Makinang Smith
Ang Smith machine ay isang katawagan sa Ingles, na maisasalin bilang makinang Smith o aparatong Smith, sa isang kasangkapang pang-ehersisyo na ginagamit para sa pagsasanay na pagbubuhat ng mga pabigat. Binubuo ito ng barbel na nakapirmi sa loob ng mga riles na aserong bakal, na nagpapahintulot lamang ng patindig (pataas at paibaba) na galaw. May ilang mga bagong labas na makinang Smith na nagpapahintulot ng maliit na kakayahang makagawa ng pasulong at paatras na galaw. Kalimitang kasama sa isang makinang Smith ang isang salansanan ng mga pabigat na nasa paanan upang makatulong sa pagpapatatag nito. Ilan sa mga makinang Smith ang may panimbang (kontrabalanse) ng barbel. Ang makina ay maaaring gamitin para sa malawak na uri ng mga ehersisyo, katulad ng pagtalungko (kilala sa Ingles bilang squat) na katulad ng ipinapakita sa imaheng nasa kanan.
Pinagmulan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang makinang Smith ay naimbento ng Amerikanong si Jack LaLanne, na nagkabit ng isang aparatong dumudulas sa kanyang himnasyo noong dekada 1950. Napansin ang makina ni Rudy Smith, isang tagapamahala ng isang klab na pangkalusugan, na nagtalaga kay Paul Martin upang painamin pa ito. Pagkaraan ay itinalaga ni Smith ang napainam na modelo ng makina sa isang himnasyo na kanyang pinamamahalaan noong panahong iyon, ang himnasyo ni Vic Tanny sa Los Angeles, California. Sa pagsapit ng kahulihan ng dekada 1950, si Rudy Smith ay isa nang tagapagpaganap o ehekutibo sa tanikala ng mga himnasyo ni Tanny, at dahil dito naging mas malawak ang paggawa at pagbebenta ng makinang Smith. Namatay si Rudy Smith noong Hulyo 6, 2010. Sa panahon ng kanyang kamatayan, si Smith ay isa nang tagapamahala ng lupon (chairman of the board) ng Mga Klab Pang-atletika ng Las Vegas (Las Vegas Athletic Clubs).
Pakinabang
[baguhin | baguhin ang wikitext]Sa likod ng bawat isang posteng (pampatakbo o pampagulong) patayo ay isang serye ng mga puwang o pasukan kung saan maisasabit o maisusukbit ang mga kawit ng barbel. Ibig sabihin nito, hindi katulad ng pangkaraniwang barbel, ang makinang Smith ay hindi kinakailangang muling ibalik sa salansanan pagkaraan ng isang pangkat ng mga pag-uulit o repetisyon ng pagbubuhat ng pabigat na barbel: maaari itong ligtas na mailalagay o maikakabit na walang panganib na babagsak sa tagabuhat. Dahil dito, mas ligtas ang makina para sa mga mambubuhat na walang spotter o tagapagtugaygay o tagatulong ng mambubuhat (lalo na kung pagod na ang nagbubuhat ng pabigat pagkaraan ng ilang pag-uulit), dahil sa ang mambubuhat ay kinakailangan lang na pihitin ang kanyang galang-galangan upang maikandado o maipirmi ang barbel sa lugar nito, sa pagkakataong ang bigat ng barbel ay naging napakabigat na. Karamihan sa mga modelo ng makinang Smith ay nagsasama ng mga bloke, mga pampasak, o ibang mga kasangkapan na maaaring baguhin o galawin upang kusang huminto ang barbel sa loob ng isang itinakdang pinakamababang taas. Pinatataas ng mga karagdagang mga kagamitang ito ang pagiging hindi mapanganib ng makinang Smith.
Dahil sa hindi ito babagsak paharap, patalikod, at patagilid, ang makinang Smith ay itinuturing na mas ligtas na gamitin kaysa isang ordinaryong barbel. Dahil sa ang pabigat ay hindi kailangang patatagin, nakapagpapahintulot ang makinang ito na makapagbuhat ang hindi matatatag na mga mabubuhat na makapagbuhat na mas mabigat na pabigat. Ngunit mayroong isang panganib na pagkawala ng lakas ng tagapagbuhat kung hindi tama ang paggamit ng makinang Smith.
Pagtatalo
[baguhin | baguhin ang wikitext]Isa sa pangunahing mga balitaktakan ng mga tagapagtangkilik at hindi tagapagtaguyod ng makinang Smith ay ang kung nakalalamang o nakahihigit ba ang makinang ito kung ihahambing sa isang barbel na malaya ang kabigatan (walang dinidikitang riles). Bagaman tila may mga benepisyo ang malalayang mga pabigat kaysa mga makinang Smith, maaaring labis ang ganitong pagpapahayag. May mga mananaliksik sa Unibersidad ng Drake sa Iowa ng Estados Unidos na sinubok ang pahayag na ito at natuklasang ang mga tagapagbuhat ay nakapagbuhat ng mas maraming malalayang mga pabigat kaysa sa noong gumagamit sila ng makinang Smith. Batay sa ulat ng Journal of Strength and Conditioning Research, ang puwersa pagdiin sa bangko ay nasa 16% ang kalamangan para sa mga pagdiin sa bangko na may malayang pabigat kung ihahambing sa pagdiin sa bangko na ginagamitan ng makinang Smith. Subalit ang puwersa sa pagtalungko (squat) na may makinang Smith ay nasa 4% ang kahigitan kapag inihambing sa pagtalungkong may malayang pabigat. Iniulat ng Men's Health na ang patuwid na galaw sa makinang Smith ay isang hindi likas na kilos na nakatitigatig sa mga tuhod at sa pang-ibabang likod, at ang nakaugaliang mga pagtalungko ay nakalilikha ng 50% mas maraming galaw ng masel sa mga kalamnan sa hita, na nakikilala bilang mga quadricep sa Ingles, kapag ginagawa ang pagtalungko na may tulong ng makinang Smith.[1]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Men's Health. 6 Exercise Machines You Should Do Without Naka-arkibo 2011-12-10 sa Wayback Machine. (6 Mga Makinang Pang-ehersisyo na Hindi Mo Kakailanganin)