kalahok.[31]

Sa edisyon ring ito kumalahok ang kauna-unahang kandidatang hayagang lesbian na si Swe Zin Htet ng Miyanmar na umamin ilang araw bago ang kompetisyon.[32]

Mga bansa at teritoryong sumali sa Miss Universe 2019 at ang kanilang mga pagkakalagay.

Mga pagkakalagay

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Pagkakalagay Kandidata
Miss Universe 2019
1st runner-up
2nd runner-up
Top 5
Top 10
Top 20

Mga espesyal na parangal

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Parangal Kandidata
Best National Costume
Miss Congeniality

Pormat ng kompetisyon

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Tulad noong 2018, dalawampung semi-finalist ang napili sa pamamagitan ng paunang kompetisyon at ang mga closed-door interview.[38] Muling isinagawa ang internet voting kung saan ang mga manonood ay maaaring bumoto para sa isang kandidata upang makapasok sa semi-finals. Muling ginamit sa ikatlong pagkakataon ang continental format kung saan limang semi-finalist ay galing sa Kaamerikahan, Europa, at Aprika at Asya-Pasipiko at limang semi-finalist ay kabilang sa wildcards na magmumula sa anumang rehiyong kontinental. Kumalahok sa opening statement ang dalawampung semi-finalist at kalaunan ay pinili ang sampung semi-finalist.[39] Lumahok sa swimsuit competition at evening gown competition ang sampung semi-finalist at kalaunan ay pinili ang limang pinalista. Limang pinalista ang sumabak sa paunang question-and-answer round, at tatlong pinalista naman ang sumabak sa final question at closing statement.[40][41]

Komite sa pagpili

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Mga kandidata

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Siyamnapung kandidata ang lumahok para sa titulo.[44]

Bansa/Teritoryo Kandidata Edad[a] Bayan Rehiyong Kontinental
Albanya Albanya Cindy Marina[45] 21 Shkodër Europa
Alemanya Alemanya Miriam Rautert[46] 23 Berlin Europa
Angola Anggola Salett Miguel[47] 20 Cuanza Aprika at Asya-Pasipiko
Arhentina Arhentina Mariana Varela[48] 23 Avellaneda Kaamerikahan
Armenya Armenya Dayana Davtyan[49] 21 Ereban Europa
Aruba Aruba Danna García[50] 21 Oranjestad Kaamerikahan
Australia Australya Priya Serrao[51] 27 Melbourne Aprika at Asya-Pasipiko
New Zealand Bagong Silandiya Diamond Langi[52] 27 Auckland Aprika at Asya-Pasipiko
 Bahamas Tarea Sturrup[53] 24 Grand Bahama Kaamerikahan
Bangladesh Bangglades Shirin Akter Shela[54] 20 Thakurgaon Aprika at Asya-Pasipiko
Barbados Barbados Shanel Ifill[55] 20 Bridgetown Kaamerikahan
Belhika Belhika Angeline Flor Pua[19] 24 Antwerp Europa
Belize Belis Destinee Arnold[56] 26 Roaring Creek Kaamerikahan
Venezuela Beneswela Thalía Olvino[57] 20 Valencia Kaamerikahan
Vietnam Biyetnam Hoàng Thị Thùy[58] 27 Thanh Hóa Aprika at Asya-Pasipiko
Brazil Brasil Júlia Horta[59] 25 Juiz de Fora Kaamerikahan
Bulgaria Bulgarya Lora Asenova[60] 25 Byala Slatina Europa
Bolivia Bulibya Fabiana Hurtado[61] 21 Santa Cruz Kaamerikahan
Curaçao Curaçao Kyrsha Attaf[62] 22 Willemstad Kaamerikahan
Denmark Dinamarka Katja Stokholm[63] 23 Odense Europa
Egypt Ehipto Diana Hamed[64] 20 Cairo Aprika at Asya-Pasipiko
Ecuador Ekwador Cristina Hidalgo[65] 22 Guayaquil Kaamerikahan
El Salvador El Salvador Zuleika Soler[66] 25 La Unión Kaamerikahan
Slovakia Eslobakya Laura Longauerová[67] 24 Detva Europa
Espanya Espanya Natalie Ortega[68] 20 Barcelona Europa
Estados Unidos Estados Unidos Cheslie Kryst[69] 28 Charlotte Kaamerikahan
Equatorial Guinea Gineang Ekwatoriyal Serafina Eyene[70] 20 Niefang Aprika at Asya-Pasipiko
United Kingdom Gran Britanya Emma Jenkins[71] 27 Llanelli Europa
Guam Guam Sissie Luo[72] 18 Tamuning Aprika at Asya-Pasipiko
Jamaica Hamayka Iana Tickle Garcia[73] 19 Montego Bay Kaamerikahan
Hapon Hapon Ako Kamo[74] 22 Kobe Aprika at Asya-Pasipiko
Haiti Hayti Gabriela Vallejo[75] 26 Pétion-Ville Kaamerikahan
Heorhiya Heyorhiya Tako Adamia[76] 25 Tbilisi Europa
Honduras Rosemary Arauz[77] 26 San Pedro Sula Kaamerikahan
India Indiya Vartika Singh[78] 26 Lucknow Aprika at Asya-Pasipiko
Indonesia Indonesya Frederika Alexis Cull[79] 20 Jakarta Aprika at Asya-Pasipiko
Irlanda (bansa) Irlanda Fionnghuala O'Reilly[80] 26 Dublin Europa
Israel Israel Sella Sharlin[81] 23 Beit Aprika at Asya-Pasipiko
Italya Italya Sofia Trimarco[82] 20 Buccino Europa
Cambodia Kambodya Somnang Alyna[83] 18 Nom Pen Aprika at Asya-Pasipiko
