Miss Universe 1957
Miss Universe 1957 | |
---|---|
![]() Gladys Zender, Miss Universe 1957 | |
Petsa | Hulyo 19, 1957 |
Presenters | Bob Russell |
Pinagdausan | Long Beach Municipal Auditorium, Long Beach, California, Estados Unidos |
Brodkaster | CBS |
Lumahok | 32 |
Placements | 15 |
Bagong sali | |
Hindi sumali | |
Bumalik | |
Nanalo | Gladys Zender![]() |
Congeniality | Mapita Mercado Cordero ![]() |
Photogenic | Gerti Daub ![]() |
Ang Miss Universe 1957 ay ang ikaanim na edisyon ng Miss Universe pageant, na ginanap sa Long Beach Municipal Auditorium sa Long Beach, California, Estados Unidos noong 19 Hulyo 1957.
Pagkatapos ng kompetisyon, kinoronahan ni Carol Morris ng Estados Unidos si Gladys Zender ng Peru bilang Miss Universe 1957.[1] Ito ang kauna-unahang tagumpay ng Peru sa kasaysayan ng kompetisyon. Nagtapos bilang first runner-up si Terezinha Morango ng Brasil, habang nagtapos bilang second runner-up si Sonia Hamilton ng Inglatera.[2]
Mga kandidata mula sa 32 bansa at teritoryo ang lumahok sa kompetisyong ito. Pinangunahan ni Bob Russel ang kompetisyon sa ikaanim na pagkakataon.
Kasaysayan[baguhin | baguhin ang wikitext]

Pagpili ng mga kalahok[baguhin | baguhin ang wikitext]
Ang mga kalahok mula sa 32 bansa at teritoryo ay napili upang lumahok sa kompetisyon. Isang kandidata ang nailuklok upang kumatawan sa kaniyang bansa matapos na mapatalsik ang orihinal na nanalo.
Mga unang pagsali, pagbalik, at pag-urong sa kompetisyon[baguhin | baguhin ang wikitext]
Unang sumali sa edisyong ito ang Martinika, Moroko, at Paragway, at bumalik ang Austrya, Ceylon, Hawaii, at Timog Korea. Huling sumali noong 1953 ang Austrya at Hawaii, at noong 1955 ang Ceylon at Timog Korea. Hindi sumali ang mga bansang British Guiana, Estados Unidos, Olanda, Republikang Dominikano, at Tsile sa edisyong ito. Hindi sumali si Corine Rottschäfer ng Olanda dahil nanalo na ito sa ibang kompetisyong internasyonal. Subalit, si Rottschäfer ang naatasan upang kumatawan sa Olanda sa susunod na edisyon.[3]
Simula sa edisyong ito, ipinagbabawal na ng organisasyon ang mga babaeng kasal na o mga ina na lumahok sa Miss Universe. Ang pagbabagong ito ang siyang dahilan upang matanggal ang isa sa mga kandidata sa kompetisyon.[4] Ang pagbabawal sa mga ina at mga may-anak na lumahok sa kompetisyon ay tinanggal na sa taong 2023.[5][6]
Diskuwalipikasyon ni Miss USA[baguhin | baguhin ang wikitext]
Noong 17 Hulyo 1957, kinoronahan si Mary Leona Gage ng Maryland bilang Miss USA 1957.[7] Subalit, pagkatapos ng kanyang pagkapanalo, naglunsad ng imbestigasyon ang mga pageant organizer tungkol kay Gage matapos lumabas ang mga haka-haka tungkol sa kanyang nakaraan. Matapos magsinungaling sa mga mamamahayag tungkol sa mga balita, ipinagtapat ni Gage ang katotohanan makalipas ang isang araw. Siya ay 18 taong-gulang lamang, at hindi 21, siya ay dalawang beses nang ikinasal, at siya ay ina sa kanyang dalawang anak.[8] Dahil ang pagiging asawa at ina ay paglabag sa mga tuntunin ng kompetisyon, kaagad na tinanggalan ng titulo at korona si Gage, at ang titulo ay napunta sa first runner-up na si Charlotte Sheffield ng Utah.[9][10]
