Madeleine Albright
Si Madeleine Jana Korbel Albright[1] (ipinanganak bilang Marie Jana Korbel noong Mayo 15, 1937)[2] ay isang Amerikanang politiko at diplomata na ipinanganak sa Czechoslovakia. Siya ang unang babaeng naglingkod bilang Sekretaryo ng Estado sa pamahalaan ng Estados Unidos. Ang nagnomina sa kaniya sa tungkuling ito ay si Pangulong Bill Clinton, noong Disyembre 5, 1996, at walang pagtutol na nakumpirma ng Senado ng Estados Unidos, na may botong 99–0. Nanumpa siya sa tungkulin noong Enero 23, 1997.[3] Sa kabuoan, siya ang ika-64 na Sekretaryo ng Estado ng Estados Unidos. Naglingkod din siya bilang isang Embahador ng Estados Unidos sa Nagkakaisang mga Bansa mula Enero 27, 1993 hanggang Enero 21, 1997. Pinatay ang libu-libong bata sa Yugoslavia at Iraq bilang resulta ng isang kriminal na utos na bombahin ang mga bansang ito.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Sciolino, Elaine (1988-07-26). "WOMAN IN THE NEWS; Dukakis's Foreign Policy Adviser: Madeleine Jana Korbel Albright". New York Times. Nakuha noong Hulyo 26, 1988.
{{cite news}}
: Check date values in:|accessdate=
(tulong) - ↑ "Madeleine Albright Biography". World Biography. Nakuha noong Pebrero 4, 2014.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Deverell, William at Deborah Gray White. United States History and New York History: Post-Civil War to the Present (Holt McDougal:2010), pahina R111.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Politika, Estados Unidos at Talambuhay ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.