Estados Unidos

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa United States of America)

Padron:Infobox countrykantutan Ang Estados Unidos (Ingles: United States), opisyal na Estados Unidos ng Amerika, dinadaglat na EU/EUA (Ingles: US/USA), at karaniwang tinatawag na Amerika (Ingles: America), ay bansang transkontinental na pangunahing matatagpuan sa Hilagang Amerika. Hinahangganan ang 48 estado at distritong pederal nito ng Kanada sa hilaga at Mehiko sa timog. Makikita ang Alaska sa sukdulang hilagang-kanluran ng Hilagang Amerika na katabi ng Kanada sa silangan at nahihiwalay sa Rusya sa kanluran sa Kipot ng Bering; ang Hawai ay isang kapuluang Polinesyo na nasasagitna sa Karagatang Pasipiko at ang tanging estado na wala sa Kaamerikahan. Nagbabahagi ang bansa ng mga limitasyong maritimo sa Bahamas, Kuba, Rusya, Reyno Unido, Republikang Dominikano, Kapuluang Cook, Samoa, at Niue. Sumasaklaw ng mahigit 9,833,520 kilometrong kuwadrado (3,531,905 milyang kuwadrado) at mayroong higit 331 milyong naninirahan, ito ang ikaapat na pinamalaking bansa ayon sa panlupaing lawak, ikalima ayon sa magkaratig na lawak, at ikatlo ayon sa kabuuang lawak at populasyon. Itinatagurian na panlusaw na palayok ng mga kalinangan at etnisidad, hinubog ang populasyon nito ng ilang siglo ng imigrasyon. Mayroon itong lubos na dibersong klima at heograpiya, at kinikilala bilang isa sa 17 ekolohikal na bansang megadiberso. Ang kabiserang pambansa nito ay Washington, D.C. habang ang pinakamalaking lungsod at sentrong pampananalapi nito'y Lungsod ng Bagong York.

Ang mga Paleo-Indians ng Siberia ay nandayuhan sa Hilagang Amerika 12,000 taon na ang nakalilipas. Nagsimula ang pananakop ng mga Europeo noong ika-16 na siglo. Nabuo ang Estados Unidos mula sa 13 kolonyang Britano na itinatag sa Silangang Baybayin. Ang pakikipagtalo hinggil sa pagbubuwis at pamamahala ng Gran Britanya ay nagbunsod sa American Revolutionary War (1775-1783), na nagpangyaring makamit ng bansa ang kalayaan. Sa huling bahagi ng ika-18 siglo, lalo pang lumawak ang nasasakupan ng Estados Unidos habang unti-unting nag-aangkin ng mga teritoryo, kung minsan sa pamamagitan ng digmaan na nagtaboy sa maraming katutubong Amerikano, at naitatatag ang mga bagong estado. Pagsapit ng 1848, nasakop na ng Estados Unidos ang Hilagang Amerika hanggang sa kanluran. Naging legal ang pang-aalipin sa timugang Estados Unidos hanggang noong ika-19 na siglo, nang buwagin ito ng Digmaang Sibil ng Amerika.

Pagsapit ng dekada 1890 ay naitala ang ekonomiya ng Estados Unidos bilang pinakamalaki sa mundo, at kinumpirma ng Digmaang Espanyol-Amerikano at Unang Digmaang Pandaigdig ang katayuan nito bilang kapangyarihang militar. Sa pagtatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay lumabas ang bansa bilang unang estadong nukleyar at isa sa dalawang pinakamakapangyarihang bansa kasama ang Unyong Sobyetiko. Nasangkot ang dalawang estado sa isang tunggalian noong Digmaang Malamig para sa ideolohikong pangingibabaw, partikular na makikita sa Digmaang Koreano at Digmaang Biyetnamita, ngunit pareho nilang iniwasan ang direktang labanang militar. Nakipagkompitensya rin sila sa Karerang Pangkalawakan, na nagtapos sa Amerikanong pangkalawakang paglipad ng 1969 na ipinadala ang mga tao sa Buwan sa unang pagkakataon. Kasabay nito, humantong ang kilusang pangkarapatang sibil sa pagbabawal sa diskriminasyong panlahi laban sa mga Aprikanong Amerikano. Nagwakas ang Digmaang Malamig sa pagkabuwag ng URSS noong 1991, na iniwan ang EUA bilang nag-iisang superpotensyang internasyonal. Sa ika-21 dantaon, nagresulta ang mga pag-atake noong 11 Setyembre 2001 sa paglunsad ng bansa ng digmaan laban sa terorismo, na kinabibilangan ng Digmaan ng Apganistan (2001–2021) at Digmaan ng Irak (2003–2011). Ang pagsibol ng Tsina at pagbabalik ng Rusya sa pandaigdigang politika ay nagdulot ng mga tensyon sa pagitan ng mga bansa na kung minsa'y tinatawag na Ikalawang Digmaang Malamig.

Isang republikang pederal, binubuo ang EU ng tatlong magkakahiwalay na sangay ng pamahalaan at lehislaturang bikameral. Pinapatakbo sa ilalim ng demokrasyang liberal at ekonomiyang pampamilihan, nagraranggo ito ng mataas sa mga pandaigdigang sukat ng karapatang pantao, kalidad ng buhay, kita at yaman, ekonomikong pagkakakompitensya, at edukasyon. Gayunpaman, pinapanatili ng bansa ang parusang kamatayan, wala ng pangkalahatang pangangalagang pangkalusugan, at mayroong mataas na antas ng pagkakabilanggo at kawalan ng pagkakapantay-pantay. Ang pangunahing industriyal at kapitalistang puwersa sa planeta, isa ito sa mga namumuno ng makaagham na pananaliksik at pagbabagong teknolohikal. Ito ang pinakamalaking ekonomiya ayon sa nominal na KDP at ikalawa ayon sa KDP batay sa KLP. Sa halaga, ito ang pinakamalaking nag-aangkat at ikalawang pinakamalaking nagluluwas ng mga kalakal. Bagama't bumubuo ng halos 4.2% lamang ng kabuuang pandaigdigang populasyon, hawak ng bansa ang higit 30% ng kayamanan sa mundo, ang pinakamalaking bahaging taglay ng alinmang bansa. Isa itong kasaping tagapagtatag ng OEA, PMI, OTHA, Bangkong Pandaigdig, at mga Nagkakaisang Bansa, kung saan naglilingkod ito bilang panatilihang miyembro ng Konsehong Pangkatiwasayan nito. Gumagastos ng katumbas ng halos dalawang-ikalima ng pandaigdigang paggastang pangmilitar, nagtataglay ito ng ikatlong pinakamalaking hukbo sa mundo. Nangunguna ang EUA sa mga larangan ng politika, kalinangan, at agham sa Daigdig.

Malapitang litrato ng mapa ni Waldseemüller na nagpapakita ng pangalang Amerika sa lupaing kilala ngayon bilang Brasil.

Isinasapetsa ang pinakamaagang kilalang paggamit ng pangalang "Amerika" sa taong 1505, nang ginamit ito ng makatang Aleman na si Mathias Ringmann sa kanyang tulang ukol sa Bagong Mundo. Latinisado itong anyo ng pangalan ng Italyanong eksplorador na si Amerigo Vespucci, na unang nagmungkahi na ang Kanlurang Indiyas na natuklasan ni Cristobal Colon noong 1492 ay bahagi ng dating di-kilalang kalupaan, kaysa sa silangang hangganan ng Asya.[1] Inilimbag ang mapang Universalis Cosmographia ni Martin Waldseemüller noong 25 Abril 1507 kasama ang tula. Ginagamit ng mapa ang terminong "Amerika" ​​para sa lugar na kinikilala ngayon bilang Timog Amerika.[2] Noong 1538, ginamit din ni Plamenkong kartograpong Gerardus Mercator ang pangalang "Amerika" ​​sa kanyang sariling mapang pandaigdig, at inilapat ang salita sa buong Kanlurang Emisperyo. Iminumungkahi ng mga alternatibong teorya na hango ang "Amerika" sa Bulubunduking Amerrisque ng Nicaragua, o mula sa apelyido ng mayamang Anglo-Gales na mangangalakal na si Richard Amerike.

Nagmumula ng unang dokumentadong ebidensya ng pariralang "Estados Unidos ng Amerika" sa isinulat na liham ni Stephen Moylan noong 2 Enero 1776 kay ayudante-ng-kampo ni George Washington na si Joseph Reed. Inihayag ni Moylan ang kanyang nais na lumakbay "nang may buo at sapat na kapangyarihan mula sa Estados Unidos ng Amerika patungong Espanya" upang humingi ng tulong sa Digmaang Mapanghimagsik. Karaniwang pagkakamali na kilalanin si Thomas Paine bilang lumikha ng terminong ito sa kanyang polyetong Common Sense na inilathala noong Enero 1776, ngunit hindi niya ginamit ang huling anyo nito. Makikita ang unang publikasyon ng parirala sa isang di-kilalang sanaysay sa pahayagang The Virginia Gazette sa Williamsburg noong 6 Abril ng parehong taon.

Mga Sinaunang Tao at Kasaysayan Bago ang Panahon ni Columbus[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang Cliff Palace, matatagpuan ngayon sa Colorado, na itinayo ng mga katutubong Amerikano na Puebloano sa pagitan ng 1190 at 1260

Pinaniniwalaang ang mga unang nanirahan sa Hilagang Amerika ay mga taong nandayuhan mula sa Siberia patawid ng Beringia patungong Alaska 12,000 taon na ang nakalilipas (Ang Beringia ay isang land bridge na, noong sinaunang panahon, nagdurugtong sa lupain ng Siberia at Alaska hanggang sa maglaho ito at paghiwalayin ng katubigan na kilala ngayon bilang Bering Strait). Pero may ebidensiya di-umano na mas maaga pa rito ang pagdating nila. Ang kulturang Clovis, na umiral humigit-kumulang noong 11,000 BC, ang pinaniniwalaang kumakatawan sa mga unang taong nandayuhan sa Amerika. Ito marahil ang una sa tatlong bugso ng malakihang pandarayuhan patungong Hilagang Amerika; ang mga huling bugso ang nagdala sa kasalukuyang mga katutubo ng Athabaskan, Aleut, at Eskimo.

Sa pagdaan ng panahon, nagkahalo-halo na ang mga katutubo sa Hilagang Amerika. Ilan sa mga ito, gaya ng kulturang Mississippiano sa timog-silangan bago ang panahon ni Columbus, ay bumuo ng masulong na agrikultura, arkitektura, at sari-saring mga komunidad. Pinakamalaki sa mga ito ang Cahokia, isang dating lunsod-estado na ngayon ay dinadayong kaguhuan sa kasalukuyang Estados Unidos. Sa tinatawag na Four Corners Region (isang rehiyon kung saan nagtatagpo ang apat na kantong hangganan ng mga estado ng Utah, Arizona, Colorado, at New Mexico), nabuo ang kultura ng mga katutubong Puebloano mula sa mga siglo ng mga pag-eeksperimento sa agrikultura. Ang Haudenosaunee, na matatagpuan sa timugang rehiyon ng Great Lakes, ay unti-unting naitatag sa pagitan ng ika-12 at ika-15 siglo. Lumaganap sa mga estadong Atlantiko ang mga tribo ng Algonquian, na nakilala sa pangangaso at pambibitag. Naging magsasaka din naman ang ilan sa kanila.

Hindi matiyak ang populasyon ng mga katutubong Amerikano sa panahon ng pakikipag-ugnayan ng mga Europeo. Tinantiya ni Douglas H. Ubelaker ng Smithsonian Institution ang bilang ng populasyon: 92,916 sa timugang estadong Atlantiko at 473,616 sa mga estadong kahangga ng Gulf of Mexico. Pero napakaliit ng mga bilang na ito sa tingin ng mga akademiko. Ang antropologist na si Henry F. Dobyns ay naniniwalang mas malaki pa ang mga bilang ng populasyon: 1.1 milyon ang mga nasa estadong kahangga ng Gulf of Mexico, 2.2 milyon ang mga nasa estado mula Florida hanggang Massachusetts, 5.2 milyon ang mga nasa rehiyon ng Mississippi, at mga 700,000 ang nakatira sa estado ng Florida.

