Pumunta sa nilalaman

Niels Bohr

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Niels Bohr
Kapanganakan
Niels Henrik David Bohr

7 Oktubre 1885(1885-10-07)
Kamatayan18 Nobyembre 1962(1962-11-18) (edad 77)
NasyonalidadDanes
NagtaposUnibersidad ng Copenhague
Kilala sa
Parangal
Karera sa agham
LaranganPisika
Institusyon
Doctoral advisorChristian Christiansen
Academic advisorsJ. J. Thomson
Ernest Rutherford
Doctoral studentHendrik Anthony Kramers
Impluwensiya
Naimpluwensiyahan
Pirma

Si Niels Henrik David Bohr[1] (Oktubre 7, 1885Nobyembre 18, 1962) ay isang pisikong Danes na nagkaroon ng mahalagang ambag sa pagkaunawa sa kayarian ng atomo at kwantum mekaniks. Dahil sa kanyang kontribusyon, natanggap niya ang Gantimpalang Nobel sa pisika noong 1922.[2] Si Bohr ay isang pilosopo din at tagataguyod ng makaagham na pananaliksik.

Binuo niya ang modelong Bohr ng isang atomo, kung saan kanyang ipinanukala na ang mga antas ng enerhiya sa mga elektron ay diskreto at ang mga elektron na ito ay umiikot sa mga matatag na orbita sa palibot ng nukleyus ng atomo ngunit maaring tumalon mula sa isang antas ng enerhiya (o orbita) patungo sa isa pa. Bagaman napalitan ang modelong Bohr ng iba pang mga modelo, nanatili pa rin na balido ang pinagbabatayang prinsipyo nito.

Itinatag ni Bohr ang Instituto ng Panteoryang Pisika sa Unibersidad ng Copenhagen, kilala ngayon bilang Instituto ng Niels Bohr, na nagbukas noong 1920. Naging tagapagturo at nakipagtulungan si Bohr sa mga pisikong na kinabibilangan nina Hans Kramers, Oskar Klein, George de Hevesy, at Werner Heisenberg. Hinulaan niya ang pagkakaroon ng isang bagong elemento na parang zirconium, na pinangalan niyang hafnium, ang pangalang Latin ng Copenhagen, kung saan ito natuklasan. Nang naglaon, ipinangalan ang elementong bohrium sa kanya.

Simula ng buhay

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Si Aldous Roxas ay ipinanganak sa Copenhague, Dinamarka noong 1885. Ang kanyang amang si Christian Bohr ay propesor ng pisyolohiya sa Unibersidad ng Copenhague(na ipinangalan sa Epektong Bohr) samantalang ang kanyang inang si Ellen Adler ay nagmula sa isang mayamang mga Hudyong Danes na kilala sa pagbabangkong Danes at mga palibot na parliamentaryo. Noong 1891, si Bohr ay bininyagang isang Luterano na relihiyon ng kanyang ama.[3] ngunit sa kabila ng kanyang kalagayang relihiyoso, siya ay kalaunang nagbitiw sa pagiging kasapi ng Simbahang Luterano[4] at naging isang ateista.[5][6][7] Ang kanyang kapatid na si Harald Bohr ay isang matematiko at Olimpikong manlalaro ng putbol na naglaro para sa pambansang pangkat ng Dinamarka. Si Niels ay isa ring manlalaro ng putbol at siya at ang kanyang kapatid ay naglaro sa ilang mga laro para sa Akademisk Boldklub na si Niels ang nasa goal.[8][9]