Canada Kanada Alyssa Boston[84] 24 Tecumseh Kaamerikahan
Kapuluang Birheng Britaniko Kapuluang Birheng Britaniko Bria Smith[85] 26 Tortola Kaamerikahan
United States Virgin Islands Kapuluang Birhen ng Estados Unidos Andrea Piecuch[86] 28 Charlotte Amalie Kaamerikahan
Cayman Islands Kapuluang Kayman Kadejah Bodden[87] 23 Bodden Town Kaamerikahan
Kazakhstan Kasakstan Alfïya Ersayın 18 Atyrau Europa
Kenya Kenya Stacy Michuki[88] 18 Nairobi Aprika at Asya-Pasipiko
Colombia Kolombiya Gabriela Tafur[89] 24 Cali Kaamerikahan
Kosovo Kosobo Fatbardha Hoxha[90] 21 Rečane Europa
Costa Rica Kosta Rika Paola Chacón[91] 28 San José Kaamerikahan
Croatia Kroasya Mia Rkman[92] 22 Korčula Europa
Laos Laos Vichitta Phonevilay[93] 23 Vientiane Aprika at Asya-Pasipiko
Lithuania Litwanya Paulita Baltrušaitytė[94] 21 Vilnius Europa
Iceland Lupangyelo Birta Abiba Þórhallsdóttir[95] 20 Mosfellsbær Europa
Malaysia Malaysia Shweta Sekhon[96] 22 Kuala Lumpur Aprika at Asya-Pasipiko
Malta Malta Teresa Ruglio[97] 23 Sliema Europa
Mauritius Mawrisyo Ornella LaFleche[98] 21 Beau Bassin-Rose Hill Aprika at Asya-Pasipiko
Mexico Mehiko Sofía Aragón[99] 25 Guadalajara Kaamerikahan
Myanmar Miyanmar Swe Zin Htet[100] 20 Hpa-an Aprika at Asya-Pasipiko
Mongolia Monggolya Gunzaya Bat-Erdene[101] 25 Ulan Bator Aprika at Asya-Pasipiko
Namibia Namibya Nadja Breytenbach[102] 24 Windhoek Aprika at Asya-Pasipiko
 Nepal Pradeepta Adhikari[103] 23 Kathmandu Aprika at Asya-Pasipiko
Niherya Niherya Olutosin Araromi[104] 26 Jalingo Aprika at Asya-Pasipiko
Nicaragua Nikaragwa Inés López[105] 19 Managua Kaamerikahan
Norway Noruwega Helene Abildsnes[106] 21 Kristiansand Europa
Netherlands Olanda Sharon Pieksma[107] 24 Rotterdam Europa
Panama Panama Mehr Eliezer[108] 22 Lungsod ng Panama Kaamerikahan
Paraguay Paragway Ketlin Lottermann[109] 26 Santa Rita Kaamerikahan
Peru Peru Kelin Rivera[24] 26 Arequipa Kaamerikahan
Pilipinas Pilipinas Gazini Ganados[110] 23 Talisay Aprika at Asya-Pasipiko
Finland Pinlandiya Anni Harjunpää[111] 23 Sastamala Europa
Poland Polonya Olga Buława[112] 28 Świnoujście Europa
Puerto Rico Porto Riko Madison Anderson[113] 24 Toa Baja Kaamerikahan
Portugal Portugal Sylvie Silva[114] 20 Guimarães Europa
Pransiya Pransiya Maëva Coucke[20] 25 Fougères Europa
Republikang Dominikano Republikang Dominikano Clauvid Dály[115] 18 Punta Cana Kaamerikahan
Republikang Tseko Republikang Tseko Barbora Hodačová[116] 24 Teplice Europa
Romania Rumanya Dorina Chihaia[117] 26 Iași Europa
Saint Lucia Santa Lucia Bebiana Mangal[118] 23 Castries Kaamerikahan
Sierra Leone Sierra Leone Marie Esther Bangura[119] 22 Port Loko Aprika at Asya-Pasipiko
Singapore Singapura Mohana Prabha[120] 24 Singapore Aprika at Asya-Pasipiko
Suwesya Suwesya Lina Ljungberg[121] 22 Östergötland Europa
Tanzania Tansaniya Shubila Stanton[122] 23 Morogoro Aprika at Asya-Pasipiko
Thailand Taylandiya Paweensuda Drouin[123] 26 Bangkok Aprika at Asya-Pasipiko
South Africa Timog Aprika Zozibini Tunzi[124] 26 Tsolo Aprika at Asya-Pasipiko
Timog Korea Timog Korea Lee Yeon-joo[125] 25 Incheon Aprika at Asya-Pasipiko
Chile Tsile Geraldine González[126] 20 Conchali Kaamerikahan
Republikang Bayan ng Tsina Tsina Rosie Zhu Xin[127] 26 Hebei Aprika at Asya-Pasipiko
Turkey Turkiya Bilgi Aydoğmuş[128] 23 Istanbul Europa
Ukraine Ukranya Anastasia Subbota[129] 26 Zaporizhia Europa
Uruguay Urugway Fiona Tenuta[130] 21 Punta del Este Kaamerikahan
  1. Mga edad sa panahon ng kompetisyon

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 "Tyler Perry's new studio to host 2019 Miss Universe pageant". AP News (sa wikang Ingles). 1 Nobyembre 2019. Nakuha noong 29 Hulyo 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Miss Universe 2019: 'May every little girl see their faces reflected in mine'". BBC News (sa wikang Ingles). 9 Disyembre 2019. Nakuha noong 6 Pebrero 2023.