Kolonisasyon ng mga Europeo[baguhin | baguhin ang wikitext]

Karagdagang Impormasyon: Kasaysayang Kolonyal ng Estados Unidos at Labintatlong Kolonya

Ang Mayflower Compact, na nilagdaan sa loob mismo ng barkong Mayflower noong 1620, ang nagpasimula ng pag-uusap para sa pagbuo ng sariling gobyerno at konstitusyon.

Kontobersyal at laging pinagdedebatehan ang maagang kolonisasyon ng mga Norse (o mga Vikings ng Scandinavia) sa New England. Ang unang napaulat sa kasaysayan na pagdating ng mga Europeo sa ngayo'y kontinente ng Estados Unidos ay ang unang ekspedisyon ng conquistadores mula Espanya na si Juan Ponce de León sa noo'y Spanish Florida noong 1513. Bago pa nito, nakarating na sa Puerto Rico si Christopher Columbus mula sa kaniyang paglalayag noong 1493, at nang sumunod na dekada ay tinirhan ng mga Espanyol ang San Juan. Bumuo ng mga pamayanan ang mga Espanyol sa Florida at New Mexico, ang Saint Augustine, na itinuturing na pinakamatandang siyudad sa bansa, at ang Santa Fe. Nagtatag naman ang mga Pranses ng kanilang sariling mga pamayanan sa mga pampang ng Ilog Mississippi, lalo na sa New Orleans.

Matagumpay namang nakabuo ng kolonya ang mga Britano sa silanganing baybayin ng Hilagang Amerika: ang Virginia Colony sa Jamestown noong 1607 at Pilgrims Colony sa Plymouth noong 1620. Unang itinatag sa kontinente noong 1619 ang sarili nitong lehislatibong kapulungan, ang Virginia's House of Burgesses. Ang mga dokumentadong kasunduan, gaya ng Mayflower Compact at ang Fundamental Orders of Connecticut, ang bumuo ng mga parisan bilang batayan ng mga saligang batas na ipinatupad sa mga maitatatag pa noong mga kolonya sa Amerika. Marami sa mga pamayanang Ingles ay mga Kristiyanong naghahangad ng malayang pagsamba. Noong 1784, mga Ruso ang mga unang Europeo na nakapagtatag ng sariling pamayanan sa Alaska, sa Three Saints Bay. Ang mga Amerikanong Ruso noon ang sumasakop sa kalakhang bahagi ng ngayo'y estado ng Alaska.

Sa maagang panahon ng kolonisasyon, maraming nakipamayang Europeo ang nakaranas ng kakulangan sa pagkain, sakit, at pag-atake mula sa mga Katutubong Amerikano. Ang mga katutubong Amerikano ay madalas ding nakikipaglaban sa mga kalapit na tribo at mga Europeo. Gayunpaman, sa maraming pagkakataon, natutuhan ng mga katutubo at mga naninirahan na umasa sa isa't isa. Ang mga nakipamayan ay nakipagkalakalan para sa pagkain at mga balat ng hayop; ang mga katutubo naman para sa mga baril, mga kasangkapan at iba pang kalakal sa Europa. Tinuruan ng mga katutubo ang mga Europeo na magtanim ng mais, sitaw, at iba pang mga pagkain. Nadama ng mga misyonerong Europeo at iba pa na mahalagang "sibilisahin" ang mga Katutubong Amerikano at himukin sila na tularan ang mga gawi at pamumuhay ng mga Europeo pagdating sa agrikultura. Gayunpaman, sa paglawak ng kolonisasyon ng Europa sa Hilagang Amerika, lumikas na lang ang mga Katutubong Amerikano dahil madalas na pinapatay sila sa panahon ng mga alitan.

Ang Pinagkaisang Kolonya noong 1775: * Matingkad na Pula = Mga Kolonya ng New England. * Mapusyaw na Pula = Mga Kolonya sa Gitnang Atlantiko. * Kayumangging Pula = Mga Kolonya sa Timog.

Ang mga nakipamayang Europeo ay nagsimula ring manguha ng mga Afrikano para gawing alipin sa Amerika sa pamamagitan ng slave trade patawid ng Atlantiko. Dahil sa mabagal na pagkalat ng mga tropikal na sakit at mas mahusay na panggagamot, naging mas mahaba ang buhay ng mga alipin sa Hilagang Amerika kumpara sa Timog Amerika, dahilan ng kanilang mabilis na pagdami. Ang mga pamayanan sa kolonya ay karaniwang hinahati ayon sa relihiyon at moral na kalagayan ng alipin, at ilang mga kolonya nga ang nagpasa ng mga batas na laban at pabor sa isinagawang panukala. Gayunpaman, pagsapit ng ika-18 siglo, ang mga aliping Afrikano na ang pumalit sa mga manggagawang Europeo na walang sahod bilang mga cash crop labor, partikular na sa Katimugang Amerika.

Ang Labintatlong Kolonya (New Hampshire, Massachusetts, Connecticut, Rhode Island, New York, New Jersey, Pennsylvania, Delaware, Maryland, Virginia, North Carolina, South Carolina, at Georgia) na magiging Estados Unidos ng Amerika ay pinangasiwaan ng mga Britano bilang kanilang mga banyagang teritoryo, o nasasakupan. Gayunpaman, lahat ng ito ay may sari-sariling gobyerno at mga halalan na puwedeng pagbotohan ng mga tao. Dahil sa mataas na bilang ng mga ipinanganganak na sanggol, kakaunting namamatay, at matatag na komunidad, naging mabilis ang paglago ng populasyon ng mga kolonya; nahigitan pa nito ang populasyon ng mga katutubong Amerikano. Ang kilusan ng mga nanunumbalik sa Kristiyanismo noong mga dekada ng 1730 at 1740, na tinawag na ang Great Awakening, ang nagpaalab sa interes ng mga tao sa relihiyon at sa karapatan sa malayang pagsamba.

Noong Pitong Taóng Digmaan (1756-1763), tinatawag ding French and Indian War, naagaw ng mga puwersang Britano ang Canada mula sa mga Pranses. Sa pagtatatag ng Lalawigan ng Quebec, ang lalawigang Pranses ng Canada ay pinanatiling hiwalay sa mga lalawigang Ingles ng Nova Scotia, Newfoundland, at ng Labintatlong Kolonya. Hindi kasama ang mga Katutubong Amerikano na nanirahan doon, ang Labintatlong Kolonya ay may populasyong mahigit 2.1 milyon noong 1770, halos isang katlo ng populasyon ng Britanya. Habang may dumarating na mga bagong maninirahan at patuloy sa paglago ang populasyon, iilang mga Amerikano na lamang ang ipinanganganak sa ibang mga bansa noong dekada ng 1770. Ang distansya ng mga kolonya mula sa Britanya ay nagbigay-daan sa pag-unlad ng sariling pamahalaan, pero ang inaasam nilang tagumpay ay nag-udyok sa mga monarko ng Britanya na pana-panahong maghangad na muling igiit ang awtoridad ng hari.

Kasarinlan at Paglawak[baguhin | baguhin ang wikitext]

Karagdagang Impormasyon: Rebolusyong Amerikano at Pag-aangkin ng mga Teritoryo Para sa Estados Unidos

Deklarasyon ng Kasarinlan, ipininta ni John Trumbull, nagpapakita sa Komite ng Lima na nagpipresenta ng balangkas ng Deklarasyon sa Continental Congress, 4 Hulyo 1776.

Ang Digmaang Rebolusyonaryong Amerikano na ipinaglaban ng Labintatlong Kolonya mula sa Imperyo ng Britanya ang unang matagumpay na digmaan sa modernong kasaysayan na isinagawa ng isang di-Europeong pangkat laban sa isang kapangyarihang Europeo. Binuo ng mga Amerikano ang konsepto ng “republikanismo”, kung saan ang gobyerno ay dapat nakasalig sa kapakapanan ng mamamayan ayon sa nakasaad sa kanilang lokal na lehislatura. Ipinatupad ang kanilang “mga karapatan bilang mamamayang Ingles” at ang slogan na “walang buwis kung walang ipinepresenta.” Tinangka ng mga Britano na gawing parliamento ang kanilang imperyo, na nagresulta ng digmaan.

Udyok ng kanilang nagkakaisang desisyon, inilunsad ng Second Continental Congress, isang pagtitipon na binubuo ng Pinagkaisang Kolonya, ang Deklarasyon ng Kasarinlan noong Hulyo 4, 1776; at ang araw na ito ang ipinagdiriwang bilang Araw ng Kalayaan. Noong 1777, ang Articles of Confederation ay nagpanukala ng isang desentralisadong gobyerno na tumagal lang hanggang noong 1789.

Matapos matalo sa Labanan sa Yorktown noong 1781, ang Britanya ay pumirma sa isang kasunduang pangkapayapaan. Iginawad na ang internasyonal na pagkilala sa mga teritoryong sakop ng Amerika, at ipinagkaloob na sa bansa ang mga lupaing nasa silangang panig ng Ilog Mississippi. Gayunpaman, hindi pa rin tapos ang tensyon laban sa Britanya, na umakay sa Labanan noong 1812, isang alitang nagtapos lang sa isang pustahan. Pinangunahan ng mga Nationalista ang Philadelphia Convention noong 1787 para isulat ang Konstitusyon ng Estados Unidos, na pinagtibay noong 1788. Sa higit pang pagpapatibay sa konstitusyon noong 1789, muling inorganisa na magkaroon ng tatlong sangay ang pederalismo, sa layuning mapahusay ang mga gawaing pagsusuri at pagbabalanse. Si George Washington, na siyang nanguna sa tagumpay ng Continental Army, ang unang inihalal na pangulo sa ilalim ng bagong konstitusyon. Inaprubahan ang Bill of Rights noong 1791, na nagbigay ng higit na kalayaan sa mga mamamayan at garantiya ng legal na proteksyon mula sa pamahalaan.

Bagaman hindi direktang nakibahagi ang pederalismo sa mga slave trade sa Atlantiko noong 1807, lumaganap noong 1820 ang pagsasaka at pagbebenta ng cotton crop sa Dulong Timog, at kasabay nito, ang pang-aalipin. Ang Ikalawang Great Awakening, lalo na noong mga taon ng 1800 hanggang 1840, ay nagkumberte sa milyon-milyong mamamayan sa Protestantismo. Pinasigla naman nito ang mga mamamayan sa Hilaga na magsagawa ng iba’t ibang kilusang panlipunan para sa pagbabago, kasama na ang paglansag sa di-makatarungang pang-aalipin. Sa Timog, nagsagawa ng pangungumberte ang mga Metodista at Baptist sa mga mamamayang alipin.

Pag-aangkin ng mga teritoryo para sa Estados Unidos sa pagitan ng 1783 at 1917

Sa huling bahagi ng ika-18 siglo, nagsimulang lumawak ang nasasakupan ng Amerika pakanluran, na nag-udyok ng mahabang serye ng Pakikidigma sa mga Amerikanong Indian. Halos dinoble ng Louisiana Purchase noong 1803 ang sakop ng bansa, isinuko naman ng Espanya ang Florida at iba pang mga teritoryo sa Gulf Coast noong 1819, ang Republika ng Texas ay isinama noong 1845, at napasakamay ng Estados Unidos ang mga teritoryo sa Hilagang-kanluran noong 1846 bilang kasunduan nila sa Britanya na napag-usapan sa Oregon Treaty. Nang manalo sila sa Digmaang Mexicano-Amerikano, isinuko ng Mexico ang California noong 1848 at ang mga teritoryo sa Timog-kanluran, kaya nagawa na ng Estados Unidos na sakupin ang kontinente.

