Oregon
Oregon | |||
|---|---|---|---|
| |||
| Palayaw: The Beaver State (Ang Estadong Kastor) | |||
| Bansag: Alis volat propriis (Lumilipad siya sa sarili niyang pakpak) | |||
| Awit: Oregon, My Oregon (Oregon, Aking Oregon) | |||
Mapa ng Estados Unidos na nakatampok ang Oregon | |||
| Bansa | Estados Unidos | ||
| Bago naging estado | Teritoryo ng Oregon | ||
| Sumali sa Unyon | 14 Pebrero 1859 (ika-33) | ||
| Kabisera | Salem | ||
| Pinakamalaking lungsod | Portland | ||
| Pinakamalaking kondado o katumbas nito | Multnomah | ||
| Pinakamalaking kalakhan at urbanong lugar | Portland | ||
| Pamahalaan | |||
| • Gobernador | Tina Kotek (D) | ||
| • Kalihim ng Estado | Tobias Read (D) | ||
| Lehislatura | Kapulungang Lehislatibo | ||
| • Mataas na kapulungan | Senado ng Estado | ||
| • [Mababang kapulungan | Kapulungan ng mga Kinatawan | ||
| Hudikatura | Korte Suprema ng Oregon | ||
| Mga senador ng Estados Unidos | Ron Wyden (D) Jeff Merkley (D) | ||
| Delegasyon sa Kamara ng Estados Unidos | 5 Demokrata 1 Republikano | ||
| Lawak | |||
| • Kabuuan | 98,381 milya kuwadrado (254,806 km2) | ||
| • Lupa | 95,997 milya kuwadrado (248,631 km2) | ||
| • Tubig | 2,384 milya kuwadrado (6,175 km2) 2.4% | ||
| Ranggo sa lawak | ika-9 | ||
| Sukat | |||
| • Haba | 360 mi (580 km) | ||
| • Lapad | 400 mi (640 km) | ||
| Taas | 3,300 tal (1,000 m) | ||
| Pinakamataas na pook | 11,249 tal (3,428.6 m) | ||
| Pinakamababang pook (Karagatang Pasipiko[2]) | 0 tal (0 m) | ||
| Populasyon (2024) | |||
| • Kabuuan | |||
| • Ranggo | ika-27 | ||
| • Kapal | 39.9/milya kuwadrado (15.0/km2) | ||
| • Ranggo sa densidad | ika-39 | ||
| • Panggitnang kita ng sambahayanan | $80,200 (2023)[4] | ||
| • Ranggo ng kita | ika−19 | ||
| Demonym | Oregoniyano | ||
| Wika | |||
| • Opisyal na wika | De jure: wala[5] De facto: Ingles | ||
| Mga sona ng oras | |||
| most of state | UTC−08:00 (Pasipiko) | ||
| • Tag-init (DST) | UTC−07:00 (PDT) | ||
| pangkalahatan ng Kondado ng Malheur | UTC−07:00 (MTZ) | ||
| • Tag-init (DST) | UTC−06:00 (MDT) | ||
| Daglat ng USPS | OR | ||
| Kodigo ng ISO 3166 | US-OR | ||
| Tradisyunal na pagdadaglat | Ore. | ||
| Latitud | 42° N to 46°18′ N | ||
| Longhitud | 116°28′ W to 124°38′ W | ||
| Websayt | oregon.gov | ||
Ang Oregon ( /ˈɒrɪɡən,_ʔɡɒn/ ORR-ih-ghən, --gon)[6][7] ay isang estado sa rehiyong Hilagang-kanlurang Pasipiko ng Estados Unidos. Bahagi ito ng Kanlurang Estados Unidos, na ang Ilog Columbia ang humahati sa malaking bahagi ng hilagang hangganan nito mula sa Washington, samantalang ang Ilog Snake ang naghihiwalay sa silangang hangganan nito mula sa Idaho. Ang 42° hilagang paralelo ang nagtatakda ng katimugang hangganan nito sa California at Nevada, at ang Karagatang Pasipiko ang bumubuo ng kanlurang hangganan.
Tahanan ang Oregon ng maraming katutubo sa loob ng libo-libong taon. Ang mga unang mangangalakal, manlalakbay, at maninirahang Europeo ay nagsimulang maggalugad sa baybaying Pasipiko ng kasalukuyang Oregon noong unang kalahati hanggang kalagitnaan ng ika-16 na dantaon. Noong 1564, nagsimulang magpadala ang mga Espanyol ng mga sasakyang-pandagat mula sa Pilipinas patungong hilagang-silangan, ginagamit ang Agos ng Kuroshio sa isang malawak na pabilog na ruta sa hilagang bahagi ng Pasipiko. Noong 1592, isinagawa ni Juan de Fuca ang detalyadong pagguhit ng mapa at pag-aaral ng mga agos sa Karagatang Pasipiko sa hilagang-kanluran, kabilang ang baybayin ng Oregon at ang kipot na ngayo’y may dala ng kanyang pangalan. Tinawid ng Ekspedisyong Lewis at Clark ang Oregon noong unang bahagi ng ika-19 na siglo, at ang mga unang permanenteng pamayanang Europeo sa Oregon ay naitatag di naglaon ng mga manghuhuli at mangangalakal ng balahibo. Nakamit ng Estados Unidos ang karapatang magkasamang pamahalaan ang rehiyon mula sa Reyno Unido sa pamamagitan ng Kasunduan ng 1818. Ang Kasunduan sa Oregon noong 1846 ang pormal na nagdala sa Oregon sa ilalim ng soberanya ng Amerika, at nalikha ang Teritoryo ng Oregon makalipas ang dalawang taon. Pinasok ng Oregon ang Estados Unidos noong Pebrero 14, 1859, at naging ika-33 estado.
