Werner Heisenberg
Si Werner Heisenberg[1] (5 Disyembre, 1901 sa Würzburg – 1 Pebrero, 1976 sa Munich) ay isang Alemang pisikong teoretikal na gumawa ng mga pangunahing ambag sa mekaniks na kwantum at kilala sa kanyang asersiyon ng prinsipyo ng walang katiyakan ng teoriya ng kwantum. Sa karagdagan, siya ay gumawa din mga mahahalagang ambag sa pisikang nukleyar, teoriyang kwantum na larangan at pisika ng partikulo.
Si Heisenberg kasama si Max Born at Pascual Jordan ang naglatag ng pormulasyong matriks ng kwantum mekaniks noong 1925. Siya ay naparangalan ng Gantimpalang Nobel noong 1932 sa kanyang pagkakalikha ng kwantum mekaniks at ang aplikasyon nito lalo na sa pagkakatuklas ng mga alotropikong mga anyo ng hidroheno.
Kasunod ng ikalawang digmaang pandaigdig, siya ay nahirang na direktor ng Kaiser Wilhelm Institute for Physics na sa sandaling panahon ay muling ipinangalang Max Planck Institute for Physics. Siya ang direktor ng institutong ito hanggang sa ito ay ilipat sa Munich noong 1958 nang ito ay palawakin at muling pinangalanang Max Planck Institute for Physics and Astrophysics.
Si Heisenberg ay isa ring pangulo ng German Research Council, puno(chairman) ng Commission for Atomic Physics, puno ng Nuclear Physics Working Group, at pangulo ng Alexander von Humboldt Foundation.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Cline, Barbara Lovett. "Werner Heisenberg," Men Who Made a New Physics: Physicists and the Quantum Theory, dating pamagat: The Questions, Signet Science Library Book, The New American Library, New York/Toronto, 1965/1969, Library of Congress Catalog Card No. 65-18693