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Maxouris, Christina (9 Disyembre 2019). "Miss South Africa crowned 2019 Miss Universe". CNN. Nakuha noong 29 Hulyo 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Arnowitz, Leora (9 Disyembre 2019). "Miss Universe 2019: South Africa wins, Steve Harvey has another mix-up and more you missed". USA Today (sa wikang Ingles). Nakuha noong 10 Hunyo 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Stone, Natalie (15 Mayo 2019). "Steve Harvey Still Hosts 3 Shows and Miss Universe: Everywhere You Can Watch Him Work". People Magazine (sa wikang Ingles). Nakuha noong 29 Hulyo 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. Campbell, Kathy (9 Disyembre 2019). "Miss Universe 2019: Find Out Who Won, Plus Steve Harvey Has Another Mishap". Us Weekly (sa wikang Ingles). Nakuha noong 29 Hulyo 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. "LOOK: New Miss Universe 2019 crown unveiled". Rappler (sa wikang Ingles). 6 Disyembre 2019. Nakuha noong 29 Hulyo 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. "Mouawad and The Miss Universe Organization Unveil The Miss Universe Power of Unity Crown, Crafted by Mouwad". PR Newswire (sa wikang Ingles). 6 Disyembre 2019. Nakuha noong 31 Hulyo 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. "Singson says 2019 Miss Universe pageant to be held in South Korea". ABS-CBN News (sa wikang Ingles). 19 Disyembre 2018. Nakuha noong 29 Hulyo 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. Adel, Rosette (20 Disyembre 2018). "Miss Universe 2019 will be in South Korea, Singson says". Philippine Star (sa wikang Ingles). Nakuha noong 13 Oktubre 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. de los Reyes, Sara (9 Mayo 2018). "Will The Philippines Host Miss Universe For The Fourth Time In 2019?". Metro Magazine (sa wikang Ingles). Nakuha noong 30 Hulyo 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  12. 12.0 12.1 Afinidad-Bernardo, Deni Rose M. (14 Oktubre 2019). "WATCH: Gazini Ganados on Miss Universe 2019 date, venue". Philippine Star. Nakuha noong 30 Hulyo 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  13. "João Baptista: Concurso Miss Universo será no Rio de Janeiro?". O Dia (sa wikang Portuges). 2 Abril 2019. Nakuha noong 31 Hulyo 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  14. Richardson, James (11 Agosto 2019). "Miss Universe 2019: South Africa among the possible hosts". The South African (sa wikang Ingles). Nakuha noong 31 Hulyo 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  15. Swissa, Eran (8 Setyembre 2019). "Talks in progress to bring Miss Universe pageant to Israel". Israel Hayom (sa wikang Ingles). Nakuha noong 31 Hulyo 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  16. "Israel reportedly seeking to host upcoming Miss Universe pageant". Times of Israel (sa wikang Ingles). 10 Agosto 2019. Nakuha noong 31 Hulyo 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  17. Soysa, Eran (9 Agosto 2019). "אחרי האירוויזיון: תחרות מיס יוניברס בדרך לישראל?". Israel Hayom (sa wikang Ebreo). Nakuha noong 31 Hulyo 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  18. Bueno, Antoinette (1 Nobyembre 2019). "2019 Miss Universe to Air Live From Tyler Perry Studios in Atlanta". ET Online (sa wikang Ingles). Nakuha noong 22 Setyembre 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  19. 19.0 19.1 "Ex-Miss België Angeline Flor Pua maakt kans om Miss Universe te worden: "Haar verhaal is zó bijzonder"". Het Laatste Nieuws (sa wikang Olandes). 11 Oktubre 2019. Nakuha noong 25 Hulyo 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  20. 20.0 20.1 "Maëva Coucke, candidate pour Miss Univers!". Grand Lille (sa wikang Pranses). 16 Oktubre 2019. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 30 Oktubre 2019. Nakuha noong 30 Hulyo 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  21. "Olga Bulawa crowned Miss Universe Poland 2019". The Times of India (sa wikang Ingles). 9 Setyembre 2019. Nakuha noong 30 Hulyo 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  22. "El escándalo que sacudió a Miss Perú: Anyella Grados perdió su corona tras ser captada en estado de ebriedad". Infobae (sa wikang Kastila). 1 Abril 2019. Nakuha noong 31 Hulyo 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  23. "Anyella Grados: ¿Quién es la modelo que participará en 'El valor de la verdad'?". Peru21 (sa wikang Kastila). 21 Abril 2019. Nakuha noong 31 Hulyo 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  24. 24.0 24.1 "Miss Perú 2019: ¿Quién es Kelin Rivera la nueva reina tras la destitución de Anyella Grados?". Radio Programas del Perú (sa wikang Kastila). 21 Oktubre 2019. Nakuha noong 30 Hulyo 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  25. "'মিস ইউনিভার্স' প্রতিযোগিতায় যাচ্ছে বাংলাদেশ". Prothom Alo (sa wikang Bengali). 6 Disyembre 2019. Nakuha noong 31 Hulyo 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)[patay na link]