Ang California Gold Rush ng 1848-1849 ay nagdulot ng malawakang pagdarayuhan patungong Pacific coast, na humantong sa genocide sa California at paglikha ng karagdagang mga estado sa kanluran. Ang pagbibigay ng mga lupain sa mga puting Europeano bilang bahagi ng Homestead Acts, na halos 10% ng kabuuan ng Estados Unidos, at sa mga pribadong kompanya ng riles at kolehiyo bilang bahagi ng paggagawad ng mga lupain ay lalong nagpaunlad sa ekonomiya. Matapos ang Civil War, ang paggawa ng mga bagong transcontinental railways ay nagpadali sa mga mamamayan na magpalipat-lipat at makipagkalakalan, pero naging madali rin ang panunupil sa mga katutubong Amerikano. Noong 1869, isang bagong Peace Policy ang ipinanukala, na sinasabing magpoprotekta sa mga katutubong Amerikano mula sa mga pang-aabuso, huwag masangkot sa digmaan, at mapagtibay ang kanilang pagkamamamayan sa Amerika. Magkagayunman, nagkaroon pa rin ng mga digmaan at alitan sa mga estado sa kanluran hanggang noong dekada na 1900.

Mga estado at teritoryo ng Estados Unidos[baguhin | baguhin ang wikitext]

AlabamaAlaskaArizonaArkansasCaliforniaColoradoConnecticutDelawareFloridaGeorgiaHawaiiIdahoIllinoisIndianaIowaKansasKentuckyLouisianaMaineMarylandMassachusettsMichiganMinnesotaMississippiMissouriMontanaNebraskaNevadaNew HampshireNew JerseyNew MexicoNew YorkNorth CarolinaNorth DakotaOhioOklahomaOregonPennsylvaniaRhode IslandSouth CarolinaSouth DakotaTennesseeTexasUtahVermontVirginiaWashingtonWest VirginiaWisconsinWyomingDelawareMarylandNew HampshireNew JerseyMassachusettsConnecticutDistrict of ColumbiaWest VirginiaVermontRhode Island
Mga 50 Estado ng Estados Unidos ng America
Watawat, pangalan at
postal abbreviation[3]
Mga siyudad Ratipikasyon o
pag-anib[A]
Populasyon
[5]
Kabuuang lawak[6] Area (lawak) ng lupain[6] Lawak ng Tubig[6] Bilang ng mga
Kinatawan sa Kongreso.
Kabisera Largest[7] mi2 km2 mi2 km2 mi2 km2
 Alabama AL Montgomery Huntsville Dis 14, 1819
5,024,279
52,420 135,767 50,645 131,171 1,775 4,597
7
 Alaska AK Juneau Anchorage Ene 3, 1959
733,391
665,384 1,723,337 570,641 1,477,953 94,743 245,384
1
 Arizona AZ Phoenix Peb 14, 1912
7,151,502
113,990 295,234 113,594 294,207 396 1,026
9
 Arkansas AR Little Rock Hun 15, 1836
3,011,524
53,179 137,732 52,035 134,771 1,143 2,961
4
 California CA Sacramento Los Angeles Set 9, 1850
39,538,223
163,695 423,967 155,779 403,466 7,916 20,501
53
 Colorado CO Denver Ago 1, 1876
5,773,714
104,094 269,601 103,642 268,431 452 1,170
7
 Connecticut CT Hartford Bridgeport Ene 9, 1788
3,605,944
5,543 14,357 4,842 12,542 701 1,816
5
 Delaware DE Dover Wilmington Dis 7, 1787
989,948
2,489 6,446 1,949 5,047 540 1,399
1
 Florida FL Tallahassee Jacksonville Mar 3, 1845
21,538,187
65,758 170,312 53,625 138,887 12,133 31,424
27
 Georgia GA Atlanta Ene 2, 1788
10,711,908
59,425 153,910 57,513 148,959 1,912 4,951
14
 Hawaii HI Honolulu Ago 21, 1959
1,455,271
10,932 28,313 6,423 16,635 4,509 11,678
2
 Idaho ID Boise Hul 3, 1890
1,839,106
83,569 216,443 82,643 214,045 926 2,398
2
 Illinois IL Springfield Chicago Dis 3, 1818
12,812,508
57,914 149,995 55,519 143,793 2,395 6,202
18
 Indiana IN Indianapolis Dis 11, 1816
6,785,528
36,420 94,326 35,826 92,789 593 1,537
9
 Iowa IA Des Moines Dis 28, 1846
3,190,369
56,273 145,746 55,857 144,669 416 1,077
4
 Kansas KS Topeka Wichita Ene 29, 1861
2,937,880
82,278 213,100 81,759 211,754 520 1,346
4
 Kentucky[B] KY Frankfort Louisville Hun 1, 1792
4,505,836
40,408 104,656 39,486 102,269 921 2,387
6
 Louisiana LA Baton Rouge New Orleans Abr 30, 1812
4,657,757
52,378 135,659 43,204 111,898 9,174 23,761
6
 Maine ME Augusta Portland Mar 15, 1820
1,362,359
35,380 91,633 30,843 79,883 4,537 11,750
2
 Maryland MD Annapolis Baltimore Abr 28, 1788
6,177,224
12,406 32,131 9,707 25,142 2,699 6,990
8
 Massachusetts[B] MA Boston Peb 6, 1788
7,029,917
10,554 27,336 7,800 20,202 2,754 7,134
9
 Michigan MI Lansing Detroit Ene 26, 1837
10,077,331
96,714 250,487 56,539 146,435 40,175 104,052
14
 Minnesota MN St. Paul Minneapolis May 11, 1858
5,706,494
86,936 225,163 79,627 206,232 7,309 18,930
8
 Mississippi MS Jackson Dis 10, 1817
2,961,279
48,432 125,438 46,923 121,531 1,508 3,907
4
 Missouri MO Jefferson City Kansas City Ago 10, 1821
6,154,913
69,707 180,540 68,742 178,040 965 2,501
8
 Montana MT Helena Billings Nob 8, 1889
1,084,225
147,040 380,831 145,546 376,962 1,494 3,869
1
 Nebraska NE Lincoln Omaha Mar 1, 1867
1,961,504
77,348 200,330 76,824 198,974 524 1,356
3
 Nevada NV Carson City Las Vegas Okt 31, 1864
3,104,614
110,572 286,380 109,781 284,332 791 2,048
4
 New Hampshire NH Concord Manchester Hun 21, 1788
1,377,529
9,349 24,214 8,953 23,187 397 1,027
2
 New Jersey NJ Trenton Newark Dis 18, 1787
9,288,994
8,723 22,591 7,354 19,047 1,368 3,544
12
 New Mexico NM Santa Fe Albuquerque Ene 6, 1912
2,117,522
121,590 314,917 121,298 314,161 292 757
3
 New York NY Albany New York City Hul 26, 1788
20,201,249
54,555 141,297 47,126 122,057 7,429 19,240
27
 North Carolina NC Raleigh Charlotte Nob 21, 1789
10,439,388
53,819 139,391 48,618 125,920 5,201 13,471
13
 North Dakota ND Bismarck Fargo Nob 2, 1889
779,094
70,698 183,108 69,001 178,711 1,698 4,397
1
 Ohio OH Columbus Mar 1, 1803
11,799,448
44,826 116,098 40,861 105,829 3,965 10,269
16
 Oklahoma OK Oklahoma City Nob 16, 1907
3,959,353
69,899 181,037 68,595 177,660 1,304 3,377
5
 Oregon OR Salem Portland Peb 14, 1859
4,237,256
98,379 254,799 95,988 248,608 2,391 6,191
5
 Pennsylvania[B] PA Harrisburg Philadelphia Dis 12, 1787
13,002,700
46,054 119,280 44,743 115,883 1,312 3,397
18
 Rhode Island RI Providence May 29, 1790
1,097,379
1,545 4,001 1,034 2,678 511 1,324
2
 South Carolina SC Columbia Charleston May 23, 1788
5,118,425
32,020 82,933 30,061 77,857 1,960 5,076
7
 South Dakota SD Pierre Sioux Falls Nob 2, 1889
886,667
77,116 199,729 75,811 196,350 1,305 3,379
1
 Tennessee TN Nashville Hun 1, 1796
6,910,840
42,144 109,153 41,235 106,798 909 2,355
9
 Texas TX Austin Houston Dis 29, 1845
29,145,505
268,596 695,662 261,232 676,587 7,365 19,075
36
 Utah UT Salt Lake City Ene 4, 1896
3,271,616
84,897 219,882 82,170 212,818 2,727 7,064
4
 Vermont VT Montpelier Burlington Mar 4, 1791
643,077
9,616 24,906 9,217 23,871 400 1,035
1
 Virginia[B] VA Richmond Virginia Beach Hun 25, 1788
8,631,393
42,775 110,787 39,490 102,279 3,285 8,508
11
 Washington WA Olympia Seattle Nob 11, 1889
7,705,281
71,298 184,661 66,456 172,119 4,842 12,542
10
 West Virginia WV Charleston Hun 20, 1863
1,793,716
24,230 62,756 24,038 62,259 192 497
3
 Wisconsin WI Madison Milwaukee May 29, 1848
5,893,718
65,496 169,635 54,158 140,268 11,339 29,367
8
 Wyoming WY Cheyenne Hul 10, 1890
576,851
97,813 253,335 97,093 251,470 720 1,864
1

Distritong Pederal[baguhin | baguhin ang wikitext]

Distritong Pederal ng Estados Unidos
Pangalan at
postal abbreviation[3]
Itinatag Populasyon
[5]
Kabuuang Lawak[6] Lawak ng Lupain[6] Lawak ng Katubigan[6] Bilang ng mga kinatawan sa Kongreso
mi2 km2 mi2 km2 mi2 km2
 District of Columbia DC Hulyo 16, 1790[8] 689,545 68 176 61 158 7 18

Mga Teritoryo[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang talaang ito ay hindi kinabibilangan ng mga Indian reservation na may limitadong soberanyang pangtribo o ang Freely Associated States na sumasali sa mga programa ng pamahalaan ng Estados Unidos ngunit hindo nasa ilalim ng soberanya ng Estados Unidos.

