Pumunta sa nilalaman

Mahabang barong maraming kulay

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Ang Duguang Baro ni Jose (1630), ipininta ni Diego Velázquez.

Sa Hebreong Bibliya o Lumang Tipan ng Bibliyang Kristiyano, ang mahabang barong may iba't ibang kulay ay ang pangalan o katawagan sa mahabang kasuotang may manggas na pag-aari ni Jose, bunsong anak ni Israel (si Jacob), at sinasabi ng iba na nagtataglay ng sari-saring mga kulay. Isa sa mga dahilan ng pagkainggit ng mga kapatid ni Jose sa kanya ang damit na ito, sapagkat pagpapakita ito ng pagpapamahal ni Israel kay Jose na "higit pa sa lahat niyang mga anak" at dahil isinilang si Jose sa panahon "ng kanyang katandaan." Batay sa paliwanag ni Jose Abriol, ang mga mahahabang barong katulad ng kay Jose ay isinusuot ng mga mayayaman at ng mga taong minamahal. Samantala, nagsusuot lamang ng mga barong hanggang tuhod lang ang haba at walang mga manggas ang pangkaraniwang mga tao.[1]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Abriol, Jose C. (2000). "Mahabang baro, may iba't ibang kulay ayon sa iba". Ang Banal na Biblia, Natatanging Edisyon, Jubileo A.D. Paulines Publishing House/Daughters of St. Paul (Lungsod ng Pasay) ISBN 9715901077.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 62.

Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.