Modelong Bohr
Sa pisikang atomiko, ang modelong Bohr na ipinakilala ng pisikong si Niels Bohr noong 1913 ay naglalarawan sa atomo bilang isang maliit na may kargang positibong nukleyus ng atomo na napapalibutan ng mga elektron na naglalakbay sa mga orbitong sirkular katulad ng istraktura ng sistemang solar ngunit may mga pwersang elektrostatiko na nagbibigay ng atraksiyon kesa sa grabidad. Ang modelong ito ay isang pagpapabuti sa mas naunang modelong kubiko(1902), modelong plum-pudding(1904), ang modelong Saturniyano(1904) at ang modelong Rutherford(1911). Dahil sa ang modelong Bohr ay isang batay sa quantum na pagbabago ng modelong Rutherford, maraming mga sanggunian ang nagsasama ng dalawang ito na tinutukoy na modelong Rutherford-Bohr. Ang mahalagang tagumpay ng modelong ito ay nasa pagpapaliwanag ng pormulang Rydberg para sa spektral na mga linyang paglabas ng atomikong hidroheno. Bagaman ang pormulang Rydberg ay kilala sa eksperimento, hindi ito nagkamit ng saligang teoretikal hanggang sa maipakilala ang modelong Bohr. Hindi lamang naipaliwanag ng modelong Bohr ang dahilan para sa istraktura ng pormulang Rydberg, ito ay nagbigay rin ng pangangatwiran para sa mga empirikal na resulta nito sa mga termino ng mga pundamental na konstanteng pisikal. Ang modelong Bohr ay isang relatibong primitibong model ng atomong hidroheno kumpara sa atomong valence shell. Bilang teoriya, ito ay maaaring hanguin bilang isang unang-order na aproksimasyon ng atomong hidroheno gamit ang mas malawak at mas higit na tumpak na mekanikang quantum at kaya ay maituturing itong isang hindi na ginagamit na teoriyang siyentipiko, Gayunpaman, dahil sa pagiging simple nito at sa mga tamang resulta nito para sa mga napiling sistema, ang modelong Bohr ay karaniwan pa ring itinuturo upang ipakilala sa mga estudyante ang mekanikang quantum bago ang paglipat sa mas tumpak ngunit mas komplikadong atomong valence shell. Ang isang nauugnay na modelo ay orihinal na iminungkahi ni Arthur Erich Haas noong 1910 ngunit itinakwil. Ang teoriyang quantum sa pagitan ng pagkakatuklas ni Max Planck ng quantum(1900) at ang pagdating ng isang lubusang umunlad na mekanikang quantum(1925) ay kadalasang tinutukoy na lumang teoriyang quantum.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Akhlesh Lakhtakia (Ed.) (1996). "Models and Modelers of Hydrogen". World Scientific. ISBN 981-02-2302-1.
{{cite journal}}
: Cite journal requires|journal=
(tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)