     States and federal district Padron:In5      Inhabited territories Padron:In5      Uninhabited territories

Mga tinitirhang teritoryo[baguhin | baguhin ang wikitext]

Mga tinitirhang teritoryo sa Estados Unidos
Pangalan at
postal abbreviation[3]
Kabisera Nakuha
[10]
Territorial status[11] Population[5][12] Kabuuang Lawak[6] Lawak ng Lupain[6] Lawak ng Katubigan[6] Bilang ng mga kinatawan sa Kongreso
mi2 km2 mi2 km2 mi2 km2
 American Samoa AS Pago Pago[13] 1900
49,710
581 1,505 76 198 505 1,307
 Guam GU Hagåtña[15] 1899
Unincorporated, organized
153,836
571 1,478 210 543 361 935
 Northern Mariana Islands MP Saipan[16] 1986
Unincorporated, organized[E]
47,329
1,976 5,117 182 472 1,793 4,644
 Puerto Rico PR San Juan[17] 1899
Unincorporated, organized[E]
3,285,874
5,325 13,791 3,424 8,868 1,901 4,924
 U.S. Virgin Islands VI Charlotte Amalie[18] 1917
Unincorporated, organized
87,146
733 1,898 134 348 599 1,550

Hindi tinitirhang mga teritoryo[baguhin | baguhin ang wikitext]

Mga teritoryo ng Estados Unidos nang walang katutubong populasyon
Pangalan Nakuha[10] Estadong pangteritoryo[11] Lawak ng lupain[G]
mi2 km2
Baker Island[19] 1856 0.9 2.2
Howland Island[19] 1858
Unincorporated, unorganized
0.6 1.6
Jarvis Island[20] 1856
Unincorporated, unorganized
2.2 5.7
Johnston Atoll[21] 1859
Unincorporated, unorganized
1 2.6
Kingman Reef[22] 1860
Unincorporated, unorganized
0.005 0.01
Midway Atoll[H][24] 1867
Unincorporated, unorganized
3 7.8
Navassa Island[25] 1858[I]
Unincorporated, unorganized
3 7.8
Palmyra Atoll[J][27] 1898
Incorporated, unorganized
1.5 3.9
Wake Island[K][28] 1899[L]
Unincorporated, unorganized
2.5 6.5

Mga pinagtatalunang teritoryo[baguhin | baguhin ang wikitext]

Mga inaangking teritoryo ngunit hindi pinamamahalaan ng Estados Unidos
Pangalan Inangkin
[10]
Territorial status[30] Lawak Pinamamahalaan ni[30] Inaangkin rin ni[30]
mi2 km2
Bajo Nuevo Bank (Petrel Island)[10] 1869
Unincorporated, unorganized
(disputed sovereignty)
56 145[M][31]  Colombia  Jamaica
 Nicaragua
Serranilla Bank[10] 1880
Unincorporated, unorganized
(disputed sovereignty)
463 1,200[N][32]  Colombia  Honduras
 Nicaragua

Mga exclave[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang sumusunod ay isang listahan ng mga internasyonal na mga exclave sa Estados Unidos. Ang mga ito ay matatagpuan lahat sa mainland Estados Unidos. Ang isang exclave ay isang bahagi ng isang estado sa heograpiya na nakahiwalay mula sa pangunahing bahagi ng nakapalibot na dayuhan teritoryo. Ito ang ilan sa lahat:

Denali, Alaska, ang pinakamataas na punto sa Hilagang Amerika.
Ang Grand Canyon mula sa Moran Point.
Niagara Falls, New York.

Bilang pangatlong pinakamalaking bansa sa buong mundo (sa kabuuang sukat), ang paysahe at mga tanawin sa Estados Unidos ay magkakaiba: lupang kakahuyang katamtaman (temperate forest) sa Silangang baybayin, bakawan sa Florida, ang Malaking Kapatagan sa gitang bahagi ng bansa, ang sistemang Ilog Mississippi-Missouri, ang Great Lakes na parte rin ng sa Canada, Rockies na nasa kanluran ng kapatagan, ilang disyerto at sonang katamtaman sa baybaying kanluran ng Rockies, at mga kagubatang katamtaman (temperate rainforest) sa bahaging Pasipiko ng Hilagang-Kanluran. Dagdag paysahe din ang Alaska at mga mabulkang pulo ng Hawaii.

Ang klima ay iba-iba rin: tropikal sa Hawaii at timog Florida, at tundra naman sa Alaska at sa mga tuktok ng matataas na bundok (pati ng Hawaii). Karamihan sa mga bahaging Hilaga at Silangan ay dumaranas ng klimang kontinental-katamtaman, may mainit na tag-araw at malamig na taglamig. Ang timog bahagi ng bansa naman ay dumaranas ng subtropikal na klimang umedo na may katamtamang taglamig at mahahaba at umedong tag-araw.

Mga sentro ng populasyon[baguhin | baguhin ang wikitext]

Pangunahing mga sentro ng populasyon (tingnan ang kompletong talaan)
Ranggo Pusod na (mga) lungsod Populasyon ng kalakhang pook Pang-estadistika na Kalakhang Pook Rehiyon[33]
New York
Lungsod ng New York

Los Angeles
Los Angeles

Chicago
Chicago

Dallas
Dallas

Dallas
Houston
1 Lungsod ng New York 19,979,477 New York–Newark–Jersey City, NY–NJ–PA MSA Hilagang-silangan
2 Los Angeles 13,291,486 Los Angeles–Long Beach–Anaheim, CA MSA Kanluran
3 Chicago 9,498,716 Chicago–Joliet–Naperville, IL–IN–WI MSA Gitnang-kanluran
4 Dallas–Fort Worth 7,539,711 Dallas–Fort Worth–Arlington, TX MSA Timog
5 Houston 6,997,384 Houston–The Woodlands–Sugar Land MSA Timog
6 Washington, D.C. 6,249,950 Washington, D.C.–VA–MD–WV MSA Timog
7 Miami 6,198,782 Miami–Fort Lauderdale–West Palm Beach, FL MSA Timog
8 Philadelphia 6,096,372 Philadelphia–Camden–Wilmington, PA–NJ–DE–MD MSA Hilagang-silangan
9 Atlanta 5,949,951 Atlanta–Sandy Springs–Roswell, GA MSA Timog
10 Boston 4,875,390 Boston–Cambridge–Quincy, MA–NH MSA Hilagang-silangan
11 Phoenix 4,857,962 Phoenix–Mesa–Chandler, AZ MSA Kanluran
12 San Francisco 4,729,484 San Francisco–Oakland–Fremont, CA MSA Kanluran
13 Riverside–San Bernardino 4,662,361 Riverside–San Bernardino–Ontario, CA MSA Kanluran
14 Detroit 4,326,442 Detroit–Warren–Dearborn, MI MSA Gitnang-kanluran
15 Seattle 3,939,363 Seattle–Tacoma–Bellevue, WA MSA Kanluran
16 Minneapolis–St. Paul 3,629,190 Minneapolis–St. Paul–Bloomington, MN–WI MSA Gitnang-kanluran
17 San Diego 3,343,364 San Diego–Carlsbad–San Marcos, CA MSA Kanluran
18 Tampa–St. Petersburg 3,142,663 Tampa–St. Petersburg–Clearwater, FL MSA Timog
19 Denver 2,932,415 Denver–Aurora–Lakewood, CO MSA Kanluran
20 St. Louis 2,805,465 St. Louis, MO-IL MSA Gitnang-kanluran
Batay sa mga pagtataya ng populasyong MSA (Pang-estadistika na Kalakhang Pook) para sa taong 2018 mula sa Kawanihan ng Senso ng Estados Unidos

Lahi[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang mga lahing ito ang mga bumubuo sa lupain ng Estados Unidos:

1. Europeo: 171,801,940 Amerikano – 60.7% ng buong populasyon ng Amerika

2. Espanyol (Hispanikong at Latinong Amerikano): 44,300,000 Amerikano – 14.8% ng buong populasyon ng Amerika

3. Aprikano (Aprikanong Amerikano): 39,500,000 Amerikano – 11.8% ng buong populasyon ng Amerika

4. Pilipino: 4,000,000 Amerikano – 1.5% ng buong populasyon ng Amerika; karamihan ay mga nasa-ibang-bansa

5. Tsino: 3,565,458 Amerikano – 1.2% ng buong populasyon ng Amerika

6. Hapones: 1,469,637 Amerikano – 0.44% ng buong populasyon ng Amerika

7. Biyetnames: 2,162,610 Amerikano – 0.7% ng buong populasyon ng Amerika

8. Taiwanes: 193,365–900,595 Amerikano – 0.06%–0.3% ng buong populasyon ng Amerika

Mga wikang ginagamit sa Estados Unidos[baguhin | baguhin ang wikitext]

Isang basurahan sa Seattle na may karatula sa apat na wika: Ingles, Tsino, Biyetnamita at Kastila (gumagamit ang Tagalog ng parehong salita tulad ng sa Kastila)

Ayon sa ACS noong 2017, ang pinakakaraniwang mga wikang sinasalita sa bahay ng mga taong mula 5 taong gulang at pataas ang sumusunod:[34][35]

  1. Ingles lamang – 239 milyon (78.2%)
  2. Kastila – 41 milyon (13.4%)
  3. Tsino (kabilang ang Mandarin, Kantones, Hokkien at iba pa) – 3.5 milyon (1.1%)
  4. Tagalog (o Filipino) – 1.7 milyon (0.6%)
  5. Biyetnamita – 1.5 milyon (0.5%)
  6. Arabe – 1.2 milyon
  7. Pranses – 1.2 milyon
  8. Koreano – 1.1 milyon
  9. Ruso – 0.94 milyon
  10. Aleman – 0.92 milyon
  11. Haitiyanong Kriolyo – 0.87 milyon
  12. Hindi – 0.86 milyon
  13. Portuges – 0.79 milyon
  14. Italyano – 0.58 milyon
  15. Polako – 0.52 milyon
  16. Yidis – 0.51 milyon
  17. Hapones – 0.46 milyon
  18. Persa (kabilang ang Farsi, Dari at Tayiko) – 0.42 milyon
  19. Gujarati – 0.41 milyon
  20. Telugu – 0.37 milyon
  21. Bengali – 0.32 milyon
  22. Tai–Kadai (kabilang ang Thai at Lao) – 0.31 milyon
  23. Urdu – 0.3 milyon
  24. Griyego – 0.27 milyon
  25. Punjabi – 0.29 milyon
  26. Tamil – 0.27 milyon
  27. Armenyo – 0.24 milyon
  28. Serbokroata (kabilang Bosniyo, Kroato, Montenegrino, at Serbiyo) – 0.24 milyon
  29. Hebreo – 0.23 milyon
  30. Hmong – 0.22 milyon
  31. Mga wikang Bantu (kabilang ang Swahili) – 0.22 milyon
  32. Hemer – 0.20 milyon
  33. Navajo – 0.16 milyon
  34. Ibang mga wikang Indo-Europeo – 578,492
  35. Ibang mga wikang Aproasyatika – 521,932
  36. Ibang mga wikang Niger–Congo – 515,629
  37. Ibang mga wikang Kanlurang Hermaniko – 487,675
  38. Ibang mga wikang Awstronesyo – 467,718
  39. Ibang mga wikang Indoarya – 409,631
  40. Ibang mga wika ng Asya – 384,154
  41. Ibang mga wikang Eslabo – 338,644
  42. Ibang mga wikang Drabida – 241,678
  43. Ibang mga wika ng Hilagang Amerika – 195,550
  44. Iba at hindi matukoy na wika – 258,257

Pamahalaan at politika[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang Kapitolyo ng Estados Unidos sa Washington, DC, kinalalagyan ng Kongreso ng US, ang sangay lehislatibo ng pamahalaan ng Estados Unidos
Si Joe Biden, ang kasalukuyang Pangulo ng Estados Unidos
Si Kamala Harris, ang kasalukyang Pangalawang Pangulo ng Estados Unidos.
Si Mike Johnson, ang kasalukuyang Ispiker ng Mababang Kapulungan ng Estados Unidos.

Binubuo ng limampung estado ang Amerika na may limitadong awtonomiya at kung saan ang batas federal ang nananaig sa batas ng estado. Sa pangkalahatan, ang mga usapin sa loob ng hangganan ng mga estado ay saklaw ng kani-kanilang mga pamahalaang estado. Nabibilang dito ang panloobang komunikasyon; mga regulasyong may kinalaman sa pag-aari, industrya, negosyo, at kagamitang pampubliko; ang kodigong kriminal ng estado; at mga kondisyon ng pagtatrabaho sa loob ng estado. Pumapailalim ang Distrito ng Kolumbiya sa hurisdiksiyon ng Kongreso ng Estados Unidos, at may limitadong alituntuning lokal.

Ang saligang batas ng iba't ibang estado ay may pagkakaiba sa ilang detalye ngunit kapwa sumusunod sa iisang huwarang tulad ng sa Saligang Batas federal, kabilang dito ang pahayag sa karapatang pantao at ang plano ng pagbubuo ng gobyerno. Sa mga usaping gaya ng pagpapatakbo ng negosyo, mga bangko, kagamitang pampubliko at mga kawang-gawang institusyon, ang saligang batas ng bawat estado ay kadalasang mas detalyado at klaro kaysa sa Saligang Batas federal. Sa mga nakalipas na taon, umako ng mas malawak na responsibilidad ang pamahalaang federal sa mga bagay-bagay gaya ng kalusugan, edukasyon, kapakanan, transportasyon, pabahay, at pagsulong urban.