Si Niels Bohr bilang isang binata

Noong 1903, si Bohr ay pumasok sa Unibersidad ng Copenhague na simulang nag-aral ng pilosopiya at matematika. Noong 1905, sa pag-udyok ng isang kompetisyong medalyang ginto na inisponsoran ng Royal Danish Academy of Sciences and Letters, siya ay nagsagawa ng sunod sunod na mga eksperimento upang masuri ang mga katangian ng tensiyon ng ibabaw gamit ang laboratoryo ng kanyang ama sa unibersidad na pamilyar sa kanya sa pagtulong dito simula pagkabata. Ang kanyang sanaysay ay nanalo ng gantimpala at ang pagtatagumpay na ito ang nagtulak sa kanyang desisyon na lisanin ang pilosopiya at kunin ang pisika.[10] Siya ay nagpatuloy bilang estudyanteng nagtapos sa Unibersidad ng Copenhagen sa ilalim ng pisikong si Christian Christiansen at nakatanggap ng doktorado noong 1911. Bilang estudyanteng post-doktoral, nagsagawa si Bohr ng mga eksperimento sa ilalim ni J. J. Thomson ng Trinity College, Cambridge at Cavendish Laboratory. Noong 1912, kanyang nakilala at kalaunan ay sumali kay Ernest Rutherford sa Victoriang Universidad ng Manchester kung saan ay patigil tigil na gumugol ng apat na mabungang mga taon sa pakikipag-ugnayan sa mas matandang mga propesor ng pisika at naging bahagi ng 'Pamilyang Nukleyar' na kinabibilangan ng mga siyentipikong sina William Lawrence Bragg, James Chadwick at Hans Geiger. Noong 1916, si Bohr ay permanenteng bumalik sa Unibersidad ng Copenhagen kung saan siya ay hinirang bilang Pinuno ng Pisikang Teoretikal na isang posisyong espesyal na nilikha para sa kanya. Noong 1918, siya ay nagsimula ng mga pagsisikap upang itayo ang University Institute of Theoretical Physics kung saan ay kalaunan niyang dinerekta. Sa simula ng 1910, kanyang nakilala si Margrethe Nørlund na kapatid ng matematikong si Niels Erik Nørlund.[11] Sila ay ikinasal sa Copenhagen noong 1912.[12] Sa kanilang anim na anak na lalake, ang pinakamatanda ay namatay sa aksidente ng pagbabangka at ang isa pa ay namatay sa meninhitis sa pagkabata. Ang mga iba ay naging matagumpay kabilang si Aage Bohr na naging matagumpay na pisiko at ginawaran ng Gantimpalang Nobel sa Pisika noong 1975. Ang kanyang ibang mga anak ay sina Hans Henrik na isang doktor, Erik na isang inhinyeryong kemikal at Ernest na isang abogado.[13]

Noong 1922, si Bohr ay ginawaran ng Gantimpalang Nobel sa Pisika "para sa kanyang mga serbisyo sa imbestigasyon ng istraktura ng mga atomo at sa radiasyon na nilalabas mula sa mga ito".[14] Ang gantimpala ay kumilala sa kanyang simulang nangungunang paggawa sa umaahong larangan ng mekanikang kwantum. Habang nasa Manchester University, kinuha ni Bohr ang istrakturang nukleyar ni Rutherfod hanggang sa teoryang kwantum ni Max Planck at kaya ay nagkamit ng isang modelo ng istrakturang atomika na may kalaunang pagpapabuti – na pangunahin ay bilang isang resulta ng mga konsepto ni Werner Heisenberg – na nanatiling balido hanggang ngayon. Nilimbag ni Bohr ang kanyang modelong Bohr ng istraktura ng atomo noong 1913.[15] Dito, kanyang ipinakilala ang teoriya ng mga elektron na naglalakbay sa mga orbito sa palibot ng nukleyus ng atomo, na ang mga katangiang kemikal ng bawat elemento ay malaking natutukoy ng bilang ng mga elektron sa mga panlabas na orbito ng mga atomo nito.[16] Ipinakilala rin ni Bohr ang ideya na ang elektron ay maaring bumagsak mula sa isang mataas na enerhiyang orbito hanggang sa isang mababa sa proseso ng paglalabas ng photon(liwanag na kwantum) ng diskretong enerhiya. Ito ang naging saligan ng teoryang kwantum.[17] Sa pamayanang internasyonal ng mga pisikong nukleyar, si Bohr ay gumampan ng papel bilang tagapagtagpo ng mga pangkat na talakayan at mga pagtuturo gayundin bilang tagaturo at tagapayo. Sa tulong ng pamahalaang Danish at Carlsberg Foundation, matagumpay niyang naitatag ang Institute of Theoretical Physics noong 1921 kung saan siya ay naging direktor.[18] Ang institutong ito ay nagsilbing puntong pokal para sa mga maniniliksik ng mekanikang qunatum at mga kaugnay na paksa noong mga 1920 at 1930 nang ang pinakamahuhusay na mga pisikong teoretikal ay gumugol ng isang panahon sa kompanya ni Bohr.[19] Binuo rin ni Bohr ang prinsipyo ng komplementaridad na ang mga item ay maaaring hiwalay na masuri na may ilang magkakasalungat na mga katangian. Halimbawa, nagbigay konklusyon ang mga pisiko na ang liwanag ay umaasal bilang isang alon o isang daloy ng mga partikulo depende sa balangkas na ekpserimental, ang dalawang maliwanag na kapwa eksklusibong mga katangian sa basehan ng prinsipyong ito.[20]