  26. "El Ministerio de Cultura, Turismo y Promoción Artesanal inaugura el curso de preparación de las finalistas de Miss Guinea Ecuatorial 2019". AhoraEG (sa wikang Kastila). 30 Agosto 2019. Nakuha noong 31 Hulyo 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  27. "Erika Kolani appointed Miss Universe Greece 2019". The Times of India (sa wikang Ingles). 24 Oktubre 2019. Nakuha noong 31 Hulyo 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  28. "Russia will not participate in Miss Universe 2019". News.ru. 18 Nobyembre 2019. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 23 Abril 2020. Nakuha noong 31 Hulyo 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  29. ""Мисс Россия-2019" Алина Санько поедет на конкурс "Мисс Вселенная"". REN TV (sa wikang Ruso). 5 Marso 2021. Nakuha noong 31 Hulyo 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  30. Chileshe, Musonda (19 Agosto 2019). "Didia Mukwala crowned Miss Universe Zambia 2019". Lusaka Star (sa wikang Ingles). Nakuha noong 31 Hulyo 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  31. Avila, Monica (16 Marso 2019). "Miss Guatemala: ¿No habrá certamen este año?". Publinews (sa wikang Kastila). Nakuha noong 3 Setyembre 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  32. Herbst, Diane (6 Disyembre 2019). "Miss Universe's First Openly Gay Contestant Came Out Days Ago: 'I Just Started a New Chapter'". People Magazine (sa wikang Ingles). Nakuha noong 31 Hulyo 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  33. 33.0 33.1 "South Africa crowned Miss Universe 2019; PH finishes in Top 20". ABS-CBN News. 9 Disyembre 2019. Nakuha noong 29 Hulyo 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  34. 34.00 34.01 34.02 34.03 34.04 34.05 34.06 34.07 34.08 34.09 34.10 34.11 34.12 34.13 34.14 34.15 34.16 34.17 "HIGHLIGHTS: Miss Universe 2019 coronation". Rappler (sa wikang Ingles). 8 Disyembre 2019. Nakuha noong 7 Abril 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  35. Ferreras, Vince (9 Disyembre 2019). "Miss Universe organizers clarify Philippine bet won best national costume award". CNN Philippines. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 29 Marso 2023. Nakuha noong 3 Setyembre 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  36. Bennett, Anita (9 Disyembre 2019). "Miss Universe Pageant Insider Clears Up Confusion Over Who Won 2019 National Costume Category". Deadline (sa wikang Ingles). Nakuha noong 7 Abril 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  37. Ryta, Anna (9 Disyembre 2019). "Olga Buława na Miss Universe 2019. Zdobyła nagrodę pocieszenia". Gwiazdy.pl (sa wikang Polako). Nakuha noong 3 Setyembre 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  38. "'No live voting this year': Catriona Gray details new Miss Universe format". ABS-CBN News. 11 Disyembre 2018. Nakuha noong 31 Hulyo 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  39. "LIVE RESULTS: Miss Universe 2019 full list of winners". The Summit Express (sa wikang Ingles). 9 Disyembre 2019. Nakuha noong 7 Abril 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  40. "Nuevo formato y otros cambios en el Miss Universo 2019 generan polémica - E! Online Latino". E! Online. 2019-12-02. Nakuha noong 2022-07-31.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  41. "Miss Universe 2019: 'May every little girl see their faces reflected in mine'". BBC News (sa wikang Ingles). 9 Disyembre 2019. Nakuha noong 28 Agosto 2022.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  42. 42.0 42.1 42.2 42.3 42.4 42.5 42.6 42.7 "LOOK: The all-women panel of judges at Miss Universe 2019". Rappler (sa wikang Ingles). 9 Disyembre 2019. Nakuha noong 31 Hulyo 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  43. 43.0 43.1 43.2 43.3 43.4 43.5 43.6 43.7 Thompson, D. L. (8 Disyembre 2019). "Miss Universe 2019 Judges: Who Is on the All-Female Panel?". Heavy.com (sa wikang Ingles). Nakuha noong 3 Setyembre 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  44. Krause, Amanda; Konstantinides, Anneta (6 Disyembre 2019). "Meet the 90 contestants competing to be Miss Universe 2019". Insider (sa wikang Ingles). Nakuha noong 25 Hulyo 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  45. "Cindy Marina crowned Miss Universe Albania 2019". The Times of India. 