Huli na para kay Sheffield na sumabak para sa Miss Universe pageant. Sa oras na inamin ni Gage ang katotohanan, kumalahok na ito sa paunang kompetisyon kung saan hinirang siya bilang isa sa 15 mga semifinalist. Dahil dito, pinalitan ni Mónica Lamas ng Arhentina, ang panlabing-anim sa paunang kompetisyon, si Gage bilang isang semifinalist.[11][12]
Mga resulta[baguhin | baguhin ang wikitext]
Mga pagkakalagay[baguhin | baguhin ang wikitext]
Pagkakalagay | Kandidata |
---|---|
Miss Universe 1957 | |
1st runner-up |
|
2nd runner-up |
|
3rd runner-up |
|
4th runner-up |
|
Top 15 |
Mga espesyal na parangal[baguhin | baguhin ang wikitext]
Parangal | Nagwagi |
---|---|
Miss Photogenic |
|
Miss Congeniality |
|
Most Popular Girl |
|
Mga kandidata[baguhin | baguhin ang wikitext]
32 kandidata ang lumahok para sa titulo.[15]
Bansa/Teritoryo | Kandidata | Edad[a] | Bayan |
---|---|---|---|
![]() |
Martha Lehmann | 18 | Fairbanks |
![]() |
Gerti Daub[16] | 20 | Utrecht |
![]() |
Mónica Lamas[17] | 20 | Buenos Aires |
![]() |
Hannerl Melcher[18] | 19 | Viena |
![]() |
Janine Hanotiau[19] | 19 | Bruselas |
![]() |
Consuelo Nouel[20] | 22 | Caracas |
![]() |
Terezinha Morango[21] | 20 | São Paulo de Olivença |
![]() |
Camellia Rosalia Perera[18] | 23 | Colombo |
![]() |
Patricia Benítez[22] | 19 | Guayaquil |
![]() |
Ligia Karavia[17] | 18 | Atenas |
![]() |
Ana Walda Olyslager | 18 | Lungsod ng Guwatemala |
![]() |
Kyoko Otani[23] | 21 | Tokyo |
![]() |
Ramona Tong[24] | 19 | Honolulu |
![]() |
Sonia Hamilton[25] | 23 | Londres |
![]() |
Atara Barzilay[26] | 18 | Tel-Abib |
![]() |
Valeria Fabrizi[27] | 21 | Roma |
![]() |
Gloria Noakes[13] | 18 | Toronto |
![]() |
Sonia Cristina Icaza[28] | 18 | San Jose |
![]() |
María Rosa Gamio[29] | 19 | Havana |
![]() |
Bryndís Schram[30] | 19 | Garðabær |
![]() |
Ginette Cidalise-Montaise | 18 | Port-of-France |
![]() |
Irma Arévalo[17] | 18 | Lungsod ng Mehiko |
![]() |
Jacqueline Bonilla[31] | 19 | Casablanca |
![]() |
Lucy Montanero[32] | 19 | Asuncion |
![]() |
Gladys Zender[33] | 17 | Lima |
![]() |
Mary Ann Corrales[34] | 21 | Maynila |
![]() |
Mapita Mercado[35] | 18 | Ponce |
![]() |
Lisa Simon[36] | 22 | Paris |
![]() |
Inger Jonsson[19] | 20 | Gothenburg |
![]() |
Park Hyun-ok[37] | 22 | Seoul |
![]() |
Güler Sirmen | 18 | Istanbul |
![]() |
Gabriela Pascal | 18 | Montevideo |
Mga tala[baguhin | baguhin ang wikitext]
- ↑ Mga edad sa panahon ng kompetisyon
Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang wikitext]
- ↑ "The beauty of beauties". The Straits Times (sa wikang Ingles). 24 Hulyo 1957. pa. 2. Nakuha noong 11 Nobyembre 2022 – sa pamamagitan ni/ng National Library Board.
- ↑ 2.0 2.1 "New Miss Universe not 18, yet, but harried officials let her keep title". The Tampa Tribune (sa wikang Ingles). 21 Hulyo 1957. pa. 1. Nakuha noong 5 Nobyembre 2022 – sa pamamagitan ni/ng Newspapers.com.