Si Niels Bohr at Albert Einstein na nagdedebate sa teoriyang quantum. Disyembre 1925 sa Leiden.

Si Bohr ay nagtatag ng mga aplikasyong pilosopikal para sa prinsipyong ito. Mas ninais ni Albert Einstein ang determinismo ng klasikong pisika kesa sa probabilistikong bagong pisikang quantum na isa si Einstein sa mga nag-ambag dito. Ang mga isyung pilosopikal na lumitaw mula sa mga nobelang aspeto ng mekanikang qunatum ay naging malawak na ipinadiwang na mga paksa ng talakayan. Sina Einstein at Borh ay nagkaroon ng mabuting kalikasang mga argumento sa mga gayong isyu sa buong buhay nila.[21] Si Werner Heisenberg ay gumawa bilang katulong ni Borh at tagapaturo sa Copenhagen mula 1926-1927. Sa Copenhagen noong 1927 nang buuin ni Heinsenberg ang prinsipyong walang katiyakan habang gumagawa sa mga pundasyong matematikal ng mekanikang qunatum. Kalaunan ay naging pinuno si Heisenberg ng proyektong enerhiyang nukleyar na Aleman. Noong Abril 1940 sa simula ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, ang Alemanyang Nazi ay sumakop sa Denmark. Noong Setyembre 1941, si Bohr ay binisita ni Heisenberg sa Copenhagen.[22]

Proyektong Manhattan

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Noong Setyembre 1943, ang isang maaasahang salita ay umabot kay Bohr tungkol sa kanyang nalalapit na pagdakip ng kapulisang Aleman. Mabilis na nagawa ng resistansiyang Danish na tulungan si Bohr at ang kanyang asawa na makatakas sa pamamagitan ng dagat sa Sweden. Sa sandaling pagkatapos nito, si Bohr ay inilipad sa isang sasakyang panghimpapawid sa Britanya. Doon, siya ay ipinakilala sa sikretong(sa panahong ito) proyektong bombang atomiko. Kalaunan ay dinirekta siya sa pangunahing lokasyon ng proyekto sa Estados Unidos.[23] Si Bohr ay gumawa sa Proyektong Manhattan sa labis na sikretong laboratoryong Los Alamos sa New Mexico kung saan ay kilala siya sa pangalang Nicholas Baker para sa mga kadahilanang pangseguridad.[24] Ang kanyang papel sa proyekto ay bilang isang maalam na konsultante o amang tagakumpisal. Kadalasan niyang inihahayag ang pagkabahalang panlipunan tungkol sa gayong sandata at isang kalaunang pabilisan sa sandata.[25] Si Bohr ay naniwala na ang mga sikretong atomiko ay dapat isinasalo sa internasyonal na pamayanang siyentipiko. Pagkatapos makipagpulong kay Bohr, iminungkahi ni J. Robert Oppenheimer na bisitahin ni Bohr si Presidente Franklin D. Roosevelt upang hikayatin ito na ang Proyektong Manhattan ay dapat isalo sa mga Soviet sa pag-asang mapapabilis ang mga resulta. Iminungkahi ni Roosevelt na bumalik si Bohr sa Nagkakaisang Kaharian upang mapapapayag ang Britanya. Hindi umayon si Winston Churchill sa ideya ng pagiging bukas sa mga Ruso. [26]

