Mary Jane (sapatos)
Ang Mary Jane (kilala din bilang bar shoes o doll shoes) ay isang uri ng sapatos na mayroong isa o higit pang sinturon sa bubong ng paa. Kalimitan itong gawa sa katad at isinusuot ng mga batang babae lalo na sa mga natatanging mga okasyon katulad ng mga seremonyang pormal, o bilang bahagi ng kasuotan sa paaralan. Bagamat noong una ay isinusuot ito ng parehong kasarian, kinalaunan ay itinuturing na tanging pang-babae ang pagsuot ng sapatos na Mary Jane.
Pinangalan ito sa karakter na si Mary Jane mula sa komikong pinamagatang Buster Brown na inilikha ni Richard Felton Outcault, kung saan siya ay kababata ni Buster Brown. Hinango ni Outcault ang karakter mula sa kanyang anak na babae, at siya at si Buster Brown ay ginamit ng Brown Shoe Company para sa kanilang mga patalastas ng kanilang pambatang sapatos.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Tao at Kalinangan ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.