Binubuo ng tatlong sangay ang pamahalaang pederal: ang ehekutibo (pinamumunuan ng Pangulo), ang lehislatura (ang Kongreso), at ang hudikatura (pinamumunuan ng Korte Suprema). Nahahalal ang pangulo sa isang mandato ng apat na taon ng Electoral College, na nahihirang sa botong popular sa limampung estado. Nahahalal naman ang mga miyembro ng Konggreso sa mandato ng 2 taon sa Kamara ng mga Kinatawan at ng 6 taon sa Senado. Tinatakda ng Pangulo ang mga huwes ng Korte Suprema at may pahintulot ng Senado sa pagkakaroon ng hindi limitadong termino. Kinokopya ng modelong tripartite na ito ng pamahalaan sa antas ng estado sa pangkalahatan. May iba't ibang anyo ang mga lokal na pamahalaan.

Pinamamayanihan ang pamahalaang pederal at pang-estado ang dalawang pangunahing partidong pampolitika, ang mga Republikano (Republicans) at ang mga Demokrata (Democrats). Mayroong ding ibang maliliit na partido; ngunit hindi sila nakakapanghikayat ng kasindaming tagasuporta. Sa kabuuan, nangingibabaw ang tulad ng sa right wing ng mga demokrasya sa Europa ang kulturang pampolitika sa Estados Unidos at madalas na nakikitungo sa iba't ibang usapin. Mahirap tukuyin ang kategoryang kinabibilangan ng dalawang partidong ito. Sa kulturang pampolitika ng Estados Unidos, mailalarawan ang Partido Republikano bilang right-wing at ang Partido Demokrata naman ay center-left. Ang mga kandidato ng mga partido menor at independiente ay bihirang nahahalal, at kung nahalal man ay sa lokal o estado lamang, ngunit sa sistema ng politika ng bansa, nananaig ang mga "hakot partido" sa mga koalisyon. Ang mga patakaran at ideolohiya ng kasalukuyang Pangulo ng Estados Unidos ang may malaking ginagampanan sa patakbo ng kanyang partido, pati na rin sa plataporma ng oposisyon.

Pagkakalahating Pampolitika[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang Estados Unidos ay isang unyong pederal na may limampung estado. Ang orihinal na labintaltong estado ay ang unang labintatlong kolonya na nag-aklas mula sa pamumuno ng mga Ingles. Noong unang bahagi ng kasaysayan ng bansa, tatlong bagong mga estado ang binuo mula sa mga teritoryo galing na sa umiiral na mga estado: ang Kentucky mula sa Virginia; Tennessee mula sa North Carolina; at Maine mula sa Massachusetts. Karamihan sa ibang mga estado ay nanggaling sa mga teritoryong nakuha mula sa mga digmaan o sa mga nabili ng pamahalaan ng Estados Unidos. Taliwas dito ang nangyari sa Vermont, Texas at Hawaii: ang bawat isang ito ay dating malalayang republika bago sumali sa unyon. Noong Digmaang Sibil ng Amerika humiwalay ang Kanlurang Virginia sa Virginia. Ang pinakabagong estado - ang Hawaii - ay natamasa ang pagiging isang ganap na estado noong Agosto 21, 1959.[36]

Bumuo ang labintatlong kolonya, sa Deklarasyon ng Kalayaan ng Estados Unidos, ng kani-kanilang bayang estado na katulad ng mga bansa sa Europa noon. Sa mga sumunod na taon, dumami ang bilang ng mga estado sa Amerika dahil sa paglawak nitong pakanluran, sa pananakop at pagbibili ng mga lupa ng pamahalaang pambansa, at sa paghahati ng ilang estado, nauwi sa kasalukuyang bilang na limampu. Pangkalahatang nahahati ang mga estado sa mas maliit na rehiyong administratibo, kabilang ang mga kondado o "county", mga lungsod at mga pamayanan o "township".

May hawak din ang bansa sa ilang mga teritoryo, distrito at pag-aari, nangunguna na ang distrito pederal ng Distrito ng Kolumbiya na siyang kabisera ng bansa, ilang mga lugar na insular sa ibayong dagat tulad ng Portoriko, Samoa Amerikana, Guam, Kapuluang Hilagang Mariyana, at Kapuluang Birhen ng Amerika. Nakapanghawak ang bansa sa isang base ng hukbong pandagat sa inookupahang bahagi ng Look ng Guwantanamo sa Kuba mula 1898.

Walang pag-aangking teritoryal ang Estados Unidos sa Antartika ngunit nakapagreserba ng karapatang gawin ito.

Ekonomiya ng Estados Unidos
New York City, ang sentrong pananalapi ng Estados Unidos at buong mundo.[37]
SalapiUnited States dollar (USD) Increase
Oktubre 1, 2021 – Setyembre 30, 2022
Trade organizations
WTO, OECD at iba pa
Uri ng bansa
Estadistika
PopulasyonIncrease 332,564,727 (16-Mar-2022)[40][41]
GDPIncrease $24.8 trilyon (2021)[42]
GDP ranggo
GDP growth
  • 2.3% (2019) –3.4% (2020)
  • 5.6% (2021e) 3.7% (2022f)[43]
GDP kada tao
Increase $74,725 (est 2022)[42][44]
GDP kada tao ranggo
GDP ayon sa sector
GDP ayon sa sangkap
  • Pagkonsumo ng sambahayan: 68.4%
  • Pagkonsumo o paggasta ng Gobyerno: 17.3%
  • Puhunan sa nakatakdan kapital: 17.2%
  • Pamumuhan sa mga imbentoryo: 0.1%
  • Pagluwas ng mga produktExporto at serbisyo: 12.1%
  • Pang-aangkat ng mga kalakal at mga serbisyo: −15%
  • (2017 est.)[45]
Populasyon sa ilalim linya ng kahirapan
(bilang ng mga pinakamahirap)
  • Negative increase 11.4% (2020)[46]
  • Negative increase 37.2 milyon (2020)[46]
Bilang ng manggagawa
  • Increase 161.4 million (October 2021)[51]
  • Increase 58.8% employment rate (October 2021)[51]
Mga manggawa ayon sa trabaho
Kawalang trabaho
  • Positive decrease 3.8% (February 2022)[51]
  • Positive decrease 10.9% youth unemployment (December 2021; 16 to 19 year-olds)[51]
  • Positive decrease 6.9 million unemployed (November 2021)[51]
Aberaheng kabuuang sahod
Padron:IncreasePositive $69,392 (2020)[53]
Gitnang buong sahod
Increase $1,010 weekly (Q4, 2021)[54]
Mga pangunahing industriya
External
Mga niluluwasDecrease $2.127 trillion (2020)[55]
Mga niluluwas na kalakal
Pangunahing mga kaagapay sa pagluluwas
Mga inaangkatDecrease $2.808 trillion (2020)[55]
Mga inaangkat na kalakal
Pangunahing mga kaagapay sa pagluluwas
FDI stock
  • Increase Inward: $156.3 billion (2020)[58]
  • Increase Outward: $92.8 billion (2020)[59]
Decrease −$501.3 billion (2020 est.)[60]
Negative increase $21.3 trillion (December 2020)[61] note: approximately four-fifths of US external debt is denominated in US dollars[60]
Mga pinansiya ng Publiko
Negative increase 128.6% of GDP (FY 2020)[62]
Mga kinita$3.42 trillion (2020)[63]
Mga gastusin$6.55 trillion (2020)[64]
Tulong pang-ekonomiyadonor: ODA, $35.26 billion (2017)[65]


Foreign reserves
$41.8 billion (August 2020)[71]
Main data source: CIA World Fact Book
Ang lahat ng halaga, maliban kung iba ang nakasaad, ay nasa US dollars.

Ang Estados Unidos ay isang mayaman at maunlad na bansa na may ekonomiyang pamilihan[72] at ang may pinakamalaking nominal na GDP at kabuuang yaman. Ito ang ikalawang bansa sa buong mundo na may kakayahan sa pagbili ng mga mamamayan nito.[73] Ito ang ika siyam na bansa sa buong mundo sa kada taong nominal na GDP at ika-15 sa kada taong Paridad ng Kakayahang Pagbili noong 2021.[74] Ang Estados Unidos ang pinakamakapangyarihan sa usaping ekonomiyang pangteknolohiya at paglikha ng mga bagong ideya at produkto lalo na intelihensiyang artipisyal, kompyuter, parmasyutikal, medikal, pangkalawakan at kagamitang panghukbo.[75] Ang Dolyar ng Estados Unidos ang salaping pinakaginagamit sa mga transaksiyon sa buong mundo at ang pinakainiimbak na salapi na sinusuportahan ng ekonomiya ng Estados Unidos, militar ng Estados Unido, sistemang petrodolyar at ang kaugnay na eurodollar at malaking pamilihan ng US Treasury.[76][77] Ang ilang mga bansa ay gumagamit sa US dollar bilang de factor currency.[78][79] Kabilang sa mga kasamang nakikipagkalakalan sa Estados Unidos ang Tsina, European Union, Canada, Mexico, India, Japan, Timog Korea, United Kingdom, at Taiwan.[80] Ang Estados Unidos ang pinakamalaking tagapag-angkat at ang ikalawang pinakamalaking tagapagaluwas.[81] Ito ay may kasunduan sa malayang kalakalan sa ilang mga bansa kasama ang USMCA, Australia, Timog Korea, Switzerland, Israel at marami pang iba.[82]

Ang ekonomiya nito ay sinasanhi ng masagang mga mapagkukunan sa kalikasan, mahusay na pinaunlad na mga imprastruktura at malaking produktibidad o pagiging produktibo ng mga mamamayan nito.[83] Ito ay may ika-7 malaking kabuuang halaga ng mapagkukunang pangkalikasan na nagkakahalagang US$45 trilyon noong 2015.[84]

Ang mga Amerikano ang may pinakamataas na sahod ng empleyado at pangbahay sa mga bansang kasapi ng OECD.[85]

Noong 1890, nalampasan ng Estados Unidos ang Imperyong British bilang pinakaproduktibo o mapakinabangan na ekonomiya sa buong mundo.[86] Ito ang pinakamalaking prodyuser ng petrolyo at natural gas.[87] Noong 2016, ito ang pinakamalaking bansang nakikipagkalakalan.[88]. Ito rin ang ikatlong pinakamalaki sa pagmamanupaktura ng mga produkto na kumakatawan bilang ikalima sa output ng pagmamanupaktura sa buong mundo.[89] Hindi lamang ito ang mayroong pinakamalaking panloob na pamilihan ng mga produkto ngunit nangunguna sa kalakalan ng mga serbisyo na nagkakahalagang $4.2 trilyon noong 2018.[90] Sa 500 pinakamalalaking kompanya sa buong mundo, ang 121 ay nakaheadquarter sa Estados Unidos.[91] Ang Estados Unidos ang bansa sa buong mundo na may pinakamaraming bilyonaryo na may kabuuang halagang $3 trilyong dolyar.[92][93]

Ang mga komersiyal na banko sa Estados Unido ay may ariariang $20 trillion noong 2020.[94] Ang US Global assets under management ay mayroong ariariang $30 trilyon.[95][96]