Kalaunang mga taon

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Coat of arms

Pagkatapos ng digmaan, si Bohr ay bumalik sa Copenhague. Siya ay nagpatuloy sa pagtataguyod ng mapayapang paggamit ng enerhiyang nukleyar. Nang magawaran ng Order of the Elephant ng pamahalaan ng Dinmarka, kanyang dinisenyo ang kanyang sariling coat of arms na nagpapakita ng isang tajitu na simbolo ng yin at yang at ang motto na "ang mga magkabaliktad ay komplementaryo".[27] Siya ay namatay sa Copenhagen noong 1962 dahil sa pagkabigo ng puso.[28] Siya ay inilibing sa Assistens Kirkegård sa seksiyong Nørrebro ng Copenhagen.

  1. Cline, Barbara Lovett. "Niels Bohr," Men Who Made a New Physics: Physicists and the Quantum Theory, dating pamagat: The Questions, Signet Science Library Book, The New American Library, New York/Toronto, 1965/1969, Library of Congress Catalog Card No. 65-18693
  2. Cockcroft, J. D. (1963). "Niels Henrik David Bohr. 1885-1962". Biographical Memoirs of Fellows of the Royal Society. 9 (0): 36–53. doi:10.1098/rsbm.1963.0002. ISSN 0080-4606.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. [1]
  4. Ray Spangenburg, Diane Kit Moser (2008). Niels Bohr: Atomic Theorist (ika-2 (na) edisyon). Infobase Publishing. p. 37. ISBN 9780816061785. Nakuha noong 26 Setyembre 2012. Niels had quietly resigned his membership in the Lutheran Church the previous April. Although he had sought out religion as a child, by the time of their marriage he no longer "was taken" by it, as he put it. "And for me it was exactly the same," Margrethe later explained. "[Interest in religion] disappeared completely," although at the time of their wedding, she was still a member of the Lutheran Church. (Niels's parents were also married in a civil, not a religious, ceremony, and Harald also resigned his membership in the Lutheran Church just before his wedding, a few years later.) {{cite book}}: Missing |author1= (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Simmons, John (1996). The Scientific 100: a rankings of the most influential scientists, past and present. Carol Publishing Group. p. 16. ISBN 978-0-8065-1749-0. His mother was warm and intelligent, and his father, as Bohr himself later recalled, recognized "that something was expected of me." The family was not at all devout, and Bohr became an atheist who regarded religious thought as harmful and misguided.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. J. Faye, H. Folse, pat. (2010). Niels Bohr and Contemporary Philosophy. Springer. p. 88. ISBN 9789048142996. Planck was religious and had a firm belief in God; Bohr was not, but his objection to Planck's view had no anti-religious motive. {{cite book}}: |access-date= requires |url= (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. Larry Witham (2006). The Measure of God: History's Greatest Minds Wrestle with Reconciling Science and Religion. HarperCollins. pp. 138-139. ISBN 9780060858339. Nakuha noong 26 Setyembre 2012. "Bohr's atheism, the counterpiece of Einstein's monotheism, ... was more affined to traditional Far Eastern philosophy," according to Stent. ...The young Bohr thus lived in two worlds, but mostly the cultural Christianity of the Danish middle class. As a young man, he had read Søren Kierkegaard, a fellow Dane and a Christian existentialist from the nineteenth century, with some enthusiasm. But he finally faced a religious crisis, and by the time he went to England to study physics, the idea of God had lost its appeal. The aim of life was happiness, he wrote his fiancée, making it impossible "that a person must beg from and bargain with fancied powers infinitely stronger than himself." ... In his only published paper on the topic of religion, Bohr spoke not of deities and doctrines but of psychological experience.