- ↑ "Nederlands eerste Miss World Corine Spier-Rottschäfer overleden". Nederlandse Omroep Stichting (sa wikang Olandes). 24 Setyembre 2020. Nakuha noong 5 Nobyembre 2022.
- ↑ "Miss USA turns out to be a Mrs". Park City Daily News (sa wikang Ingles). 19 Hulyo 1957. pa. 1. Nakuha noong 19 Hulyo 2023 – sa pamamagitan ni/ng Google News Archive.
- ↑ Bracamonte, Earl D. C. (12 Agosto 2022). "Miss Universe allows moms, wives to join starting 2023". Philippine Star. Nakuha noong 10 Setyembre 2022.
- ↑ "Miss Universe announces inclusive change to pageant after more than 70 years". The Independent (sa wikang Ingles). 12 Agosto 2022. Tinago mula sa orihinal noong 14 Nobyembre 2022. Nakuha noong 25 Abril 2023.
- ↑ Belser, Lee (18 Hulyo 1957). "Green-eyed Miss Maryland is Miss USA in Miss Universe contest". Lebanon Daily News (sa wikang Ingles). pa. 23. Nakuha noong 5 Nobyembre 2022 – sa pamamagitan ni/ng Newspapers.com.
- ↑ "Leona Gage, Who Held Miss USA Crown for a Day, Is Dead at 71". The New York Times (sa wikang Ingles). 11 Oktubre 2010. ISSN 0362-4331. Nakuha noong 5 Nobyembre 2022.
- ↑ Belser, Lee (20 Hulyo 1957). "Utah Queen wins Miss USA– and Peru gets Universe". The Salt Lake Tribune (sa wikang Ingles). pa. 1. Nakuha noong 11 Nobyembre 2022 – sa pamamagitan ni/ng Newspapers.com.
- ↑ ""Miss" USA, mother of 2, dethroned at beauty show". The Vancouver Sun (sa wikang Ingles). 19 Hulyo 1957. pa. 1. Nakuha noong 11 Nobyembre 2022 – sa pamamagitan ni/ng Newspapers.com.
- ↑ "Tall beauty revealed as mother of 2". Concord Transcript (sa wikang Ingles). 19 Hulyo 1957. pa. 1. Nakuha noong 27 Disyembre 2022 – sa pamamagitan ni/ng Newspapers.com.
- ↑ "Ideal miss a missus, so U.S. misses out". Star-Phoenix (sa wikang Ingles). 20 Hulyo 1957. pa. 2. Nakuha noong 19 Nobyembre 2022 – sa pamamagitan ni/ng Newspapers.com.
- ↑ 13.00 13.01 13.02 13.03 13.04 13.05 13.06 13.07 13.08 13.09 13.10 "Miss Canada in beauty finals". Nanaimo Daily News (sa wikang Ingles). 19 Hulyo 1957. pa. 1. Nakuha noong 11 Oktubre 2022.
- ↑ "Recuerdan a Mapita Cortés". El Informador (sa wikang Kastila). 31 Disyembre 2010. Nakuha noong 21 Nobyembre 2022.
- ↑ "Fairest girls in the universe". Press-Telegram (sa wikang Ingles). 14 Hulyo 1957. pa. 4. Nakuha noong 13 Enero 2023 – sa pamamagitan ni/ng Newspapers.com.
- ↑ "First winners". Fort Lauderdale News (sa wikang Ingles). 17 Hulyo 1957. pa. 2. Nakuha noong 11 Oktubre 2022.
- ↑ 17.0 17.1 17.2 "Thirty-three beauties primp for Miss Universe final". The Royal Gazette (sa wikang Ingles). 19 Hulyo 1957. pa. 13. Nakuha noong 18 Nobyembre 2022 – sa pamamagitan ni/ng Bermuda National Library.
- ↑ 18.0 18.1 "Beauties surround Gary in real life, too". Youngstown Vindicator (sa wikang Ingles). 10 Hulyo 1957. pa. 1. Nakuha noong 13 Oktubre 2022.