8 Hunyo 2019. Nakuha noong 24 Hulyo 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  46. Lauterborn, Antonia (2 Setyembre 2019). "Miriam aus Hagen deutsche Kandidatin bei Miss-Universe-Wahl". Westfalenpost (sa wikang Aleman). Nakuha noong 24 Hulyo 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  47. "Salett Miguel crowned Miss Angola 2019". The Times of India. 23 Oktubre 2019. Nakuha noong 24 Hulyo 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  48. "Mariana Varela es la nueva Miss Universo Argentina". Puntal (sa wikang Kastila). 17 Oktubre 2019. Nakuha noong 24 Hulyo 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  49. "Dayana Davtyan crowned Miss Universe Armenia 2019". The Times of India. 11 Hulyo 2019. Nakuha noong 24 Hulyo 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  50. "Danna García crowned Miss Aruba 2019". The Times of India. 12 Agosto 2019. Nakuha noong 24 Hulyo 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  51. Hope, Zach (28 Hunyo 2019). "Victorian law graduate born in India wins Miss Universe Australia". The Sydney Morning Herald (sa wikang Ingles). Nakuha noong 24 Hulyo 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  52. "Diamond Langi wins Miss Universe New Zealand 2019". Lucire (sa wikang Ingles). 17 Agosto 2019. Nakuha noong 24 Hulyo 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  53. Moss, Shavaughn (23 Agosto 2019). "From a dream to reality". The Nassau Guardian. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 23 Agosto 2019. Nakuha noong 25 Hulyo 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  54. Al Mamun, Shafiq (24 Oktubre 2019). "মিস ইউনিভার্স বাংলাদেশের মুকুট জিতলেন শিলা". Prothom Alo (sa wikang Bengali). Nakuha noong 25 Hulyo 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  55. "Shanel Ifill crowned Miss Universe Barbados 2019". The Times of India. 9 Setyembre 2019. Nakuha noong 25 Hulyo 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  56. "Destinee Arnold takes the crown of Miss Universe Belize". Great Belize Television (sa wikang Ingles). 9 Setyembre 2019. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 7 Abril 2023. Nakuha noong 25 Hulyo 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  57. "Thalía Olvino es la nueva Miss Venezuela". El Universal (sa wikang Kastila). 8 Enero 2019. Nakuha noong 25 Hulyo 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  58. "Hoàng Thùy được đề cử thi Miss Universe 2019". VnExpress (sa wikang Biyetnames). 6 Mayo 2019. Nakuha noong 25 Hulyo 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  59. "Miss Minas Gerais Júlia Horta vence o concurso Miss Brasil 2019". G1 (sa wikang Portuges). 9 Marso 2019. Nakuha noong 25 Hulyo 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  60. "Miss Universo Miss Bulgaria 2019 - Lora Asenova". Telemundo (sa wikang Kastila). 14 Nobyembre 2019. Nakuha noong 25 Hulyo 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  61. "Fabiana Hurtado, de Santa Cruz, es Miss Bolivia 2019". Correo del Sur (sa wikang Kastila). 30 Hunyo 2019. Nakuha noong 25 Hulyo 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  62. "Kyrsha Attaf crowned Miss Universe Curaçao 2019". The Times of India. 21 Hulyo 2019. Nakuha noong 25 Hulyo 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  63. "Katja Stokholm crowned Miss Universe Denmark 2019". The Times of India. 8 Hunyo 2019. Nakuha noong 25 Hulyo 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  64. "Diana Hamed crowned Miss Universe Egypt 2019". The Times of India. 22 Oktubre 2019. Nakuha noong 25 Hulyo 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  65. Velasco, Estefanía (19 Hulyo 2019). "La guayaquileña Cristina Hidalgo se impone como Miss Ecuador 2019". El Comercio (sa wikang Kastila). Nakuha noong 25 Hulyo 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  66. Alonso, Sara (22 Hulyo 2019). "Zuleika Soler representará a El Salvador en Miss Universo 2019". Diario AS (sa wikang Kastila). Nakuha noong 25 Hulyo 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  67. "Česko a Slovensko majú svoju kráľovnú krásy: TOTO je ona!". Topky.sk (sa wikang Eslobako). 