Pumunta sa nilalaman

Florida

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Jacksonville, Florida)
Florida
Watawat ng
Watawat
BansaEstados Unidos
Bago naging estadoFlorida Territory
Sumali sa UnyonMarch 3, 1845 (27th)
KabiseraTallahassee
Pinakamalaking lungsodJacksonville
Pinakamalaking kalakhan at urbanong lugarMiami metro area
Pamahalaan
 • GobernadorRon deSantis (Republican)
 • Gobernador TinyenteCarlos López-Cantera (Republican)
LehislaturaFlorida Legislature
 • Mataas na kapulunganSenate
 • [Mababang kapulunganHouse of Representatives
Mga senador ng Estados UnidosMarco Rubio (Republican)
Rick Scott (Republican)
Delegasyon sa Kamara ng Estados Unidos17 Republicans, 10 Democrats
Populasyon
 • Kabuuan20,271,272 (2,015 est)[1]
 • Kapal353.4/milya kuwadrado (136.4/km2)
Wika
 • Opisyal na wikaEnglish[2]
 • Sinasalitang wikaPredominantly English and Spanish[3]
Tradisyunal na pagdadaglatFla.
Latitud24° 27' N to 31° 00' N
Longhitud80° 02' W to 87° 38' W

Ang Florida (bigkas: /fló·ri·dä/; Espanyol: "lupain ng mga bulaklak") ay isang estado na matatagpuan sa timog-silangang rehiyon ng Estados Unidos. Ang estado ay pinapaikutan ng Golpo of Mexico sa kanluran, Alabama at Georgia sa hilaga, Karagatang Atlantic sa silangan, at ng Straits of Florida at Cuba sa timog. Ang Florida ay ang ika-22 pinakamalawak, ang ika-3 pinakamatao,[7] at ang ika-8 pinakamakapal ang populasyon na estado sa Estados Unidos. Ang Jacksonville ay ang pinakamataong lungsod sa Florida, at ang pinakamalaking lungsod ayon sa sukat sa mainland ng Estados Unidos. Ang Miami metropolitan area ay ang ikawalong pinakamalaking metropolitan area sa Estados Unidos. Ang Tallahassee ay ang kabisera ng estado.

Isang tangway sa pagitan ng Golpo ng Mexico, ng Karagatang Atlantiko, at ng Straits of Florida, ito ay ang may pinakamahabang baybayin sa mainland ng Estados Unidos, humigit-kumulang 1,350 milya (2,170 km), at ito ay ang tanging estado na kapuwa hinangganan ng Golpo ng Mexico at ng Karagatang Atlantiko. Malaking bahagi ng estado ay nasa o malapit sa pantay-dagat (sea level) at may latak (sedimentary) na lupa. Ang klima ay nag-iiba mula sa subtropikal sa hilaga hanggang tropikal sa timog.[8] Ang American alligator, American crocodile, Florida panther, at manatee ay matatagpuan sa Everglades National Park.

Mula nang unang madayo ng mga Europeo ang pook noong 1513 sa katauhan ni Kastilang eksplorador Juan Ponce de León – na pinangalanan ang pook na La Florida ([la floˈɾiða] "lupain ng mga bulaklak") sa landing doon sa panahon ng pasko ng Pagkabuhay, Pascua Florida[9] – ang Florida ay isang hamon para sa Europeong mananakop bago makuha nito ang pagiging estado ng Estados Unidos noong 1845. Ito ay isang pangunahing lokasyon ng Digmaang Seminole laban sa mga Katutubong Amerikano, at racial segregation pagkatapos ng Digmaang Sibil ng Estados Unidos.

Ngayon, ang Florida ay katangi-tangi para sa malaking pamayanan ng expatriate mula Cuba at mataas na paglago ng populasyon, pati na rin ng pagtaas ng mga isyu sa kapaligiran. Ang ekonomiya ng estado ay nakasalalay higit sa lahat sa turismo, agrikultura, at transportasyon, na umunlad sa huling bahagi ng ika-19 siglo. Ang Florida ay kilala rin sa amusement parks, pananim na dalandan, ang Kennedy Space Center, at isang popular na destinasyon para sa mga magreretiro.

Ang kultura ng Florida ay salamin ng mga impluwensya at maraming pamana; mga pamanang Katutubong Amerikano, Europeo-Amerikano, Hispanico, at Africano-Amerikano ay matatagpuan sa arkitektura at lutuin. Ang Florida ay nakaakit ng maraming manunulat tulad nina Marjorie Kinnan Rawlings, Ernest Hemingway at Tennessee Williams, at ay patuloy na nag-aakit ng mga sikat na artista at atleta. Ito ay kilala sa daigdig para sa golf, tennis, auto racing at water sports.

Mga pinakamalaking lungsod

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Kapatid na estado

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Hurisdiksyon Bansa Taon[11]
Languedoc-Roussillon Pransiya France 1989
Taiwan Province Taiwan Taiwan, R. O. C. 1992
Wakayama Prefecture Hapon Japan 1995
Western Cape South Africa South Africa 1995
Nueva Esparta Venezuela Venezuela 1999
Kyonggi Timog Korea South Korea 2000
  1. Maling banggit (Hindi tamang <ref> tag; walang binigay na teksto para sa refs na may pangalang PopEstUS); $2
  2. "Article 2, Section 9, Constitution of the State of Florida". State of Florida. Inarkibo mula sa orihinal noong Nobyembre 20, 2010. Nakuha noong Disyembre 8, 2008.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "Florida". Modern Language Association. Inarkibo mula sa orihinal noong Disyembre 25, 2018. Nakuha noong Hunyo 29, 2014.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. 4.0 4.1 "American FactFinder". United States Census Bureau. Nakuha noong Enero 31, 2008.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. 5.0 5.1 "Elevations and Distances in the United States". United States Geological Survey. 2001. Inarkibo mula sa orihinal noong Oktubre 15, 2011. Nakuha noong Oktubre 21, 2011.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. Elevation adjusted to North American Vertical Datum of 1988.
  7. "Florida Passes New York to Become Nation's Third Most Populous State" (Nilabas sa mamamahayag). United States Census Bureau. Disyembre 23, 2014. Nakuha noong Disyembre 23, 2014.{{cite nilabas sa mamamhayag}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. "Köppen Climate Classification Map" Naka-arkibo 2011-07-06 sa Wayback Machine..
  9. "Historic Feature: Juan Ponce de Leon Landing – Brevard County Parks and Recreation Department on Florida's Beautiful Space Coast" Naka-arkibo 2010-12-21 sa Wayback Machine..
  10. "2014 Census population". Inarkibo mula sa orihinal noong 18 Mayo 2016. Nakuha noong 8 Pebrero 2016. {{cite web}}: |archive-date= / |archive-url= timestamp mismatch (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. "Florida Sister City/Sister State Directory 2001" (PDF).