Pumunta sa nilalaman

Paglalakbay

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Manlalakbay)

Ang paglalakbay ay ang paglipat ng mga tao. Kabilang sa mga dahilan ng paglalakbay:

  • turismo, paglalakbay para sa rekreasyon; maaring ilapat ito sa paglalakbay mismo, o maaari na isang kailangan na puhunan ang paglalakbay upang makarating sa isang ninais na pook
  • pagdalaw sa mga kaibigan at mag-anak
  • pakipagkalakalan , sa kalumaan, ilang pangkat ng mga tao ang naglalakbay ng malawak na layo upang makipagpalitan ng mga produkto na makukuha lamang sa ilang lugar.
  • pangkaraniwang paglalakbay (commuting)
  • pagpunta sa mga iba't ibang lokasyon ng trabaho, kabilang ang mga miting
  • komunidad ng mga taong layas (mga nomad) na lumilipat ng mula sa isang pook hanggang sa isa pang pook, sa halip na manirahan sa isang lugar lamang
  • paglalakbay ng peregrino (pilgrimage), paglalakbay sa relihiyosong dahilan

Ilan sa mga karaniwan na makasaysayang dahilan ng paglalakbay: mangibang-pook, paglalakbay ng peregrino, at eksplorasyon or ekspedisyon. Naging sanhi ang kalikasan ng tatlong ito ang pansarili at kultural na pagpapakasakit, tulad sa mga kaso ng mga Aboriginal, mga peregrino sa Mecca at si Kapitan James Cook. Sa isang banda, kadalasang pinahihintulot ng pakipagkalakalan ang pagpapalitan at paghalo ng mga kultura at dinala ang pagbabago sa mga tao.

Nito lamang nakaraang ilang dantaon na simula nating naisip na kasingkahulugan ng paglalakbay ang kaisipan ng mga pista o bakasyon; sa ibang salita, ang pagtakas sa ating araw-araw na pagpupunyagi at paggawa. Sa pagdami ng bilang ng mga taong naglalakbay upang magbakasyon, dumami na rin ang mga travel agencies, travel insurance, at opsyon ng travel money.

Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.

Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.