Pumunta sa nilalaman

Mary Elizabeth Frye

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Mary Elizabeth Clark)
Mary Elizabeth Frye
Kapanganakan13 Nobyembre 1905
  • (Montgomery County, Ohio, Estados Unidos ng Amerika)
Kamatayan15 Setyembre 2004
MamamayanEstados Unidos ng Amerika

Si Mary Elizabeth Frye (ipinanganak sa Dayton, Ohio, noong 13 Nobyembre, 1905 - Baltimore 15 Setyembre 2004) ay isang may-bahay at tindera ng bulaklak, mas kilala bilang may-akda ng tulang "Do not stand at my grave and weep" (Huwag tumindig sa aking libingan at tumangis), na nasulat noong 1932.[1] Ipinanganak siya bilang Mary Elizabeth Clark, at naulila sa gulang na tatlo. Noong 1927, nagpakasal siya kay Claud Frye. Ang katauhan ng may-akda ng tula ay hindi nakikilala hanggang sumapit ang hulihan ng dekada 1990, nang ibinunyag ni Frye na siya ang sumulat nito. Ang kanyang pag-aangkin ay lumaong napatunayan ng kolumnista sa pahayagan na si Abigail Van Buren.[1]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 "obituaryo ng Times Online". Inarkibo mula sa orihinal noong 2011-10-07. Nakuha noong 2010-09-28.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)


TalambuhayEstados UnidosPanitikan Ang lathalaing ito na tungkol sa Talambuhay, Estados Unidos at Panitikan ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.