- ↑ 19.0 19.1 "Everything's In Good Shape". Franklin News-Post (sa wikang Ingles). 11 Hulyo 1957. pa. 7. Nakuha noong 21 Nobyembre 2022 – sa pamamagitan ni/ng Virginia Chronicle.
- ↑ Suárez, Orlando (27 Hulyo 2022). "Misses venezolanas de sangre azul". El Diario (sa wikang Kastila). Nakuha noong 5 Pebrero 2023.
- ↑ "Ex-miss Brasil, Therezinha Morango morre aos 84 anos". G1 (sa wikang Portuges). 14 Marso 2021. Nakuha noong 11 Oktubre 2022.
- ↑ "Recuerdos de edificios". El Universo (sa wikang Kastila). 19 Oktubre 2020. Nakuha noong 21 Nobyembre 2022.
- ↑ "Miss Japan welcomed". Toledo Blade (sa wikang Ingles). 8 Hulyo 1957. pa. 1. Nakuha noong 13 Oktubre 2022.
- ↑ "Ramona leaves Thursday for contest". The Honolulu Advertiser (sa wikang Ingles). 8 Hulyo 1957. pa. 3. Nakuha noong 11 Oktubre 2022.
- ↑ "London beauty plans to make home in U. S." Suffolk News-Herald (sa wikang Ingles). 25 Agosto 1957. pa. 9. Nakuha noong 21 Nobyembre 2022 – sa pamamagitan ni/ng Virginia Chronicle.
- ↑ "Miss Israel here to compete for "Miss Universe" title". B'nai B'rith Messenger (sa wikang Ingles). 12 Hulyo 1957. pa. 14. Nakuha noong 10 Disyembre 2022 – sa pamamagitan ni/ng National Library of Israel.
- ↑ "Introduction to America". The Times (sa wikang Ingles). 12 Hulyo 1957. pa. 5. Nakuha noong 11 Oktubre 2022.
- ↑ "Beauty's treatment". The Napa Valley Register (sa wikang Ingles). 27 Hulyo 1957. pa. 3. Nakuha noong 17 Enero 2023 – sa pamamagitan ni/ng Newspapers.com.
- ↑ "Meet Miss Cuba". Franklin News-Post (sa wikang Ingles). 18 Hulyo 1957. pa. B-3. Nakuha noong 21 Nobyembre 2022 – sa pamamagitan ni/ng Virginia Chronicle.
- ↑ "Beauties gather for Miss Universe Contest". The Royal Gazette (sa wikang Ingles). 12 Hulyo 1957. pa. 5. Nakuha noong 18 Nobyembre 2022 – sa pamamagitan ni/ng Bermuda National Library.
- ↑ "Personals". Suffolk News-Herald (sa wikang Ingles). 28 Hulyo 1957. pa. 7. Nakuha noong 21 Nobyembre 2022 – sa pamamagitan ni/ng Virginia Chronicle.
- ↑ Coronel, Raul (15 Oktubre 2021). "Te presentamos a todas nuestras representantes en Miss Universe". Epa! (sa wikang Kastila). Nakuha noong 11 Nobyembre 2022.
- ↑ Vaquero, Natalia (27 Abril 2014). "GLADYS ZENDER "Un jeque árabe me ofreció convertirse al catolicismo para casarse conmigo"". Faro de Vigo (sa wikang Kastila). Nakuha noong 19 Nobyembre 2022.
- ↑ Lo, Ricky (12 Pebrero 2010). "Misses RP for Miss U pageant, 1952-'63". Philippine Star. Nakuha noong 4 Oktubre 2022.
- ↑ "Recuerdan a Mapita Cortés". El Informador (sa wikang Kastila). 31 Disyembre 2010. Nakuha noong 11 Oktubre 2022.
- ↑ "Beauties Pass In Review". Franklin News-Post (sa wikang Ingles). 25 Hulyo 1957. pa. B-3. Nakuha noong 21 Nobyembre 2022 – sa pamamagitan ni/ng Virginia Chronicle.
- ↑ "Long Beach". Honolulu Star-Bulletin (sa wikang Ingles). 12 Hulyo 1957. pa. 15. Nakuha noong 27 Enero 2023 – sa pamamagitan ni/ng Newspapers.com.