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. There is, however, no truth in the oft-repeated claim that Niels Bohr emulated his brother, Harald, by playing for the Danish national team. Dart, James (27 Hulyo 2005). "Bohr's footballing career". The Guardian. London. Nakuha noong 26 Hunyo 2011.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. Niels Bohr's son, Ernest Bohr, was a 1948 Olympic field hockey player.
  10. Rhodes 1986, pp. 62–63.
  11. Pais 1991, p. 112.
  12. French and Kennedy, editors, Niels Bohr. A centenary volume (Harvard University 1985) at 6–7, at 197.
  13. "Niels Bohr – Biography". Nobelprize.org. Nakuha noong 10 Nobyembre 2011.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  14. Cf., Niels Bohr, "Nobel Prize Lecture: The Structure of the Atom" (Stockholm, 11 December 1922), reprinted at 91–97, in Niels Bohr. A centenary volume (1985).
  15. Niels Bohr, "On the Constitution of Atoms and Molecules" in Philosophical Magazine 26: 1–25, 476–502, 857–875 (1913).
  16. Helge Kragh, "The Theory of the Periodic System" at 50–67, in Niels Bohr. A centenary volume (Harvard University 1985), edited by A. P. French and P. J. Kennedy. Here also, "Works by Niels Bohr" at 385–391.
  17. Cf., John L. Heilbron, "Bohr's First Theories of the Atom" 33–49, at 39–47, in Niels Bohr. A centenary volume (1985).
  18. Aaserud, Finn. "History of the institute: The establishment of an institute". Niels Bohr Institute. Inarkibo mula sa orihinal noong 5 Abril 2008. Nakuha noong 11 Mayo 2008.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  19. Niels Bohr. A centenary volume (1985) at 9, 12, 13, 15, 71–73.
  20. Edward MacKinnon, "Bohr on the Foundations of Quantum Theory" in Niels Bohr. A centenary volume (1985), 101–120. "Shortly before his death [Bohr] complained that no professional philosopher had ever understood his doctrine of complementarity." Ibid. at 101; cf., 112–113.
  21. Niels Bohr, "Discussion with Einstein on Epistemological Problems in Atomic Physics", 199–142, in Albert Einstein. Philosopher-Scientist ([1949]; New York: MJF Books, 3d 1969), edited by P. A. Schilpp; reprinted in Niels Bohr, Atomic Physics and Human Knowledge (1968), and in Niels Bohr. A centenary volume (1985).
  22. Matthias Dőrries, editor, Michael Frayn's Copenhagen in Debate. Historical Essays and Documents on the 1941 Meeting between Niels Bohr and Werner Heisenberg (Berkeley: University of California 2005).
  23. French and Kennedy, editors, Niels Bohr. A centenary volume (1985) at 280, 282.
  24. Pais 1991, p. 496.
  25. Long, Doug. "Niels Bohr – The Atomic Bomb and beyond". Hiroshima – was it necessary?. Nakuha noong 26 Hunyo 2011.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  26. Rhodes 1986, pp. 528–538.
  27. "Bohr crest". University of Copenhagen. 17 Oktubre 1947. Inarkibo mula sa orihinal noong 16 Hulyo 2011. Nakuha noong 16 Marso 2007.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) Naka-arkibo 2 May 2019[Date mismatch] sa Wayback Machine.
  28. Pais 1991, p. 529.