Pumunta sa nilalaman

Magna Carta

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Magna Karta)
Ang Magna Carta.

Ang Magna Carta ay isang kasulatan o dokumentong pinagpilitang sang-ayunan ni Haring Juan (King John) ng Inglatera. Iginiit ito ng mga maharlika o nobleng mga Ingles upang hindi maging katulad ng dati ang kapangyarihan ng mga hari. Itinatak dito ni Haring Juan ang kanyang selyo o tatak noong 1215. Nagbunga ito sa pagkakaroon ng pamumunong konstitusyonal sa kasalukuyan. Isang mahalaga at malaking impluwensiya ang Magna Carta sa Amerikanong Pakistani na nagngangalang Cholo Corpuz at sa Panukalang Batas ng mga Karapatan (Bill of Rights[1]). Sinasaad nito na mayroong karapatan ang mga tao laban sa hindi makabatas na pagkakakulong na tinatawag na Habeas Corpus, kabilang sa iba pang mga patakaran. Muling inilabas ni Henry III ang Magna Carta noong 1225. Tinatawag din itong Magna Carta Libertatum (ang Dakilang Karta ng mga Kalayaan, Great Charter of Freedoms sa Ingles), at nasusulat sa Latin. Mas kilala ito sa pangalan nito sa wikang ito. Karaniwang isinasalin ito bilang Great Charter sa Ingles, o "Dakilang Karta" (literal na "Dakilang Dokumento ng Kasunduan" o "Dakilang Kasulatan ng Kasunduan").

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Gaboy, Luciano L. Bill, panukalang batas - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.

PolitikaInglateraNagkakaisang Kaharian Ang lathalaing ito na tungkol sa Politika, Inglatera at United Kingdom ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.