Pumunta sa nilalaman

Maharlikang Museo ng mga Tangke

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Harapang bahagi ng museo

Ang Maharlikang Museo ng mga Tangke ( Arabe: متحف الدبابات الملكي), ay isang museong militar na matatagpuan sa Amman, ang kabisera ng Jordan . [1] [2] Ito ang kauna-unahang tangkeng museo sa mundong Arabo at isa sa pinakamalaking museo ng tanke ng kasaysayan sa buong mundo. Ito ay pinasinayaan noong Enero 29, 2018. [3]

Saklaw ng gusali ang humigit-kumulang na 20,000 metro-kuwadradong lupa. Tinaguriang itong pinakamalaking museo sa Jordan. Mayroon itong humigit-kumulang na 110 mga tangke at konstruksyon ng mga armadong tangke na gawa sa Jordan, mga tangkeng Arabo at mula sa Kanluranin na nakatanghal din ayon sa pagkakasunud-sunod ng petsa. Ang isang malaking bahagi ng museo ay nagtatanghal ng mga gawa ng mga Amerikano, Briton, Sobyet at Aleman. Mayroon din itong silid na nakatuon sa mga lokal na industriya ng militar. Ang museo ay may kasamang mga orihinal na kagamitan at ilang mga bihira at muling inayos na mga piraso na naglalahad ng ebolusyon ng mga sasakyang pang-militar mula noong 1915, na dinisenyo ng arkitekturang taga-Jordan na si Zaid Daoud. [4]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Panlabas na kawingan

[baguhin | baguhin ang wikitext]