26 Agosto 2019. Nakuha noong 25 Hulyo 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  68. "Natalie Ortega crowned Miss Universe Spain 2019". The Times of India. 19 Setyembre 2019. Nakuha noong 25 Hulyo 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  69. Lapin, Tamar (2 Mayo 2019). "Full-time attorney Cheslie Kryst crowned Miss USA 2019". New York Post (sa wikang Ingles). Nakuha noong 29 Hulyo 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  70. "Serafina Nchama Eyene Ada se proclama Miss Guinea Ecuatorial 2019". AhoraEG (sa wikang Kastila). 8 Setyembre 2019. Nakuha noong 29 Hulyo 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  71. "Emma Jenkins crowned Miss Universe Great Britain 2019". The Times of India. 18 Hulyo 2019. Nakuha noong 29 Hulyo 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  72. "Sissie Luo wins Miss Universe Guam 2019 crown". Guam Daily Post (sa wikang Ingles). 30 Agosto 2019. Nakuha noong 30 Hulyo 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link)
  73. Francis-Pitt, K'Shema (2 Setyembre 2019). "Iana Tickle Garcia to rep Jamaica at 2019 Miss Universe pageant". Irie FM (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa ang orihinal noong 7 Abril 2023. Nakuha noong 30 Hulyo 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  74. "Ako Kamo crowned Miss Universe Japan 2019". The Times of India. 23 Agosto 2019. Nakuha noong 30 Hulyo 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  75. "Haiti crowns bets to 2019 Miss Universe, Miss International". The Haitian Times (sa wikang Ingles). 19 Hulyo 2019. Nakuha noong 30 Hulyo 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  76. "Nini Gogichaishvili crowned Miss World Georgia 2019". The Times of India. 21 Hunyo 2019. Nakuha noong 30 Hulyo 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  77. "Rosemary Arauz, la espectacular modelo que representa a Honduras en el Miss Universo 2019". Diario Deportivo Diez (sa wikang Kastila). 7 Disyembre 2019. Nakuha noong 30 Hulyo 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  78. Dsouza, Natasha (10 Enero 2020). "Meet The Miss Diva 2019 Winners, Vartika Singh And Shefali Sood". Femina (sa wikang Ingles). Nakuha noong 30 Hulyo 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link)
  79. "Frederika Alexis Cull crowned Miss Puteri Indonesia 2019 Photogallery". The Times of India. 17 Marso 2019. Nakuha noong 30 Hulyo 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link)
  80. DeSantis, Rachel (5 Disyembre 2019). "History-Making Miss Universe Ireland Is a NASA Datanaut: 'You Can Be a Renaissance Woman'". People Magazine (sa wikang Ingles). Nakuha noong 30 Hulyo 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  81. "Sella Sharlin crowned Miss Israel 2019". The Times of India (sa wikang Ingles). 14 Mayo 2019. Nakuha noong 30 Hulyo 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  82. Siani, Margherita (27 Agosto 2019). "Miss Universo, l'Italia rappresentata dalla salernitana Sofia Trimarco". Il Messaggero (sa wikang Italyano). Nakuha noong 30 Hulyo 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  83. Rinith, Taing (6 Abril 2019). "Miss Universe Cambodia 2019: Samnang Alyna interview". Khmer Times (sa wikang Ingles). Nakuha noong 30 Hulyo 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link)
  84. "Alyssa Boston crowned Miss Universe Canada 2019". Times of India (sa wikang Ingles). 23 Setyembre 2019. Nakuha noong 30 Hulyo 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  85. "Bria Smith crowned Miss BVI 2019". BVI News (sa wikang Ingles). 5 Agosto 2019. Nakuha noong 30 Hulyo 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  86. Frieswick, Kris (7 Disyembre 2019). "The Drama Over 'Pageant Hopping' That Shook a Miss Universe Competition". The Wall Street Journal (sa wikang Ingles). ISSN 0099-9660. Nakuha noong 30 Hulyo 2022.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  87. Levy, Jewel (18 Agosto 2019). "Kadejah Bodden wins Miss Cayman Universe". Cayman Compass (sa wikang Ingles). Nakuha noong 30 Hulyo 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  88. "Stacy Michuki crowned Miss Universe Kenya 2019". The Times of India (sa wikang Ingles). 21 Oktubre 2019. Nakuha noong 30 Hulyo 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  89. "La vallecaucana Gabriela Tafur Nader es elegida Señorita Colombia 2019". EFE (sa wikang Kastila). 