Pumunta sa nilalaman

George Smoot

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
George Smoot
George Smoot at POVO conference in The Netherlands
Kapanganakan
George Fitzgerald Smoot III

(1945-02-20) 20 Pebrero 1945 (edad 80)
NasyonalidadAmerican
NagtaposMassachusetts Institute of Technology
Kilala saCosmic microwave background radiation
ParangalAlbert Einstein Medal (2003)
Nobel Prize in Physics (2006)
Oersted Medal (2009)
Karera sa agham
LaranganPhysics
InstitusyonUC Berkeley/LBNL/Université Paris Diderot-Paris 7
Doctoral advisorDavid H. Frisch[1]

Si George Fitzgerald Smoot III (ipinanganak noong 20 Pebrero 1945) ay isang astropisikong Amerikano at nanalo ng $1 milyon sa TV quiz show Are You Smarter than a 5th Grader?. Siya ay nagwagi ng Gantimpalang Nobel sa Pisika noong 2006 para sa kanyang paggawa sa Cosmic Background Explorer kasama ni John C. Mather na humantong sa pagsukat ng anyong black body at anisotropiya ng cosmic microwave background radiation. Ito ay nakatulong sa sa teoriyang Big Bang ng uniberso gamit ang Cosmic Background Explorer Satellite (COBE).[2] Ayon sa Nobel Prize committee, "ang proyektong COBE project ay maitituring ring panimulang punto para sa kosmolohiya bilang isang presisyong agham."[3] Ibinigay ni Smoot ang bahagi ng salaping napanalunan niya sa Gantimpalang Nobel na binawasan ng mga gastos ng paglalakbay sa isang pundasyong kawang gawa.[4] Siya ay propesor ng pisika sa University of California, Berkeley, nakatatandang siyentpiko sa Lawrence Berkeley National Laboratory, at mula 2010 ay propesor ng pisika sa Paris Diderot University, Pransiya. Noong 2003, siya ay ginawaran ng Einstein Medal at noong 2009 ay ng Oersted Medal.

Si George Smoot ay ipinanganak sa Yukon, Florida, sa isang pamilya ng mga abogado, ngunit ang kanyang ama ay naging isang inhinyero at ang kanyang ina ay isang guro. Dahil sa inspirasyon ng paglulunsad ng Sputnik, naging interesado siya sa kalawakan. Ang kanyang pamilya ay nahirapan sa kanilang buhay pinansyal, kaya siya ay nagtrabaho habang nag-aaral upang makayanan na makapasok sa MIT. Matapos makuha ang kanyang titulo ng doktor, lumipat siya sa Berkeley, kung saan nakagawa siya ng mahahalagang pagtuklas na nanalo sa kanya ng Gantimpalang Nobel. Pinangunahan ni Smoot ang isang proyekto noong 1992 na nag-aral ng cosmic background radiation gamit ang datos mula sa COBE satellite. Natuklasan ng proyektong ito ang maliliit na pagkakaiba-iba sa radyasyon, na tumutulong na ipaliwanag kung paano nabuo ang mga bituin at iba pang mga bagay sa kalangitan. Ang mga pagkakaiba-iba na ito ay inaakalang sanhi ng maliliit na pagbabago-bago ng kabuuan na humantong sa pagkumpol-kumpol ng mga bagay at paglaki dahil sa grabidad.[5]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Katherine Bourzac (12 January 2007). "Nobel Causes". Technology Review. Inarkibo mula sa orihinal noong 2012-01-29. Nakuha noong 2007-09-05. And Smoot himself can still vividly recall playing a practical joke on his graduate thesis advisor, MIT physics professor David Frisch.
  2. Horgan, J. (1992) Profile: George F. Smoot – COBE's Cosmic Cartographer, Scientific American 267(1), 34-41.
  3. "The Nobel Prize in Physics 2006" (.PDF) (Nilabas sa mamamahayag). The Royal Swedish Academy of Sciences. 3 October 2006. Nakuha noong 2006-10-05.
  4. "Berkeley Nobel laureates donate prize money to charity" (PDF). Associated Press. 22 March 2007. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 23 September 2015. Nakuha noong 8 October 2013.
  5. "George Smoot - Facts". NobelPrize.org (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2025-02-25.