Sa kasalukuyan, may humigit-kumulang 4.2 milyong katao sa loob ng 98,000 milyang parisukat (250,000 km²), kaya ang Oregon ang ika-9 na pinakamalaki at ika-27 na may pinakamaraming populasyon sa Estados Unidos. Ang kabisera nitong Salem ang ikatlong may pinakamaraming naninirahan sa estado na may 175,535 katao.[8] Ang Portland, na may 652,503, ay ika-26 sa mga lungsod ng Estadds Unidos. Ang kalakhang Portland, na kinabibilangan ng mga karatig-kondado sa Washington, ang ika-25 na pinakamalaking sukat sa metro sa bansa na may populasyong 2,512,859. Isa rin ang Oregon sa mga estadong may pinakamaraming pagkakaibang heograpiko sa Estados Unidos, na may mga bulkan, masaganang anyong-tubig, luntiang kagubatan at halo-halong gubat, gayundin mga matataas na disyerto at bahagyang tigang na kapatagan. Sa taas na 11,249 talampakan (3,429 m), ang Bundok Hood ang pinakamataas na punto ng estado. Ang tanging pambansang parke nito, ang Crater Lake National Park (Pambansang Liwasan ng Lawa ng Bunganga ng Bulkan), ay binubuo ng kalderang pumapalibot sa Crater Lake, ang pinakamalalim na lawa sa Estados Unidos. Matatagpuan din dito ang pinakamalaking nabubuhay na organismo sa buong mundo, ang kabuteng Armillaria ostoyae, na nakalatag sa ilalim ng 2,200 ektarya (8.9 km²) ng Pambansang Gubat ng Malheur.[9]
Historikal na pinapatakbo ang ekonomiya ng Oregon ng iba’t ibang anyo ng pagsasaka, pangingisda, pagtotroso, at enerhiyang hidroelektriko. Nangunguna ang Oregon sa paggawa ng kahoy sa buong magkakadikit na estado ng Estados Unidos, at pinangunahan ng industriya ng troso ang ekonomiya ng estado noong ika-20 dantaon.[10] Isa pang mahalagang puwersa ng ekonomiya ng Oregon ang teknolohiya, na nagsimula noong dekada 1970 sa pagtatatag ng Silicon Forest at sa pagpapalawak ng Tektronix at Intel. Ang kumpanyang Nike, Inc., na nakabase sa Beaverton, ang pinakamalaking pampublikong korporasyon ng estado na may taunang kita na $46.7 bilyon.[11]
Mga pananda
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Inakma ang elebasyon sa North American Vertical Datum (Patayong Datos ng Hilagang Amerika) ng 1988
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "Mount Hood Highest Point". NGS Data Sheet (sa wikang Ingles). National Geodetic Survey, National Oceanic and Atmospheric Administration, United States Department of Commerce. Nakuha noong Oktubre 24, 2011.
- ↑ 2.0 2.1 "Elevations and Distances in the United States" (sa wikang Ingles). United States Geological Survey. 2001. Inarkibo mula sa orihinal noong Oktubre 15, 2011. Nakuha noong Oktubre 24, 2011.
- ↑ "United States Census Quick Facts Oregon" (sa wikang Ingles). Nakuha noong Enero 9, 2025.
- ↑ "Household Income in States and Metropolitan Areas: 2023" (PDF). Nakuha noong Enero 12, 2025.
- ↑ Hall, Calvin (Enero 30, 2007). "English as Oregon's official language? It could happen". The Oregon Daily Emerald (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong Enero 17, 2013. Nakuha noong Mayo 8, 2007.
- ↑ "Oregon". Merriam-Webster Dictionary (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2024-03-08.
- ↑ Wells, John C. (2008). Longman Pronunciation Dictionary (sa wikang Ingles) (ika-ika-3 (na) labas). Longman. ISBN 978-1-4058-8118-0.
- ↑ United States Census Bureau (Hulyo 1, 2022). "Census QuickFacts: Salem, Oregon, United States". U.S. Census Bureau QuickFacts: Salem city, Oregon; United States (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong Hunyo 6, 2023. Nakuha noong Mayo 1, 2023.
- ↑ Beale, Bob (Abril 10, 2003). "Humungous fungus: world's largest organism?". Environment & Nature News (sa wikang Ingles). ABC. Inarkibo mula sa orihinal noong Disyembre 31, 2006. Nakuha noong Disyembre 9, 2016.
- ↑ "Forest Land Protection Program" (sa wikang Ingles). Oregon Department of Fish and Wildlife. Inarkibo mula sa orihinal noong Hulyo 8, 2018. Nakuha noong Nobyembre 7, 2016.
- ↑ "2022 Shareholder Letter for Nike, Inc" (PDF) (sa wikang Ingles). Nike, Inc. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong Pebrero 9, 2023. Nakuha noong Pebrero 13, 2023.