Pumunta sa nilalaman

Mahabharata

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Mahābhārata)

Bahagi ng serye ukol sa
Mga kasulatang Hindu

Aum

Rigveda · Yajurveda · Samaveda · Atharvaveda
Mga kahatian
Samhita · Brahmana · Aranyaka · Upanishad

Aitareya · Brihadaranyaka · Isha · Taittiriya · Chandogya · Kena · Mundaka · Mandukya · Katha · Prashna · Shvetashvatara

Shiksha · Chandas · Vyakarana · Nirukta · Jyotisha · Kalpa

Mahabharata · Ramayana

Smriti · Śruti · Bhagavad Gita · Purana · Agama · Darshana · Pancharatra · Tantra · Akilathirattu · Sūtra · Stotra · Dharmashastra · Divya Prabandha · Tevaram · Ramacharitamanas · Shikshapatri · Vachanamrut · Ananda Sutram


Ang Mahabharata[1] o Mahābhārata, ang dakilang Bharata ("Ang Dakilang Salaysay Ukol sa mga Bharata," mas mahaba at tiyak na salin), ay isa sa dalawang pinakamahalagang sinaunang epiko ng India, bukod sa Ramayana. Tinipon sa sinaunang India ang Mahabharata. Pinaniniwalaang si Vyasa, isang rishi o taong paham, ang kumatha ng akdang ito. Nilalahad ng alamat na isinulat ito ng diyos na si Ganesh habang dinikta o sinambit naman ito ni Vyasa. Sinasabing ang Mahabharata ang pinakamahabang akda sa uri nito sa buong mundo. Naglalaman ang akda ng may 110,000 mga taludturan na may 18 mga bahagi. Mayroon ding isang itinuturing na ika-19 bahaging tinatawag na Harivamsha. Bahagi ng Mahabharata ang Bhagavad Gita (o Bhagavadgita), isang diyalogo o pag-uusap sa pagitan nina Krishna at Arjuna.

Kahalagahan at layunin

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Isinulat ang tulang epikong ito na may layuning parangalan ang mga bayani nang maganap ang paglusob ng mga Aryano (mga Aryan) sa India. Halos kapantay ng mga diyos ang mga maalamat na mga bayaning ito.[1]

Ang Digmaan ng Kurukshetra sa Mahabharata.

Itinuro ni Vyasa ang epikong ito sa kaniyang anak na lalaking si Suka at sa kaniya ring mga mag-aaral, ang mga Vaisampayana at sa iba pa. Nagsagawa ng dakilang pag-aalay, ang yagna, ang Haring Janamejaya, na anak na lalaki ni Parikshit, kasama ang apong lalaki ng mga bayani ng epiko. Muling nilahad ni Vaisampayana ang epiko kay Janamejaya, ayon sa mungkahi ni Vyasa. Sa kalaunan, may isa pang paham - si Suta - na muling naglahad ng Mahabharata kay Janamejaya, kay Saunaka rin, at sa iba pa, habang idinaraos ang isang paghahaing pang-alay na isinagawa ni Saunaka sa Naimisaranya, isang pook na malapit sa Sitapur sa Uttar Pradesh.

Mga bahagi at mga paksa

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Maraming paksang tinatalakay ang Mahabharata sa loob ng labinwalong mga bahagi nito. Sumasakop ang mga paksang ito sa ilang bilang ng mga aspeto ng Hinduismo, mitolohiyang Hindu, mga etika, at gawi ng pamumuhay ng Hindu. Isang bahagi pa nito ang tinatawag na Harvamsha. Ilan sa mga nasa ibaba ang ilang mga pananalita hinggil sa labinwalong mga bahagi ng Mahabharata. Sa Mahabharata, tinatawag na mga parvan o mga parva - mga aklat - ang mga bahaging ito. Nakatala sa ibaba ang lahat ng mga parva ng Mahabharata:

Isang pangyayaring may pagsusuyuan sa Mahabharata, sa pagitan nina Ravi Varma-Shantanu at Satyavati.
Parva (Aklat)
Pamagat
Mga nilalaman
1 Adi-parva Pagpapakilala, pagsilang, pagaalaga, at pagpapalaki sa mga prinsipe.
2 Sabha-parva Buhay sa korte, ang larong betu-beto o dais[2], at pagpapalayas sa mga Pandava. Itinayo ni Maya Danava ang palasyo at korte (ang sabha), at Indraprastha.
3 Aranyaka-parva (o Vanaparva, Aranyaparva) Labindalawang taong pagtigil (na hindi nakababalik pagkaraang mapaalis) sa gubat (sa aranya).
4 Virata-parva Isang taon makalipas ang pagkapalayas, pagtigil o paghintil sa korte ng Virata.
5 Udyoga-parva Mga paghahanda para sa digmaan.
6 Bhishma-parva Ang unang bahagi ng dakilang digmaan, gumanap na komandante ng mga Kaurava si Bhishma.
7 Drona-parva Nagpatuloy ang digmaan, si Drona ang komandante.
8 Karna-parva Muli, sa digmaan, si Karna ang komandante.
9 Shalya-parva Ang huling bahagi ng digmaan, si Shalya ang komandante.
10 Sauptika-parva Naglalahad kung paano pinaslang nina Ashvattama at ng mga nalalabing mga Kaurava ang hukbong Pandava habang natutulog (Sauptika).
11 Stri-parva Ipinagdadalamhati ni Gandhari at ng iba pang mga kababaihan (mga stri) ang mga yumao.
12 Shanti-parva Ang pagpuputong ng korona kay , at ang mga utos sa kaniya mula kay Bhishma
13 Anusasana-parva Ang mga huling tagubilin (anusasana) mula kay Bhishma.
14 Ashvamedhika-parva Ang maharlikang seremonya ng ashvamedha, na isinagawa ni Yudhisthira.
15 Ashramavasika-parva Lumisan sina Dhritarashtra, Gandhari at Kunti para sa isang ashram, at ang pagkamatay sa gubat.
16 Mausala-parva Ang panloob na pag-aalitan sa pagitan ng mga Yadava na may gamit na mga pamalo[2] (mga mausala).
17 Mahaprasthanika-parva Unang bahagi ng daan patungong kamatayan (mahaprasthana, "dakilang paglalakbay") ni Yudhisthira at ng mga kapatid niyang lalaki
18 Svargarohana-parva Nagsibalik ang mga Pandava sa daigdig ng mga kaluluwa (svarga).
19 Harivamsha Buhay ni Krishna.


Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 "Mahabharata, Indian Literature, Oriental Literature". The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated. 1977.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. 2.0 2.1 Gaboy, Luciano L. Dice, betu-beto, dais; Mace, pamalo - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.

Mga kawing panlabas

[baguhin | baguhin ang wikitext]