Gustaf Dalén
Gustaf Dalén | |
---|---|
![]() | |
Kapanganakan | Nils Gustaf Dalén 30 Nobyembre 1869 |
Kamatayan | 9 Disyembre 1937 | (edad 68)
Nasyonalidad | Swedish |
Nagtapos | Chalmers University of Technology, Polytechnikum, Zürich |
Kilala sa | Sun valve and other lighthouse regulators |
Parangal | Nobel Prize in Physics (1912) |
Karera sa agham | |
Larangan | Physics, mechnical engineering |
Institusyon | AGA |
Si Nils Gustaf Dalén (30 Nobyembre 1869 – 9 Disyembre 1937) ay isang imbentor na Swedish at industriyalista. Siya ang tagapagtatag ng kompanyang AGA at imbentor ng AGA cooker at Dalén light. Siya ay nagwagi ng Gantimpalang Nobel sa Pisika noong 1912 para sa kanyang imbensiyon ng mga automatic regulator para sa paggamit kasabay ng mga gas accumulator para sa pagliliwanag ng mga parola at mga buoy".
Talambuhay
[baguhin | baguhin ang wikitext]Si Dalén ay ipinanganak sa Västergötland, Sweden. Sa halip na patakbuhin ang bukid ng pamilya, nag-aral siya ng inhenyeriya sa dalawang unibersidad. Nagtrabaho siya sa isang kumpanya na gumawa ng mga steam turbine at kalaunan sa AGA, tinutulungan niya itong lumago sa isang malaking negosyo. Noong 1912, nawalan siya ng paningin dahil sa isang aksidente ngunit patuloy na nangunguna sa industriya. Si Dalen ay mayroong apat na anak at asawa.[1]
Sa loob ng maraming taon, tinulungan ng mga parola ang mga barko na mahanap ang kanilang daan nang ligtas at nagsimula silang gumamit ng gas na acetylene para sa liwanag simula noong 1800s. Gumawa si Gustaf Dalén ng paraan para kumurap ang ilaw, na gumamit ng mas kaunting gas. Noong 1907, nag-imbento siya ng balbula na gumagamit ng mga de-metal na baras kung saan lumalawak ito nang paiba-iba sa isa't-isa. Ang "solar valve" na ito ay pinapatay na lang ang ilaw tuwing may araw pa upang makatipid ng higit pang pera.[1]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ 1.0 1.1 "Gustaf Dalén - Facts". NobelPrize.org (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2025-02-28.
Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.