Ang New York Stock Exchange at Nasdaq ang pinakamalaking mga pamilihan ng stock ayon sa kapitalisasyon ng pamilihan at bolyum ng kalakalan.[97][98] Ang mga pamumuhunang pandayuhan sa Estados Unidos ay umabot ng $4.0 trilyon,[99] samantalang ang pamumuhuan ng Estados Unidos sa mga dayuhang bansa ay umabot ng higit sa $5.6 trilyon.[100] Ang ekonomiya ng Estados Unidos ay nangunguna sa venture capital[101] at pagpopondo sa Pandaigdigang Pananaliksik at Pagpapaunlad.[102] Ang paggasta ng mga konsumer ay bumubuo ng 68% ng ekonomiya ng Estados Unidos noong 2018,[103] samantalang ang bahaging paggawang sahod ay 43% noong 2017.[104] Ito ang ikatlong bansa na pinakamalaking merkado ng mga mamimili.[105] Ang pamilihan ng mga trabaho ay umaakit ng mga immigrante mula sa iba ibang bansa na karaniwan ay edukado dahil sa mas maraming oportunidad sa Estados Unidos.[106] Ang Estados ay nangungunang ekonomiya ayons sa mga pag-aaral gaya ng Index ng Madaling Pagnegosyo sa bansa, Ulat ng Pagiging Kompetetibo sa Buong Mundo at iba pa.[107] Ang Ekonomiya ng Estados Unidos ay dumanas ng malalang pagbagsak ng ekonomiya noong recession noong mga 2007-2009 na dulot ng subprime mortgage crisis at lumaganap sa buong mundo.[108][109][110][111] Ang Estados Unidos ang ika-41 sa pagiging pantay ng sahod ng mga mamamayan sa mga 156 bansa noong 2017.[112].[113]

Welfare at mga serbisyong panlipunan[baguhin | baguhin ang wikitext]

Hindi kasama ang Social Security at Medicare, ang Kongreso ng Estados Unidos ay naglaan ng halos $717 bilyon sa mga pondong pederal noong 2010 at karagdagang $210 bilyon ay inilaan sa mga pondo ng estado ($927 bilyong total) para sa mga programang welfare o pagbibigay tulong sa mga nangangailangan. Ang kalahati nito ay napunta sa pangangailangang medikal at halos 40% para sa cash, pagkain (food stamps) at tulong pabahay. Ang ilan sa mga programa ay kinabibilangan ng pagpopondo sa mga paaralang pampubliko, pagsasanay para sa trabaho, mga benepisyong SSI at medicaid.[114] Magmula noong 2011, ang public social spending-to-GDP ratio sa Estados Unidos ay sa ibaba sa OECD average.[115] Ang halos kalahati ng mga tulong na welfare na nagkakahalagang $462 bilyon ay napunta sa mga pamilyang may anak na ang karamihan ay mga mag-isang nagtataguyod ng anak.[116]

Siyensiya at Teknolohiya[baguhin | baguhin ang wikitext]

Noong ika-19 na siglo, ang United Kingdom, Italya, Kanlurang Europa, Pransiya, at Alemanya ang nangunguna sa pagkakatuklas ng mga bagong ideya at kaalaman sa siyensiya at matematika.[117][118] Bagaman, nahuhuli ang Estados Unidos sa pagpormula ng teorya, ito ay nangibabaw sa paggamit ng teorya upang lutasin ang mga problema. Ito ang nilalapat na siyensiya. Dahil ang mga Amerikano ay malayo sa pinagmumulan ng siyensiyang Kanluranin at pagmamanupaktura, ang mga Amerikano ay kailangang tuklasin ang mga paggawa ng mga bagay. Nang pagsamahin ng mga Amerikano ang kaalamang teoretikal sa Katalihunang Yankee, ang resulta ay isang daloy ng mga mahahalagang imbensiyon. Ang mga mahahalagang Amerikanong imbentor ay kinabibilangan nina Robert Fulton (na nag-imbento ng steamboat); Samuel Morse (nag-imbento ng telegraph); Eli Whitney (nag-imbento ng cotton gin); Cyrus McCormick (ang reaper); at Thomas Alva Edison na siyang pinamalikhain sa lahat ng mga siyentipiko na may maraming imbensiyon na kanyang ginawa.

Unang paglipad ng Wright Flyer I, Disyembre 17, 1903, si Orville ang piloto at si Wilbur ang nagpapatakbo ng sulok ng pakpak ng eroplano.

Si Edison ay palaging ang una sa paglikha ng paglalapat siyentipiko pero siya ang palaging nagtatapos sa isang idea. Halimbawa, nilikha ng Inhinyeryong British na si Joseph Swan ang incandescent electric lamp noong 1860, halos 20 taon bago si Edison. Ngunit ang ilaw na bombilya ni Edison ay mas tumatagal sa imbensiyon ni Swan at maaaring patayin o ilawan ng indibidwal samantalang ang bombilya ni Swan ay magagamit lamang kapag ang ilang mga ilaw ay iniliywan o pinatay sa parehong panahon. Pinabuti ni Edison ang kanyang bombilya sa paglikha ng dynamo na sistemang lumilikha ng kuryente. Sa loob ng 30 taon, ang kanyang mga imbensiyon ay nagbigay kuryente o ilaw sa milyong tahanan.

Ang Astronaut na si Buzz Aldrin, piloto ng Lunar Module ng unang misyon ng paglapag sa buwan. Siya ay makikita sa tabi ng itinayong Watawat ng Estados sa ibabaw ng buwan.

Isa pang pang mahalagang aplikasyon ng mga ideyang siyentipiko sa kagamitang praktikal ang inobasyon ng magkapatid na Wilbur at Orville Wright. Noong 1980, sila ay nahumaling sa mga account ng mga eksperimentong glider sa Alemanya at kanilang sinimulan ang kanilang imbestigasyon sa mga prinsipyo ng paglipas. Sa pagsasama ng kaalamang siyentipiko at mga kakayahang mekanikal, nilikha nila ang ilang glider. Noong Disyembre 17,1993, matagumpay nilayng nailipad ang pinapatakbong mekanikal na eroplano.

Ang imbensiyong Amerikano na halos hindi napansin noong 1947 ang nagsulong sa Panahon ng Impormasyon at Kompyuter. Sa panahong ito, sina John Bardeen, William Shockley, at Walter Bratain ng Bell Laboratories ay humango sa mga sopistikadong prinsipyo ng mekanikang quantum upang imbentuhin ang transistor na maliit na mga kasangkapan ng elektroniko na pumalit sa mabibigat na vacuum tube. Ang transistor at ang integrated circuit na nilikha pagkatapos ng 10 taon ng pagkakaimbento ng transistor ang gumawang posible na maglagay ng napakaraming mga kagamitang elektoniko sa isang kompyuter o smartphone na pumalit sa mga kompyuter na kasing laki ng isang kwarto noong 1960.

Ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay nagkaroon ng malalim na epekto sa pagpapaunlad ng siyensiya at teknolohiya sa Estados Unidos. Bago ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig, ang gobyernong pederal ay walang responsibilidad sa pagsuporta ng pagpapaunlad ng siyensiya sa bansa. Noong digmaan, ang pederal na pamahalaan at siyensiya ay bumuo ng matulunguning relasyon. Pagkatapos ng digmaan, ang pederal na pamahalaan ng Estados Unidos ay nagkaroon ng tungkuling suportahan ang siyensiya at teknolohiya. Pagkalipas ng ilang taon, sinuportahan ng pamahalaang pederal ang pagtatatag ng pambansang sistema ng siyensiya at teknolohiya na gumagawa sa Estados Unidos na lider sa buong mundo sa siyensiya at teknolohiya.[119] Bahagi ng nakaraan at kasalukuyang kadakilaan ng Estados Unidos sa siyensiya ang napakalaking badyet para sa pagsasaliksik at pagpapaunlad na nagkakahalagang $401.6bn noong 2009 na doble sa badyet ng Tsina sa siyensiya na $154.1bn at higit sa 25% sa badyet sa siyensiya ng European Union na $297.9bn.[120]

Ang Estados Unidos ay nakalikha ng 278 Nobel Laureate sa Pisika, Kemika, Pisiolohiya o Medisina noong 2021 na ang unang bansa at bumubuo ng 42.5 % ng lahat ng natanggap na Gantimpalang Nobel sa buong mundo sa larangan ng Pisika, Kemika, at Pisiyolohiya.[121]

Tungkulin at Impluwensiya ng Estados sa Buong Mundo[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang Estados Unidos ang isa sa mga bansa sa buong mundo na may malaking impluwensiya sa usaping ekonomiya, kultura, wika, siyensiya, teknolohiya, karapatang pantao at kapayapaan sa buong mundo. Dahil sa mga tulong pandayuhan ng Estados Unidos sa ibang bansa lalo na sa mga mahihirap na bansa, ang mga bansang ito ay karaniwang naiimpluwensiyahan sa usaping mga karapatang pantao sa mga bansang ito dahil sa prinsipyo ng Kapantayan ng Lahat ng Tao na isinusulong ng Estados Unidos. Ang Estados Unidos ay may malaki ring papel sa pagpapanatili ng seguridad sa buong mundo. Halimbawa, nagawang matukoy at mapaslang ng Intelihensiya ng Estados Unidos ang kinarorooanan gamit ang mga sopistikadong teknolohiya ng mga nagtatagong Pinuno ng mga Organisasyong Terorista na kinabibilangan nina Osama bin Laden na pinuno ng Al Qaeda at responsable sa pag-Atake noong Setyembre 11, 2001 at Abu Bakr al-Baghdadi na pinuno ng ISIS. Dahil din sa suporta nito sa Israel, marami ang galit sa Estados Unidos. Gaya ng ibang mga bansang Kanluranin na mauunlad, ang Estados Unidos ay may kapangyarihan na magpalumpo ng mga ekonomiya ng isang bansa sa pamamagitan ng pagpapataw ng mga ekonomikong sanction gaya ng ginawa sa Cuba, Iran, North Korea at Rusya.

Sa Estados Unidos, ang kalayaan ng relihiyon ay isa sa pinoprotektahang karapatan ng mga Amerikano na nakasalig sa Saligang Batas ng Estados Unidos na matatagpuan sa mga sugnay ng relihiyon sa Unang Susog ng Saligang Batas ng Estados Unidos. Ito ay malapit na nauugnay sa paghihiwalay ng simbahan at estado na isang konseptong isinulong ng mga tagapagtatag ng Estados Unidos gaya nina James Madison at Thomas Jefferson.

Ang Unang Susog ay may dalawang probisyon na nauukol sa relihiyon: Ang Sugnay ng Establisyemento (pagtatatag) at ang Sugnay ng Malayang Pagsasanay. Ang Establisyemento ay nagbabawal sa gobyerno ng Estados Unidos na "magtatag" ng isang relihiyon. Sa kasaysayan, ito ay nangangahulugan sa pagpipigil ng mga simbahan na isinusulong ng gobyerno gaya ng Simbahan ng Inglatera. Sa kasalukuyan, ang "establisyemento ng relihiyon" ay pinangangasiwaan ng tatlong bahaging pagsubok na inilatag ng Korte Suprema ng Estados Unidos sa Lemon v Kurtzman, 403, U.S. 602 (1971). Isa ilalim ng "pagsubok na Lemon", ang gobyerno ng Estados Unidos ay maaari lamang tumulong sa isang relihiyon kapag (1) ang pangunahing layunin ng pagtulong ay sekular(hindi relihiyoso), (2) ang pagtulong ay dapat hindi nagsusulong o nagpipigil sa isang relihiyon at (3) walang labis na paghihimasok sa pagitan ng simbahan at estado.

Ang Sugnay ng Malayang Pagsasanay ay nagpoprotekta sa mga mamamayan ng Estados Unidos na magsanay ng relihiyon na kanilang nanaisin kung ito ay hindi lumalabag sa mga moralidad ng publiko o may nakakapilit na interes ang gobyerno. Halimbawa, sa Prince v. Massachusetts, 321 U.S. 158 (1944), isinaad ng Korte Suprema ng Estados Unidos na maaaring pwersahin ng estado ang pagpapabakuna ng mga bata na ang mga magulang ay hindi pumapayag dito sa kadahilanang pang-relihiyon. Isinaad ng Korte Suprema ng Estados Unidos na ang estado ay may interest na mangibabaw sa paniniwala ng mga magulang upang maprotektahan ang kalusugan ng mga mamayan ng Estados Unidos at kanilang kaligtasan.

