Pumunta sa nilalaman

Madam C. J. Walker

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Si Madam C. J. Walker (Sarah Breedlove, 23 Disyembre 1867 – 25 Mayo 1919) ay isang Aprikana Amerikanang negosyante, milyonarya, mangangalakal ng mga produktong pampangangalaga ng buhok, at pilantropo. Nagmula ang kanyang kayamanan mula sa pagpapaunlad at pagbibili ng matagumpay na mga hanay ng pampaganda at pambuhok na mga produkto para sa mga kababaihang itim. Ayon sa Guinness Book of World Records (Aklat ng mga Talang Pandaigdig ng Guinness), si Walker ang unang babae, itim man o puti, na naging milyonarya dahil sa kanyang sariling pagsisikap at gawain.

Noong 2002, isinama si Madam C. J. Walker ng iskolar na si Molefi Kete Asante sa kanyang talaan ng 100 Pinakamagiting ng mga Aprikanong Amerikano.[1]

  1. Asante, Molefi Kete (2002). 100 Greatest African Americans: A Biographical Encyclopedia. Amherst, New York. Prometheus Books. ISBN 1-57392-963-8.

Bibliyograpiya

[baguhin | baguhin ang wikitext]


TalambuhayKasaysayanEstados Unidos Ang lathalaing ito na tungkol sa Talambuhay, Kasaysayan at Estados Unidos ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.