13 Nobyembre 2018. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 10 Abril 2022. Nakuha noong 30 Hulyo 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  90. "Fatbardha Hoxha crowned Miss Universe Kosovo 2019". The Times of India (sa wikang Ingles). 16 Oktubre 2019. Nakuha noong 30 Hulyo 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  91. Herrera, Manuel (19 Hulyo 2019). "Paola Chacón será la representante de Costa Rica en el Miss Universo 2019". La Nación (sa wikang Kastila). Nakuha noong 30 Hulyo 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  92. "Mia Rkman crowned Miss Universe Croatia". The Times of India (sa wikang Ingles). 2 Mayo 2019. Nakuha noong 30 Hulyo 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  93. "Người mẫu 23 tuổi đăng quang Hoa hậu Hoàn vũ Lào". VnExpress (sa wikang Biyetnames). 25 Agosto 2019. Nakuha noong 30 Hulyo 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  94. "Paulita Baltrusaityté crowned Miss Universe Lithuania 2019". The Times of India (sa wikang Ingles). 19 Oktubre 2019. Nakuha noong 30 Hulyo 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  95. Olgeirsson, Birgir (31 Agosto 2019). "Birta Abiba er Miss Universe Iceland 2019". Vísir.is (sa wikang Islandes). Nakuha noong 30 Hulyo 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  96. "Shweta Sekhon crowned Miss Universe Malaysia 2019". Citizens Journal (sa wikang Ingles). 11 Marso 2019. Nakuha noong 30 Hulyo 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  97. Vargas, Lenys (14 Hulyo 2019). "Venezolana representará a Malta en el Miss Universo". El Pitazo (sa wikang Kastila). Nakuha noong 30 Hulyo 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  98. Jaddoo, Jameela (20 Setyembre 2019). "Finale of Miss Universe Mauritius : Ornella Laflèche crowned beauty queen". Le Defi Media Group (sa wikang Ingles). Nakuha noong 30 Hulyo 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  99. "Gana Mexicana Universal Sofía Aragón". El Imparcial (sa wikang Kastila). 23 Hunyo 2019. Nakuha noong 30 Hulyo 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  100. Yeung, Jessie (9 Disyembre 2019). "Miss Universe celebrates its first openly gay contestant". CNN (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 12 Disyembre 2019. Nakuha noong 30 Hulyo 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  101. "Miss Universo Mongolia 2019 - Gunzaya Bat-Erdene". Telemundo (sa wikang Kastila). Nakuha noong 3 Setyembre 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  102. "Nadja Breytenbach crowned Miss Namibia 2019". The Times of India (sa wikang Ingles). 8 Hulyo 2019. Nakuha noong 30 Hulyo 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  103. "Pradeepta Adhikari crowned Miss Universe Nepal 2019". The Times of India (sa wikang Ingles). 10 Mayo 2019. Nakuha noong 30 Hulyo 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  104. "Olutosin Itohan Araromi crowned Miss Universe Nigeria 2019". The Times of India (sa wikang Ingles). 15 Oktubre 2019. Nakuha noong 30 Hulyo 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  105. López, Lidia (17 Agosto 2019). "Inés López, de Managua, gana Miss Nicaragua 2019". La Prensa (sa wikang Kastila). Nakuha noong 30 Hulyo 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  106. Eidsaa, Ivar (17 Agosto 2019). "Miss Universe neste?". Fritidsnytt (sa wikang Noruwegong Bokmål). Nakuha noong 30 Hulyo 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  107. "Sharon Pieksma crowned Miss Netherlands 2019". The Times of India (sa wikang Ingles). 1 Hulyo 2019. Nakuha noong 30 Hulyo 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  108. Rodriguez, Luis (21 Hunyo 2019). "Miren quién ganó Señorita Panamá para Miss Universo 2019". Mi Diario (sa wikang Kastila). Nakuha noong 30 Hulyo 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  109. "Ketlin Lottermann crowned Miss Universe Paraguay 2019". The Times of India (sa wikang Ingles). 