Relihiyon sa Estados Unidos (2020)[122]

  Protestante (42%)
  Mormon (2%)
  Ateista (5%)
  Agnostic (6%)
  Hudyo (1%)
  Muslim (1%)
  Hindu (1%)
  Budista (1%)

Ang Estados Unidos ay isang kulturang indibidwalistiko na isang uri ng ng kultura na ang pagpapahalaga ay nasa isang indibidwal o sarili kesa sa isang grupo. Ang mga kulturang indidbidwal ay nagbibigay halaga sa sariling pananaw, pribasiya, autonomiya(pangangasiwa sa sariling buhay), pag-asa sa sarili at sariling sikap. Ang mga Amerikano ay gumagamit ng diretsang pakipagtalastasan, naghahayag sa sariling naisin, at gumagamit ng mga iba't ibang paraan upang maayos ang mga alitan sa ibang kapwa tao. Ang Estados Unidos ay isang uri ng may mababang pagitan ng kapangyarihan(low power distance culture) kung saan ito ay nagbibigay halaga sa bawat indibidwal na walang tinitingnang estado o katayuan sa buhay at nagtatakwil ng kawalang kapantayan sa lipunan. Tinatakwil ng mga Amerikano ang mga autoridad sa ikabubuti ng bawat indibidwal na bahagi ng isang lipunan.

Ang bansang Estados Unidos ay isa sa mga bansang nasa Kanlurang Emisperyo kabilang ang Canada sa mga protestanteng mga bansang ang lalaki ay tinutuli sa 70% nito sa Bagong Inglatera at "Midwest" kasalungat sa mga rehiyong timog at kanluran ay 50% hanggang 30% ang tinutuli.

Patakarang panlabas[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang paghaharing militar, ekonomiko, at kultural ng Estados Unidos ang dahilan kung bakit isang mahalagang tema sa politika ng bansa ang patakarang panlabas (o foreign policy) nito, bukod pa sa kahalagahan ng imahen ng Estados Unidos sa buong mundo.

Nauntog ang patakarang panlabas ng Estados Unidos sa pagitan ng pamumukod o isolationism, imperyalismo at paghahalo ng mga ito, sa buong kasaysayan ng bansa.

Nagresulta ang malakas na impluwensiya nito sa politika at kultura ng buong mundo sa sobrang pagkamuhi ng ilan dito, at pagpuri naman at paghanga para sa ilan. Isang halimbawa nito si Ayatollah Khomeini na tinawag ang Estados Unidos "The Great Satan" (Ang Dakilang Satanas).

  1. The original 13 states became sovereign in July 1776 upon agreeing to the United States Declaration of Independence, and each joined the first Union of states between 1777 and 1781, upon ratifying the Articles of Confederation.[4] These states are presented in the order in which each ratified the 1787 Constitution, thus joining the present federal Union of states. Subsequent states are listed in the order of their admission to the Union, and the date given is the official establishment date set by Act of Congress. For further details, see List of U.S. states by date of admission to the Union
  2. 2.0 2.1 2.2 2.3 Uses the term commonwealth rather than state in its full official name
  3. 3.0 3.1 3.2 3.3 3.4 Represented by a non-voting delegate in the House of Representatives.[9]
  4. Although not organized through a federal organic act or other explicit Congressional directive on governance, the people of American Samoa adopted a constitution in 1967, and then in 1977, elected territorial officials for the first time.[14]
  5. 5.0 5.1 Organized as a commonwealth.
  6. Represented by a non-voting resident commissioner in the House of Representatives.[9]
  7. Excluding lagoon
  8. Although there are no indigenous inhabitants, around 40 United States Fish and Wildlife Service staff and service contractors live on the island at any given time.[23]
  9. U.S. sovereignty is disputed by Haiti.[26]
  10. Although there are no indigenous inhabitants, between four and 20 Nature Conservancy, employees, United States Fish and Wildlife Service staff, and researchers live on the island at any given time.[23]
  11. Although there are no indigenous inhabitants, as of 2009, around 150 U.S. 150 U.S. military personnel and civilian contractors were living on the island, staffing the Wake Island Airfield and communications facilities.[28]
  12. U.S. sovereignty is disputed by the Republic of Marshall Islands.[29]
  13. This is the approximate figure for the land area of the bank, and does not include the surrounding territorial waters.
  14. This figure includes the total land area of the Serranilla Bank and the water area of its lagoon, but not the surrounding territorial waters.

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang wikitext]

