Carl Friedrich von Weizsäcker
Carl Friedrich von Weizsäcker | |
---|---|
Kapanganakan | Carl Friedrich Freiherr von Weizsäcker 28 Hunyo 1912 Kiel, Schleswig-Holstein |
Kamatayan | 28 Abril 2007 Starnberg, Bavaria | (edad 94)
Nasyonalidad | Aleman |
Mamamayan | Alemanya |
Nagtapos | Pamantasan ng Göttingen Pamantasan ng Leipzig |
Kilala sa | Pormularyong Bethe–Weizsäcker Prosesong Bethe–Weizsäcker |
Parangal | Medalya ng Max Planck Medal (1957) Premyong Goethe (1958) Premyong Templeton Prize (1989) |
Karera sa agham | |
Larangan | Pisika, Pilosopiya |
Institusyon | Insituto ng Max Planck |
Doctoral advisor | Friedrich Hund |
Doctoral student | Karl-Heinz Höcker |
Si Carl Friedrich Freiherr von Weizsäcker (28 Hunyo 1912 – 28 Abril 2007) ay isang Alemang pisiko at pilosopo. Siya ang pinakamahabang-buhay na kasapi sa pangkat na nagsagawa ng pananaliksik na nukleyar sa Alemanya noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, sa ilalim ng pamumuno ni Werner Heisenberg. Mayroong umiiral na debate hinggil sa kung siya, at iba pang mga miyembro ng pangkat, ang aktibo at maluwag sa kalooban na nagpursige sa pagpapaunlad ng isang bombang nukleyar para sa Alemanya noong kapanahunang iyon.
Bilang isang miyembro ng kilalang mag-anak na Weizsäcker, siya ang anak na lalaki ng diplomatang si Ernst von Weizsäcker, nakatatandang kapatid na lalaki ng dating Pangulo ng Alemanya na si Richard von Weizsäcker, ama ng pisiko at mananaliksik na pangkalikasan na si Ernst Ulrich von Weizsäcker, at biyenang lalaki ng dating Pangkalahatang Kalihim ng Pandaigdigang Konsilyo ng mga Simbahan na si Konrad Raiser.
Gumawa si Weizsäcker ng mahahalagang mga tuklas na pangteoriya hinggil sa produksiyon ng enerhiya sa loob ng mga bituin mula sa mga proseso ng paghahalo at pagsasanib na nukleyar. Nakagawa rin siya ng maimpluwensiyang gawaing pangteoriya hinggil sa kaayusan ng mga planeta noong kaagahang panahon ng Sistemang Solar.
Sa huling bahagi ng kaniyang larangan, mas tumuon si Weizsäcker sa mga paksang pampilosopiya at etikal, at nagawaran ng ilang mga pagpaparangal na internasyunal para kaniyang mga gawain para sa mga paksang ito.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Pisika, Pilosopiya at Alemanya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.