Pumunta sa nilalaman

Malcolm X

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Malcolm X
Kapanganakan19 Mayo 1925[1]
  • (Douglas County, Nebraska, Estados Unidos ng Amerika)
Kamatayan21 Pebrero 1965[1]
LibinganSementeryo Ferncliff
MamamayanEstados Unidos ng Amerika
Trabahopolitiko,[1] awtobiyograpo, aktibistang politikahin, aktibista para sa karapatang pantao, Imam
Pirma

Si Malcolm X (Mayo 19, 1925 – Pebrero 21, 1965) ay isang Amerikanong makabansa at aktibistang pangkarapatang sibil. Bago siya nakilala bilang Malcolm X, ang kaniyang pangalan ay Malcolm Little. Ang ama ni Malcolm X ay isang ministrong Baptist (Bautista) na ang balat ay napakaitim at ang kutis ng kaniyang ina ay higit na magaan ang pagkaitim. Tinuruan siya ng kaniyang mga magulang na maging mapagmalaki sa pagiging itim sa isang lipunang hayagang laban sa mga itim.

Noong 1946 si Little ay ikinulong dahil sa pagnanakaw at habang naroon sa bilangguan ay natuklasan niya ang Nasyon ng Islam.[2]

Noong una, ang mga gawain at mga talumpati ni Malcolm X ay karamihang pinukaw ng mga paniniwala at mga pangangaral ng Nasyon ng Islam. Ipinangaral niya na ang lahat ng mga taong puti ay masama. Nang malaman niya ang pinuno ng Nasyon ng Islam ay may pakikipag-ugnayan sa maraming mga babae, tumiwalag siya mula sa pangkat at binago ang kaniyang relihiyon patungo sa Islam na Sunni. Naglakbay siya na namamakay sa Islamikong banal na lungsod ng Mecca sa Saudi Arabia. Sa puntong ito, ang kaniyang mga opinyon hinggil sa mga taong puti ay uminam, at nagsimula siyang maniwala na ang mga puting tao ay maaaring maging mabubuting mga tao rin. Naniniwala si Malcolm X na ang mga taong itim ay dapat na ipaglaban ang kanilang mga karapatang sibil sa anumang paraan, kahit na sila ay maging marahas. Inisip din niya na ang mga taong itim ay dapat na suportahan ang isa't isa sa pamamagitan ng pamimili sa mga tindahang pag-aari ng mga itim na tao. Mapanuri siya ng kilusan na pangkarapatang sibil.

Nabaril at namatay si Malcolm X sa Lungsod ng New York pagkatapos na mangaral hinggil sa mga karapatan ng mga itim na tao. Tatlong kasapi ng Nasyon ng Islam ang may kagagawan sa pagpaslang sa kaniya.

Nagkaroon siya na anim na mga anak mula kay Betty Shabazz. Nagkaroon siya ng anim na mga apo, kabilang si Malcolm Shabazz, ang anak na lalaki ni Qubilah Shabazz, ang pangalawang anak na babae ni Malcolm X at Betty Shabazz. Si Malcolm Shabazz ang unang lalaking apo ni Malcolm X.[3] Napatay si Malcolm Shabazz noong Mayo 2013. Nagkaroon din siya ng dalawang inapo, na mga anak kaniyang mga apo (great-grandchildren).

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 1.2 https://cs.isabart.org/person/139863; hinango: 1 Abril 2021.
  2. "Malcolm X". American Radio Works. Public radio.org. Nakuha noong Setyembre 24, 2013.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Harrison, Isheka N. (Hulyo 2010). "Malcolm X's Grandson Working on Memoirs in Miami". South Florida Times. Nakuha noong Hulyo 2, 2010.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)