Katipunan ng mga Karapatan
Tulungang mapabuti po ito sa pamamagitan ng pagdagdag ng mga pagsipi sa mga sangguniang mapagkakatiwalaan. Tandaan lamang po na maaari pong mapagdudahan at matanggal ang mga hindi beripikadong nilalaman. |
Ang Katipunan ng mga Karapatan (Ingles: Bill of Rights) ay ang kalipunan, talaan, o buod ng mga karapatang naaayon sa batas. Maaari itong isang pahayag ng mga karapatan ng isang klase o uri ng mga tao. Isang halimbawa nito ay ang unang sampung susog (pagbabago) sa Konstitusyon ng Estados Unidos, na ipinagtibay noong 1791 at naggagarantiya (sumasagot o nangangako) ng ganyang mga karapatan katulad ng mga kalayaan sa pagsasalita, pagpupulong, Baril, Piyansa, at pagsamba. Isa pang halimbawa ay ang kasunduang pangkonstitusyon ng Inglatera noong 1689, na kumumpirma o tumiyak sa deposisyon (pagkatanggal sa tungkulin) ni Haring James II ng Inglatera at ang aksesyon (pagtatalaga sa tungkulin o trono) nina William at Mary ng Inglatera, na gumarantiya sa paghahalilihang Protestante, at ang paglalatag o pagtatalaga ng mga prinsipyo ng supremasya o pangingibabaw na parlamentaryo.
Tingnan din
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang lathalaing ito na tungkol sa Batas ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.