8 Agosto 2019. Nakuha noong 30 Hulyo 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  110. Afinidad-Bernardo, Deni Rose M. (10 Hunyo 2019). "Cebuana Gazini Ganados succeeds Catriona Gray as Binibining Pilipinas Universe 2019". Philippine Star (sa wikang Ingles). Nakuha noong 30 Hulyo 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  111. Koste, Henna (30 Setyembre 2019). "Miss Suomi Anni Harjunpää muutti poikaystävänsä luota Suomeen: "Olen ajatellut pysyä täällä"". Radio Nova (sa wikang Pinlandes). Nakuha noong 30 Hulyo 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  112. "Olga Buława wybrana najpiękniejszą Polką. Skończyła prawo, pracuje jako stewardessa. Zobaczcie jej prywatne zdjęcia". Plotek.pl (sa wikang Polako). 10 Disyembre 2018. Nakuha noong 6 Pebrero 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  113. Marcial Ocasio, Jennifer; Cotto, Ingrid (15 Hunyo 2019). "Miss Puerto Rico winner grew up in Florida and doesn't speak fluent Spanish. She says she represents a 'new generation.'". Orlando Sentinel (sa wikang Ingles). Nakuha noong 30 Hulyo 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  114. "Miss Universo Portugal 2019 - Sylvie Silva". Telemundo (sa wikang Kastila). 28 Abril 2022. Nakuha noong 28 Agosto 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  115. "Afro-Dominican Miss Dominican Republic Universe prefers the afro". Dominican Today (sa wikang Ingles). 28 Agosto 2019. Nakuha noong 30 Hulyo 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  116. Mchitarjan, Karen (31 Agosto 2019). "Unikát v České Miss: Téhle krásce nenapsal ani jeden sportovec!". Expres.cz (sa wikang Tseko). Nakuha noong 30 Hulyo 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  117. "Young entrepreneur living in Shanghai selected to represent Romania at Miss Universe 2019". Romania Insider (sa wikang Ingles). 18 Nobyembre 2019. Nakuha noong 30 Hulyo 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  118. "Miss Universe Contestant Gear Up for St. Lucia". The St. Lucia Mirror (sa wikang Ingles). 8 Oktubre 2019. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 6 Pebrero 2023. Nakuha noong 6 Pebrero 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  119. "Beauty queen disqualified for arriving late". The Times of India (sa wikang Ingles). 18 Disyembre 2018. Nakuha noong 30 Hulyo 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  120. ""Never give up," is Miss Universe Singapore Mohana Prabha's message". The Independent Singapore (sa wikang Ingles). 21 Oktubre 2019. Nakuha noong 30 Hulyo 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  121. "Lina Ljungberg crowned Miss Universe Sweden 2019". The Times of India (sa wikang Ingles). 1 Oktubre 2019. Nakuha noong 30 Hulyo 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  122. "Shubila Stanton crowned Miss Universe Tanzania 2019". The Times of India (sa wikang Ingles). 14 Oktubre 2019. Nakuha noong 30 Hulyo 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  123. "Paweensuda Drouin crowned Miss Universe Thailand 2019". The Times of India (sa wikang Ingles). 1 Hulyo 2019. Nakuha noong 30 Hulyo 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  124. Seemela, Masego; Zeeman, Kyle (9 Agosto 2019). "Zozibini Tunzi crowned Miss SA 2019". TimesLIVE (sa wikang Ingles). Nakuha noong 30 Hulyo 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  125. "Lee Yeon-Joo crowned Miss Universe Korea 2019". The Times of India (sa wikang Ingles). 6 Setyembre 2019. Nakuha noong 30 Hulyo 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  126. "Geraldine Gonzalez to compete at Miss Universe Chile 2019". Times of India (sa wikang Ingles). 22 Mayo 2019. Nakuha noong 30 Hulyo 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  127. "Rosie Xin Zhu crowned Miss Universe China 2019". The Times of India (sa wikang Ingles). 22 Enero 2019. Nakuha noong 30 Hulyo 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link)
  128. "Akıncı'nın Yeliz'i kimdir? Güzel oyuncu Bilgi Aydoğmuş kaç yaşında, nereli?". Takvim (sa wikang Turko). 1 Enero 2021. Nakuha noong 30 Hulyo 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  129. "Anastasiia Subbota crowned Miss Ukraine Universe 2019". The Times of India (sa wikang Ingles). 25 Oktubre 2019. Nakuha noong 6 Pebrero 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  130. "Fiona Tenuta Vanerio appointed Miss Universe Uruguay 2019". The Times of India (sa wikang Ingles). 30 Oktubre 2019. Nakuha noong 30 Hulyo 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Panlabas na kawing

[baguhin | baguhin ang wikitext]