Pumunta sa nilalaman

Interaksiyong malakas

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Malakas na puwersang nukleyar)

Sa pisika ng partikulo, ang malakas na interaksiyon (strong interaction, strong force, strong nuclear force, o color force) ang isa sa apat na pundamental na interaksiyon ng kalikasan. Ang iba ay elektromagnetismo, grabitasyon, at mahinang interaksiyon. Gaya ng ibang mga pundamental na interaksiyon, ito ay isang puwersang walang pagdampi o hindi direktang nakalapat. Sa skalang atomiko, ito ay 100 mas malakas sa elektromagnetismo na mas malakas naman sa mahinang interaksiyon at grabitasyon.

Ang malakas na interaksiyon ay mapagmamasdan sa dalawang area: sa mas malaking skala(mga 1 hanggang 3 femtometro), ito ang puwersa na nagbibigkis sa proton at neutron upang bumuo ng nukleyo ng atomo. Sa mas maliit na skala(mas maliit sa 0.8 femtometro na radyus ng nukleyo), ito ang puwersa(na dala ng gluon) na nagbibigkis sa quark upang bumuo ng proton, neutron at ibang mga partikulong hadron.

Sa konteksto ng pagbibigkis ng proton at neutron upang bumuo ng atomo, ang malakas na interaksiyon ay tinatawag na puwersang nukleyar(nucler force o residual strong force). Sa kasong ito, ito ang residuum ng malakas na interaksiyon sa pagitan ng quark na bumubuo sa proton at neutron. Sa gayong kaso, ang residual na malakas na puwersa ay sumusunod sa medyo ibang nakabatay sa distansiyang pag-aasal sa pagitan ng mga nukleyo mula sa pag-aasal nito sa pagbibigkis ng mga quark sa nucleon.

Ang malakas na interaksiyon ay pinaniniwalaang pinamamagitan ng gluon na kumikilos sa quark, antiquark at ibang mga gluon. Ang gluon naman ay pinaniniwalaang nakikipag-ugnayan sa mga quark at gluon dahil ito ay nagdadala ng uri ng karga na tinatawag na kargang kulay. Ang isang kargang kulay ay maihahalintulad sa kargang elektromagnetiko ngunit ito ay mayroon 3 uri at hindi 2 at ito ay nagreresulta ng ibang uri ng puwersa na may ibang patakaran ng pag-aasal. Ang mga patakarang ito ay dinedetalye sa teoriya ng kromodinamiks na kwantum na teoriya ng interaksiyong quark-gluon.


Pisika Ang lathalaing ito na tungkol sa Pisika ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.