Pumunta sa nilalaman

John Bardeen

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
John Bardeen
Kapanganakan23 Mayo 1908
  • (Dane County, Wisconsin, Estados Unidos ng Amerika)
Kamatayan30 Enero 1991
MamamayanEstados Unidos ng Amerika
NagtaposUnibersidad ng Princeton[1]
Unibersidad ng Wisconsin sa Madison
Trabahopisiko, imbentor, propesor ng unibersidad, electrical engineer
Opisinapropesor ()

Si John Bardeen (Mayo 23, 1908 – Enero 30, 1991) ay isang Amerikanong pisiko at inhinyerong elektrikal, na naging nag-iisang tao na nakapagwagi ng Gantimpalang Nobel sa Pisika nang dalawang ulit: una noong 1956 na kasama sina William Shockley at Walter Brattain para sa pagkakaimbento ng transistor; at muli noong 1972 na kapiling sina Leon N. Cooper at John Robert Schrieffer para sa saligan o pundamental na teoriya ng kumbensiyunal na superkonduktibidad na nakikilala bilang teoriyang BCS.

Napagbago nang lubusan at ganap ng transistor ang industriya ng elektroniks, na nagpahintulot upang mangyari ang Panahon ng Impormasyon (Kapanahunan ng Kabatiran), at nagawa nitong maging posible ang pagpapaunlad ng halos bawat isang modernong aparatong elektroniko, mula sa mga telepono hanggang sa mga kompyuter, hanggang sa mga misil. Ang mga pagpapaunlad ni Bardeen sa superkonduktibidad, na nakapagpanalo sa kaniya ng kaniyang pangalawang premyong Nobel, ay ginamit sa magnetic resonance imaging (MRI).

Si Bardeen ay naging isang Propesor ng Inhinyeriyang Elektrikal at Pisika sa Pamantasan ng Illinois sa Urbana-Champaign mula 1951 hanggang 1991.

Noong 1990, lumitaw si Bardeen sa tala ng "100 Most Influential Americans of the Century" (100 Pinaka Maimpluwensiyang mga Amerikano ng Daantaon) ng LIFE Magazine.[2]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. https://alumni.princeton.edu/our-community/awards/james-madison-medal.
  2. "John Bardeen, Nobelist, Inventor of Transistor, Dies". Washington Post. 1991-01-31. Inarkibo mula sa orihinal noong 2012-11-02. Nakuha noong 2007-08-03. {{cite news}}: Italic or bold markup not allowed in: |publisher= (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  • Hoddeson, Lillian and Vicki Daitch. 2002. True Genius: the life and science of John Bardeen. National Academy Press. ISBN 0-309-08408-3

Mga kawing na panlabas

[baguhin | baguhin ang wikitext]