Martin Heisenberg
Si Martin Heisenberg (ipinanganak sa Munich noong ika-7 ng Agosto, 1940)[1] ay isang Alemang neurobiyologo at henetisista. Bago sumapit ang pagreretiro niya noong 2008, hinawakan niya ang pangangasiwang pampropesor para sa henetika at neurobiyolohiya roon sa Bio Centre ng Pamantasan ng Würzburg. Magmula noon, ipinagpatuloy niiya ang kaniyang pananaliksik bilang isang nakatatandang propesor doon sa Rudolf Virchow Center.
Nag-aral si Heisenberg ng kimika at biyolohiyang molekular sa Munich, Tübingen at Pasadena. Noong 1975, siya ay naging propesor ng henetika at neurobiyolohiya sa Pamantasan ng Würzburg. Nakatuon ang gawain ni Heisenberg sa neurohenetika ng Drosophila (ang langaw ng prutas), na ang layunin ay imbestigahan ang mga pundasyong henetiko ng utak ng Drosophila sa pamamagitan ng pag-aaral sa epekto ng mga mutasyon henetiko sa pagganap sa tungkulin ng utak. Bilang dagdag, nag-ambag si Heisenberg ng ilang mga sanaysay hinggil sa mga paksang katulad ng agham sa lipunan, persepsiyon, pati na ang tanong hinggil sa kalayaan ng kagustuhan. Nahalal siya bilang isang miyembro ng Leopoldina noong 1989.[2]
Kasal si Martin Heisenberg kay Apollonia, Kondesa ng Eulenburg, na isang pamangking babae ng pilosopo at pisikong si Carl Friedrich von Weizsäcker at ng politikong si Richard von Weizsäcker. Mayroon silang apat na mga anak na lalaki, kabilang na ang direktor ng pelikulang si Benjamin Heisenberg. Si Martin Heisenberg ay ang kapatid na lalaki ng pisikong si Jochen Heisenberg, at anak na lalaki ng pisikong si Werner Heisenberg, na nakikilala dahil sa prinsipyo ng kawalan ng katiyakan.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "Academy of Europe: CV". Ae-info.org. Nakuha noong 2012-12-27.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Mitgliederverzeichnis". Leopoldina.org. Inarkibo mula sa orihinal noong 2012-04-04. Nakuha noong 2012-12-27.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)