Pumunta sa nilalaman

Maria Sibylla Merian

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Maria Sibylla Merian
Kapanganakan2 Abril 1647(1647-04-02)
Kamatayan13 Enero 1717(1717-01-13) (edad 69)
TrabahoNaturalista, mangguguhit na pang-agham, entomologa
Kilala saDokumentasyon ng metamorposis ng paru-paro, pagguhit na pang-agham

Si Maria Sibylla Merian (2 Abril 1647 – 13 Enero 1717) ay isang Alemang naturalista at mangguguhit na pang-agham, na kaapu-apuhan ng sangay ng Frankfurt na Suwisong mag-anak na Merian, na mga tagapagtatag ng isa sa pinakamalaking bahay-palathalaan sa Europa noong ika-17 daantaon.

Natanggap ni Merian ang kaniyang pagsasanay na pangsining mula sa kaniyang ama-amahan na si Jacob Marrel, na isang estudyante ng pintor ng buhay na hindi tumitinag na si Georg Flegel. Nanatili siya sa Frankfurt hanggang sa pagsapit ng 1670, na pagdaka ay lumipat siya sa Nuremburgo, Amsterdam at sa Kanlurang Friesland. Nilathala ni Merian ang kaniyang unang aklat ng mga ilustrasyong likas (guhit ng kalikasan), na pinamagatang Neues Blumenbuch, noong 1675 sa gulang na 28.[1] Noong 1699, pagkatapos ng walong mga taon ng pagpipinta at pag-aaral, at dahil sa panghihikayat ni Cornelis van Aerssen van Sommelsdijck, na noon ay gobernador ng Timog Amerikanong Olandes na kolonya ng Surinam, si Merian ay ginawaran ng isang kaloob ng lungsod ng Amsterdam upang maglakbay sa Surinam na kasama ang kaniyang anak na babaeng si Dorothea.[2] Pagkalipas ng dalawang taon na pagiging naroroon, napilitan siyang magbalik sa Europa bilang resulta ng malaria.[1][2] Pagkaraan ay inilathala niya ang kaniyang pangunahing akdang pinamagatan bilang Metamorphosis insectorum Surinamensium noong 1705, na dahilan ng kaniyang pagiging tanyag. Dahil sa kaniyang maingat na pagmamasid at pagdodokumento ng metamorposis (pagbabagong-anyo) ng paru-paro, itinuring siya bilang nasa piling ng pinakamahahalagang mga tagapag-ambag sa larangan ng entomolohiya.[3]

Bibliyograpiya

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  • Neues Blumenbuch. Volume 1. 1675
  • Neues Blumenbuch. Volume 2. 1677
  • Neues Blumenbuch. Volume 3. 1677
  • Der Raupen wunderbare Verwandlung und sonderbare Blumennahrung. 1679
  • Metamorphosis insectorum Surinamensium. 1705
  1. 1.0 1.1 Cavna, Michael. "Maria Sibylla Merian Doodle: Naturally, Google celebrates the artist's evergreen legacy". The Washington Post. Nakuha noong Abril 2, 2013.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. 2.0 2.1 GrrlScientist. "Maria Sibylla Merian: artist whose passion for insects changed science". The Guardian. Nakuha noong Abril 2, 2013.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Kristensen, Niels P. (1999). "Historical Introduction". Sa Kristensen, Niels P. (pat.). Lepidoptera, moths and butterflies: Evolution, Systematics and Biogeography. Tomo 4, Kabahagi sa 35 ng Handbuch der Zoologie:Eine Naturgeschichte der Stämme des Tierreiches. Arthropoda: Insecta. Walter de Gruyter. p. 1. ISBN 978-3-11-015704-8.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  • de Bray, Lys (2001). The Art of Botanical Illustration: A history of classic illustrators and their achievements. Quantum Publishing Ltd., London. ISBN 1-86160-425-4.
  • Patricia Kleps-Hok: Search for Sibylla: The 17th Century's Woman of Today, U.S.A 2007, ISBN 1-4257-4311-0; ISBN 1-4257-4312-9.
  • Helmut Kaiser: Maria Sibylla Merian: Eine Biografie. Artemis & Winkler, Düsseldorf 2001, ISBN 3-538-07051-2
  • Uta Keppler: Die Falterfrau: Maria Sibylla Merian. Biographischer Roman. dtv, München 1999, ISBN 3-423-20256-4 (Nachdruck der Ausgabe Salzer 1977)
  • Charlotte Kerner: Seidenraupe, Dschungelblüte: Die Lebensgeschichte der Maria Sibylla Merian. 2. Auflage. Beltz & Gelberg, Weinheim 1998, ISBN 3-407-78778-2
  • Dieter Kühn: Frau Merian! Eine Lebensgeschichte. S. Fischer, Frankfurt 2002, ISBN 3-10-041507-8
  • Inez van Dullemen: Die Blumenkönigin: Ein Maria Sybilla Merian Roman. Aufbau Taschenbuch Verlag, Berlin 2002, ISBN 3-7466-1913-0
  • Kurt Wettengl: Von der Naturgeschichte zur Naturwissenschaft – Maria Sibylla Merian und die Frankfurter Naturalienkabinette des 18. Jahrhunderts. Kleine Senckenberg-Reihe 46: 79 S., Frankfurt am Main 2003
  • Kim Todd: Chrysalis: Maria Sibylla Merian and the Secrets of Metamorphosis. Harcourt, USA, 2007. ISBN 0-15-101108-7.
  • Ella Reitsma: "Maria Sibylla Merian & Daughters, Women of Art and Science" Waanders, 2008. ISBN 978-90-400-8459-1.

Mga kawing na panlabas

[baguhin | baguhin ang wikitext]