Midyang panlahat
Ang midyang pangmasa o midyang panlahat (Ingles: mass media) ay kinabibilangan ng iba't ibang midya na naabot ang malaking madla sa pamamagitan ng komunikasyong panlahat.
Elektronikong naghahatid ng impormasyon ang midyang brodkast sa pamamagitan ng midya tulad ng mga pelikula, radyo, musikang ni-rekord, o telebisyon. Binubuo ang midyang dihital ng parehong Internet at mobile na komunikasyong panlahat. Binubuo ang midyang Internet ng mga serbisyo tulad ng email, mga sayt para sa hatirang pangmadla, mga websayt, at radyo at telebisyon na nasa Internet. Maraming ibang sangay ng midyang panlahat ang mayroong karagdagang presensya sa web, sa pamamagitan ng mga kaparaanang tulad ng pagli-link sa o pagpapatakbo ng mga patalastas pantelebisyon sa online, o pamamahagi ng mga kodigong QR na nakikita sa labas o midyang imprenta upang idirekta ang mga tagagamit ng mobile sa isang websayt. Sa paraang ito, madali nilang mapapasok at maabot ang mga kakayahan na inaalok ng Internet, sa gayon, madaling i-brodkast ang impormasyon sa maraming iba't ibang rehiyon ng mundo ng sabay-sabay at menus-gastos. Nagpapadala ang midyang panlabas na nagpapadala ng impormasyon sa pamamagitan ng midya tulad ng pagpapatalastas gamit ang AR; mga paskilan (o billboard); mga blimp; mga lumilipad na paskil (mga karatula na hila-hila ng mga eroplano); plakard o kiyosko na nakalagay sa loob at labas ng bus, gusaling komersyal, tindahan, istadyum pampalakasan, bagon ng subway o tren; mga karatula; o pagsusulat sa langit.[1] Nagpapadala ng impormasyon ang midyang imprenta sa pamamagitan ng mga bagay na pisikal, tulad ng aklat, komiks, magasin, pahayagan, o polyeto.[2] Tinuturing din ang pag-organisa ng kaganapan at pagtatalumpating pampubliko na mga anyo ng midyang panlahat.[3]
Ang mga organisasayon na kinokontrol ang mga teknolohiyang ito, tulad ng mga istudiyong pampelikula, at mga himpilan ng radyo at telebisyon, ay kilala din bilang midyang panlahat.[4][5]
Mga isyu sa kahulugan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Noong huling ika-20 dantaon, maaring iuri ang midyang panlahat sa walong industriya ng midyang panlahat: mga aklat, ang Internet, pelikula, pahayagan, radyo, rekording at telebisyon. Ang pagputok ng teknolohiyang komunikasyong dihital noong huling ika-20 at maagang 21 dantaon ay ginawang prominente ang tanong na: anong anyo ng midya ang dapat na nakauri bilang "midyang panlahat"? Halimbawa, kontrobersyal ba kung isasama ang mga teleponong selular at larong bidyo sa kahulugan. Noong maagang dekada 2000, isang klasipikasyon na tinawag na "seven mass media" o "pitong midyang panlahat" ang ginamit.[6] Ito ang mga iyon ayon sa pagpapakila sa kanila:
- Imprenta (aklat, polyeto, pahayagan, magasin, paskil, atbp.) mula noong huling ika-15 dantaon
- Mga rekording (mga rekord sa gramopono, mga teyp na magnetiko, mga kasete (o casette), mga cartridge, mga CD at DVD) mula sa huling ika-19 na dantaon
- Pelikula mula noong mga 1900
- Radyo mula noong mga 1910
- Telebisyon mula noong mga 1950
- Ang Internet mula noong mga 1990
- Mga teleponong selular mula noong mga 2000
Bawat midyum panlahat ay may sarili nilang uri ng nilalaman, artistang malikhain, tekniko at modelo ng negosyo. Halimbawa, kinabibilangan ang Internet ng mga blog, podkast, at websayt at iba't ibang teknolohiya sa taas ng pangkalahatang network ng pamamahagi. Ang midyang ikaanim at ikapito, ang Internet at teleponong selular, ay kadalasang tinutukoy na midyang dihital kapag pinagsama; at ang ikapaat at ikalima, ang radyo at telebisyon, bilang midyang pambrodkast. May nagsasabing umunlad ang larong bidyo sa isang naiibang anyong panlahat ng midya.[7]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "Mass Media" (sa wikang Ingles). eNotes.com. Inarkibo mula sa orihinal noong 7 Abril 2020. Nakuha noong 25 Hunyo 2019.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Riesman et al. (1950) ch. 2 p. 50 (sa Ingles)
- ↑ Manohar, Uttara. "Different Types of Mass Media" (sa wikang Ingles). Buzzle.com. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 14 Nobyembre 2011. Nakuha noong 26 Nobyembre 2011.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Mass media". Oxford English Dictionary, bersyong online Nobyembre 2010 (sa Ingles)
- ↑ Potter, W. James (2008). Arguing for a general framework for mass media scholarship (sa wikang Ingles). Sage. p. 32. ISBN 978-1-4129-6471-5.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Sashwat Yogi "Role Of Media In Social Awareness (A Review Study)." Humanities & Social Sciences Reviews 1.1 (2013): 71-73, online) (sa Ingles).
- ↑ "All the world's a game". The Economist (sa wikang Ingles). 10 Disyembre 2011. Inarkibo mula sa orihinal noong 27 Hunyo 2013. Nakuha noong 28 Hunyo 2013.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)