Pumunta sa nilalaman

Mamona

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Mammon)
Tungkol ito sa salitang galing sa Bibliya. Para sa pagkain, pumunta sa Mamon.
Ang Ang Pagsamba kay Mamona, na iginuhit ni Evelyn De Morgan noong 1909.

Ang mammon o mammona[1] ay isang salitang hinango mula sa Bagong Tipan ng Bibliyang Kristiyano at Talmud[2] ng Hudaismo, na ginamit upang mailarawan ang salapi, kayamanan o, sa partikular, bilang kayamanang materyal, o kaya kasakiman, na kadalasang kinakatawan ng isang diyos o kadiyosang sinasamba ng masasamang mga tao.[3] Isa itong transilerasyon ng salitang Hebreong mammon o מָמוֹן na nangangahulugang "salapi" o "pera".

Katumbas ito ng mga salitang kayamuan, abarisya, pagkagahaman, kahidhiran, ugaling-buwaya, pagkaganid, at pagkamapagkamkam.[3]

Nagmula ang salitang ito sa salita o katagang Arameong mamona o mammona, na may ibig sabihing "mga kayamanan", "mga yaman", o "salapi".[1] Matatagpuan ito sa Ebanghelyo ni Mateo (Mateo 6:24) at Ebanghelyo ni Lukas (Lukas 16:9, Lukas: 16:11, at Lukas: 16:13) sa Bagong Tipan ng Bibliya, na may katuturang "mga kayamanang pinaglaanan ng napakalaking pagpapahalaga".[2]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 Abriol, Jose C. (2000). "Mammona, kayamanan o salapi". Ang Banal na Biblia, Natatanging Edisyon, Jubileo A.D. Paulines Publishing House/Daughters of St. Paul (Lungsod ng Pasay) ISBN 9715901077.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 1439.
  2. 2.0 2.1 "Mammon". The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated. 1977.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), Dictionary Index para sa M, pahina 571.
  3. 3.0 3.1 Gaboy, Luciano L. Mammon - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.

Bibliya Ang lathalaing ito na tungkol sa Bibliya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.