  1. Allen, Erin (4 Hulyo 2016). "How Did America Get Its Name?". Library of Congress Blog.
  2. Laubenberger, Franz; Rowan, Steven (1982). "The Naming of America". Sixteenth Century Journal. 13 (4): 92. doi:10.2307/2540012. JSTOR 2540012.
  3. 3.0 3.1 3.2 "Appendix B: Two–Letter State and possession Abbreviations". Postal Addressing Standards. Washington, D.C.: United States Postal Service. Mayo 2015. Inarkibo mula sa orihinal noong Marso 5, 2018. Nakuha noong Marso 3, 2018.
  4. Jensen, Merrill (1959). The Articles of Confederation: An Interpretation of the Social-Constitutional History of the American Revolution, 1774–1781. University of Wisconsin Press. pp. xi, 184. ISBN 978-0-299-00204-6.
  5. 5.0 5.1 5.2 "RESIDENT POPULATION FOR THE 50 STATES, THE DISTRICT OF COLUMBIA, AND PUERTO RICO: 2020 CENSUS" (PDF). U.S. Census Bureau.{{cite web}}: CS1 maint: url-status (link)
  6. 6.0 6.1 6.2 6.3 6.4 6.5 6.6 6.7 6.8 "State Area Measurements and Internal Point Coordinates". Washington, D.C.: U.S. Census Bureau. Inarkibo mula sa orihinal noong Marso 16, 2018. Nakuha noong Marso 3, 2018. ... provides land, water and total area measurements for the 50 states, the District of Columbia, Puerto Rico and the Island Areas. The area measurements were derived from the Census Bureau's Master Address File/Topologically Integrated Geographic Encoding and Referencing (MAF/TIGER) database. The land and water areas, ... reflect base feature updates made in the MAF/TIGER database through August, 2010.
  7. "State and Local Government Finances and Employment" (PDF). United States Census Bureau. 2012. p. 284. Inarkibo mula sa ang orihinal (PDF) noong October 17, 2011. Nakuha noong July 8, 2013.
  8. "The History of Washington, DC". Destination DC. Marso 15, 2016. Inarkibo mula sa orihinal noong Marso 6, 2018. Nakuha noong Marso 3, 2018.
  9. 9.0 9.1 "Directory of Representatives". Washington, D.C.: U.S. House of Representatives. Inarkibo mula sa orihinal noong Marso 5, 2018. Nakuha noong Marso 5, 2018.
  10. 10.0 10.1 10.2 10.3 10.4 "Acquisition Process of Insular Areas". Office of Insular Affairs. Inarkibo mula sa orihinal noong April 14, 2012. Nakuha noong July 9, 2013.{{cite web}}: CS1 maint: unfit URL (link)
  11. 11.0 11.1 "Definitions of Insular Area Political Organizations". Washington, D.C.: U.S. Department of the Interior. Hunyo 12, 2015. Inarkibo mula sa orihinal noong Hulyo 13, 2018. Nakuha noong Marso 1, 2018.
  12. 2020 Population of U.S. Island Areas Just Under 339,000, U.S. Census Bureau, October 28, 2021.
  13. "American Samoa". The World Factbook. Central Intelligence Agency. Nakuha noong Hulyo 9, 2013.
  14. "Islands We Serve: American Samoa". Washington, D.C.: U.S. Department of the Interior. Hunyo 11, 2015. Inarkibo mula sa orihinal noong Marso 9, 2018. Nakuha noong Marso 1, 2018.
  15. "Guam". The World Factbook. Central Intelligence Agency. Nakuha noong Hulyo 9, 2013.
  16. "Northern Mariana Islands". The World Factbook. Central Intelligence Agency. Nakuha noong Hulyo 9, 2013.
  17. "Puerto Rico". The World Factbook. Central Intelligence Agency. Nakuha noong Hulyo 9, 2013.
  18. "Virgin Islands". The World Factbook. Nakuha noong Hulyo 9, 2013.
  19. 19.0 19.1 "Baker Island". Office of Insular Affairs. Inarkibo mula sa ang orihinal noong April 19, 2012. Nakuha noong July 9, 2013.
  20. "Jarvis Island". Office of Insular Affairs. Inarkibo mula sa ang orihinal noong February 7, 2012. Nakuha noong July 9, 2013.
  21. "Johnston Island". Office of Insular Affairs. Inarkibo mula sa ang orihinal noong March 14, 2012. Nakuha noong July 9, 2013.
  22. "Kingman Reef National Wildlife Refuge". United States Fish and Wildlife Service. Inarkibo mula sa orihinal noong Mayo 16, 2013. Nakuha noong Hulyo 9, 2013.
  23. 23.0 23.1 "United States Pacific Islands Wildlife Refuges". The World Factbook. Central Intelligence Agency. Nakuha noong Oktubre 10, 2014.
  24. "Midway Atoll". Office of Insular Affairs. Inarkibo mula sa ang orihinal noong February 4, 2012. Nakuha noong July 9, 2013.
  25. "Navassa Island". Washington, D.C.: U.S. Department of the Interior. Hunyo 12, 2015. Inarkibo mula sa orihinal noong Agosto 15, 2016. Nakuha noong Marso 3, 2018.
  26. Colon, Yves (Setyembre 25, 1998). "U.S., Haiti Squabble Over Control of Tiny Island". Miami Herald. Webster University. Inarkibo mula sa orihinal noong Agosto 30, 2016. Nakuha noong Nobyembre 25, 2016.
  27. "Palmyra Atoll". Office of Insular Affairs. Inarkibo mula sa ang orihinal noong January 11, 2012. Nakuha noong July 9, 2013.
  28. 28.0 28.1 "Wake Island". The World Factbook. Central Intelligence Agency. Nakuha noong Oktubre 10, 2014.
  29. Earnshaw, Karen (Disyembre 17, 2016). "Enen Kio (a.k.a. Wake Island): Island of the kio flower". Marshall Islands Guide. Majuro, Republic of the Marshall Islands. Inarkibo mula sa orihinal noong Abril 1, 2018. Nakuha noong Marso 4, 2018.
  30. 30.0 30.1 30.2 Lewis, Martin W. (Marso 21, 2011). "When Is an Island Not An Island? Caribbean Maritime Disputes". GeoCurrents. Inarkibo mula sa orihinal noong Abril 22, 2017. Nakuha noong Hunyo 16, 2017.
  31. "US Minor Outlying Islands – Bajo Nuevo Bank". Geocaching. Hunyo 6, 2017. Inarkibo mula sa orihinal noong Hulyo 11, 2015. Nakuha noong Hulyo 10, 2015.
  32. "Cayo Serranilla" (sa Kastila). Eco Fiwi. Inarkibo mula sa orihinal noong Hulyo 31, 2017. Nakuha noong Hunyo 16, 2017.
  33. "Appendix A. Census 2000 Geographic Terms and Concepts – Figure A–3. Census Regions, Census Divisions, and Their Constituent States" (PDF). U.S. Census Bureau. 2000. p. 27. Inarkibo mula sa ang orihinal (PDF) noong June 14, 2007. Nakuha noong February 25, 2017.
  34. "Table 53. Languages Spoken At Home by Language: 2017", Language use in the United States, August 2019, U.S. Census Bureau, nakuha noong Pebrero 19, 2016
  35. "American FactFinder - Results". Factfinder.census.gov. Inarkibo mula sa ang orihinal noong Pebrero 12, 2020. Nakuha noong Mayo 29, 2017.
  36. Borreca, Richard (18 Oktubre 1999). "'The Goal Was Democracy for All". Honolulu Star-Bulletin. Nakuha noong 11 Pebrero 2012.
  37. "The Global Financial Centres iIndex 18" (PDF). Long Finance. September 2020.
  38. "World Economic Outlook Database, April 2019". IMF.org. International Monetary Fund. Nakuha noong September 29, 2019.
  39. "World Bank Country and Lending Groups". datahelpdesk.worldbank.org. World Bank. Nakuha noong September 29, 2019.
  40. "U.S. and World Population Clock". U.S.census.gov <https://www.census.gov>. Nakuha noong 2022-01-01.
  41. "United States Population (2021) - Worldometer".
  42. 42.0 42.1 "World Economic Outlook Database, October 2021". IMF.org. International Monetary Fund. October 2021. Nakuha noong January 3, 2022.
  43. Bank, World (8 January 2022). "Global Economic Prospects, January 2022" (PDF). openknowledge.worldbank.org. World Bank. p. 4. Nakuha noong 19 January 2022.
  44. See List of countries by GDP (nominal) per capita.
  45. 45.0 45.1 "Field Listing: GDP – Composition, by Sector of Origin". Central Intelligence Agency World Factbook. Central Intelligence Agency. Nakuha noong April 3, 2018.
  46. 46.0 46.1 "Income and Poverty in the United States: 2020". United States Census Bureau. September 14, 2021. Nakuha noong October 5, 2020.
  47. "Income Distribution Measures and Percent Change Using Money Income and Equivalence-Adjusted Income" (PDF). census.gov. United States Census Bureau. Nakuha noong January 15, 2021.
  48. "The Distribution of Household Income, 2017" (PDF). cbo.gov. Congressional Budget Office. October 2, 2020. pp. 31, 32. Nakuha noong October 19, 2020.
  49. "Human Development Index (HDI)". hdr.undp.org. HDRO (Human Development Report Office) United Nations Development Programme. Nakuha noong December 11, 2019.
  50. "Inequality-adjusted HDI (IHDI)". hdr.undp.org. UNDP. Nakuha noong May 22, 2020.
  51. 51.0 51.1 51.2 51.3 51.4 "Employment status of the civilian population by sex and age". BLS.gov. Bureau of Labor Statistics. Nakuha noong October 4, 2020.
  52. "Employment by major industry sector". Bureau of Labor Statistics. Nakuha noong July 5, 2018.
  53. "Usual Weekly Earnings of Wage and Salary Workers First Quarter 2017". Bureau of Labor Statistics. U.S. Department of Labor. July 17, 2018. Nakuha noong September 13, 2018.
  54. "Usual Weekly Earnings Summary". www.bls.gov. Bureau of Labor Statistics. January 17, 2020.
  55. 55.0 55.1 55.2 55.3 "U.S. trade in goods with World, Seasonally Adjusted" (PDF). United States Census Bureau. Nakuha noong June 1, 2021.
  56. "Exports of goods by principal end-use category" (PDF). Census Bureau.
  57. "Imports of goods by principal end-use category" (PDF). Census Bureau.
  58. "UNCTAD 2019" (PDF). UNCTAD. Nakuha noong 2020-01-06.
  59. "Country Fact Sheets 2018". unctad.org. Nakuha noong 24 July 2019.
  60. 60.0 60.1 "The World Factbook". CIA.gov. Central Intelligence Agency. Nakuha noong August 17, 2019.
  61. "Treasury TIC Data". U.S. Department of the Treasury. Nakuha noong Enero 30, 2021.
  62. "Federal Debt: Total Public Debt as Percent of Gross Domestic Product".
  63. "US Government Finances: Revenue, Deficit, Debt, Spending since 1792".
  64. "US Federal Budget Overview - Spending Breakdown Deficit Debt Pie Chart". Nakuha noong Enero 29, 2021.
  65. "Development aid rises again in 2016 but flows to poorest countries dip". OECD. Abril 11, 2017. Nakuha noong Setyembre 25, 2017.
  66. "Sovereigns rating list". Standard & Poor's. Inarkibo mula sa ang orihinal noong Hunyo 18, 2011. Nakuha noong Agosto 20, 2011.
  67. 67.0 67.1 Rogers, Simon; Sedghi, Ami (April 15, 2011). "How Fitch, Moody's and S&P rate each country's credit rating". The Guardian. London. Nakuha noong May 28, 2011.
  68. Riley, Charles (August 2, 2017). "Moody's affirms Aaa rating, lowers outlook". CNN.
  69. "Fitch Affirms United States at 'AAA'; Outlook Stable". Fitch Ratings.
  70. "Scope affirms the USA's credit rating of AA with Stable Outlook". Scope Ratings.
  71. "U.S. International Reserve Position". Treasury.gov. Nakuha noong January 18, 2019.
  72. "Market Economy Countries 2021". World Population Review. Nakuha noong September 12, 2021.
  73. "Report for Selected Country Groups and Subjects (PPP valuation of country GDP)" (sa Ingles). IMF. Nakuha noong December 29, 2017.
  74. "World Economic Outlook Database, April 2019". IMF.org. International Monetary Fund. Nakuha noong April 9, 2019.
  75. "United States reference resource". The World Factbook Central Intelligence Agency. Nakuha noong May 31, 2019.
  76. "The Implementation of Monetary Policy – The Federal Reserve in the International Sphere" (PDF). Nakuha noong August 24, 2010.
  77. Zaw Thiha Tun (July 29, 2015). "How Petrodollars Affect The U.S. Dollar". Nakuha noong October 14, 2016.
  78. Benjamin J. Cohen, The Future of Money, Princeton University Press, 2006, ISBN 0691116660; cf. "the dollar is the de facto currency in Cambodia", Charles Agar, Frommer's Vietnam, 2006, ISBN 0471798169, p. 17
  79. "US GDP Growth Rate by Year". multpl.com. US Bureau of Economic Analysis. March 31, 2014. Nakuha noong June 18, 2014.
  80. "Top Trading Partners". U.S. Census Bureau. December 2016. Nakuha noong July 8, 2017.
  81. "World Trade Statistical Review 2019" (PDF). World Trade Organization. p. 100. Nakuha noong May 31, 2019.
  82. "United States free trade agreements". Office of the United States Trade Representative. Nakuha noong May 31, 2019.
  83. Wright, Gavin, and Jesse Czelusta, "Resource-Based Growth Past and Present", in Natural Resources: Neither Curse Nor Destiny, ed. Daniel Lederman and William Maloney (World Bank, 2007), p. 185. ISBN 0821365452.
  84. Anthony, Craig (September 12, 2016). "10 Countries With The Most Natural Resources". Investopedia.
  85. "Income". Better Life Index. OECD. Nakuha noong September 28, 2019. In the United States, the average household net adjusted disposable income per capita is USD 45 284 a year, much higher than the OECD average of USD 33 604 and the highest figure in the OECD.
  86. Digital History; Steven Mintz. "Digital History". Digitalhistory.uh.edu. Inarkibo mula sa ang orihinal noong Marso 2, 2004. Nakuha noong Abril 21, 2012.
  87. "United States remains the world's top producer of petroleum and natural gas hydrocarbons". EIA.
  88. Katsuhiko Hara; Issaku Harada (staff writers) (Abril 13, 2017). "US overtook China as top trading nation in 2016". Nikkei Asian Review. Tokyo. Inarkibo mula sa ang orihinal noong Pebrero 24, 2021. Nakuha noong Hunyo 22, 2017.
  89. Vargo, Frank (March 11, 2011). "U.S. Manufacturing Remains World's Largest". Shopfloor. Inarkibo mula sa ang orihinal noong April 4, 2012. Nakuha noong March 28, 2012.
  90. "Trade recovery expected in 2017 and 2018, amid policy uncertainty". Geneva, Switzerland: World Trade Organization. Abril 12, 2017. Nakuha noong Hunyo 22, 2017.
  91. "Global 500 2016". Fortune. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2018-09-21. Nakuha noong 2022-03-22. Number of companies data taken from the "Country" filter.
  92. "The US is home to more billionaires than China, Germany and Russia combined". CNBC. May 9, 2019. Nakuha noong May 9, 2019.
  93. "Wealth-X's Billionaire Census 2019 report reveals insights and trends about the world's top billionaires". hk.asiatatler.com. Inarkibo mula sa ang orihinal noong Mayo 14, 2019. Nakuha noong May 14, 2019.
  94. "Total Assets, All Commercial Banks". January 3, 1973.
  95. "Doubling Down on Data" (PDF). Nakuha noong 5 March 2022.
  96. "The asset management industry in the United States" (PDF). Nakuha noong 5 March 2022.
  97. "Monthly Reports - World Federation of Exchanges". WFE.
  98. Table A – Market Capitalization of the World's Top Stock Exchanges (As at end of June 2012). Securities and Exchange Commission (China).
  99. ng rld-factbook/rankorder/2198rank.html "CIA – The World Factbook". Cia.gov. Nakuha noong April 21, 2012. {{cite web}}: Check |url= value (tulong)[patay na link]
  100. ng factbook/rankorder/2199rank.html "CIA – The World Factbook". Cia.gov. Nakuha noong April 21, 2012. {{cite web}}: Check |url= value (tulong)[patay na link]
  101. Adapting and evolving – Global venture capital insights and trends 2014 Naka-arkibo 2020-08-04 sa Wayback Machine.. EY, 2014.
  102. "2014 Global R&D Funding Forecast" (PDF). battelle.org. December 16, 2013. Inarkibo mula sa ang orihinal (PDF) noong February 9, 2014.
  103. "Personal consumption expenditures (PCE)/gross domestic product (GDP)" FRED Graph, Federal Reserve Bank of St. Louis
  104. "Shares of gross domestic income: Compensation of employees, paid: Wage and salary accruals: Disbursements: To persons" FRED Graph, Federal Reserve Bank of St. Louis
  105. "United Nations Statistics Division – National Accounts Main Aggregates Database".
  106. "Country comparison :: net migration rate". Central Intelligence Agency. The World Factbook. 2014. Inarkibo mula sa ang orihinal noong Disyembre 26, 2018. Nakuha noong June 18, 2014.
  107. "Rankings: Global Competitiveness Report 2013–2014" (PDF). World Economic Forum. Nakuha noong June 1, 2014.
  108. "FRED – Real GDP".
  109. "FRED – Household Net Worth".
  110. "FRED-Total Non-Farm Payrolls".
  111. "FRED-Civilian Unemployment Rate".
  112. "CIA World Factbook "Distribution of Family Income"". Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2011-06-04. Nakuha noong 2022-03-22.
  113. Gray, Sarah (June 4, 2018). "Trump Policies Highlighted in Scathing U.N. Report On U.S. Poverty". Fortune. Nakuha noong September 13, 2018. "The United States has the highest rate of income inequality among Western countries", the report states.
  114. Means tested programs [1] Naka-arkibo 2014-03-08 sa Wayback Machine. accessed 19 Nov 2013
  115. Social spending after the crisis. OECD. (Social spending in a historical perspective, p. 5). Retrieved: 26 December 2012.
  116. Dawn (January 9, 2014), Welfare for Single Mothers, Single Mother Guide
  117. Walker, William (1993). "National Innovation Systems: Britain". In Nelson, Richard R. (pat.). National innovation systems : a comparative analysis. New York: Oxford University Press. pp. 61–4. ISBN 0195076176.
  118. Uilrich Wengenroth (2000). "Science, Technology, and Industry in tiyhe 19th Century" (PDF). Munich Centre for the History of Science and Technology. Nakuha noong 13 June 2016. {{cite journal}}: Cite journal requires |journal= (tulong)
  119. Mowery, D. C., & Rosenberg, N. (1998). Paths of Innovation: Technological Change in 20th-Century America. Cambridge, UK: Cambridge University Press.
  120. The Sources and Uses of U.S. Science Funding[patay na link].
  121. https://stats.areppim.com/stats/stats_nobelhierarchy.htm
  122. "Measuring Religion in Pew Research Center's American Trends Panel". Measuring Religion in Pew Research Center’s American Trends Panel | Pew Research Center. Pew Research Center. 14 January 2021. Inarkibo mula sa orihinal noong 8 February 2021. Nakuha noong 9 February 2021.