Pumunta sa nilalaman

Martin Luther King, Jr.

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Martin Luther King Jr.)
Dr. Martin Luther King, Jr.

Kapanganakan: 15 Enero 1929(1929-01-15)
Lugar ng kapanganakan: Atlanta, Georgia, USA
Kamatayan: 4 Abril 1968(1968-04-04) (edad 39)
Lugar ng kamatayan: Memphis, Tennessee, USA
Kilusan: African-American Civil Rights Movement and Peace Movement
Pangunahing organisasyon: Southern Christian Leadership Conference
Kilalang napanalunan: Nobel Peace Prize (1964)
Presidential Medal of Freedom (1977, posthumous)
Congressional Gold Medal (2004, posthumous)
Pangunahing monumento: Martin Luther King, Jr. National Memorial (planned)
Relihyon: Baptist
Impluwensiya Mahatma Gandhi, Henry David Thoreau, Bayard Rustin
Naimpluwensiyahan Coretta Scott King, Jesse Jackson

Si Martin Luther King, Jr. (15 Enero 1929 - 4 Abril 1968), ay isa sa mga pangunahing pinuno ng kilusang para sa mga karapatang sibil ng mga Amerikano. Naging ministro ng mga Bautista sa pamamagitan ng pagsasanay, si King ay naging aktibista ng karapatang sibil sa simula ng kanyang karera, na nagpasimuno ng Montgomery Bus Boycott at tumulong sa pagbuo ng Southern Christian Leadership Conference. Ang kanyang pagpupursige ay nagdulot sa Martsa sa Washington noong 1963, kung saan ay inihayag niya ang kanyang talumpating Mayroon akong Pangarap ("I Have a Dream"), na nagpataas sa kamulatan sa kilusang karapatang pangsibil at nagpakilala kay King bilang isa sa pinakadakilang orador sa kasaysayan ng Amerika. Noong 1964, si King ay naging pinakabatang taong nakatanggap ng Nobel Peace Prize para sa kanyang pagpupursige na wakasan ang pagkakahiwalay-hiwalay, at diskriminasyon sa pamamagitan ng hindi pagsunod sa pamahalaan at mga gawaing mararahas.

Si King ay pinaslang noong 4 Abril 1968, sa Memphis, Tennessee. Anak siya ni Martin Luther King, Sr.


TalambuhayEstados Unidos Ang lathalaing ito na tungkol sa Talambuhay at Estados Unidos ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.