Pumunta sa nilalaman

Matilda (pelikula ng 1996)

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Matilda
DirektorDanny DeVito
Prinodyus
Iskrip
Ibinase saPadron:Binase sa
Itinatampok sina
MusikaDavid Newman
SinematograpiyaStefan Czapsky
In-edit ni
Produksiyon
TagapamahagiTriStar Pictures
Inilabas noong
  • 2 Agosto 1996 (1996-08-02)
Haba
98 minuto[1]
BansaEstados Unidos
WikaIngles
Badyet$36 milyon[2]
Kita$33 milyon[3]

Ang Matilda ay isang 1996 American fantasy comedy film na idinarek ni Danny DeVito, na gumawa kasama sina Michael Shamberg , Stacey Sher, at Lucy Dahl. Isinulat ito ni Nicholas Kazan at Robin Swicord, batay sa Matilda (nobela) ni Roald Dahl na nobelang ng parehong pangalan. Sina Mara Wilson, DeVito, Rhea Perlman, Embeth Davidtz, at Pam Ferris na bituin. Ang pelikula ay tungkol sa isang batang henyo na nagngangalang Matilda, na gumagamit ng telekinesis upang harapin ang kanyang mga magulang, na hindi pinahahalagahan ang edukasyon, at si Agatha Trunchbull, ang mapang-api na punong-guro ng Crunchem Hall Elementary School.

Inilabas ang pelikula sa Estados Unidos noong 2 Agosto 1996.

Daloy ng Kwento

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Matalino si Matilda Wormwood, ngunit hindi siya pinapansin at hindi siya naaalagaan ng tama ng kanyang mga magulang na sina Harry at Zinnia, at kanyang kapatid na lalaki na si Michael. Simula pagkabata, nagpakita si Matilda ng hindi mapaniniwalaang pagkatuto ng kakayahan at napaunlad ang matibay na pandama ng kalayaan ng dahil sa bawat Sabado’t Linggong palagiang pag-iwan sa kanya sa bahay, kung saan nagtatrabaho ang kanyang ama, naglalaro naman ng bingo ang kanyang ina at nasa paaralan naman ang kapatid niyang si Michael. Para palipasin ang oras, natutunan ni Matilda ang ruta papunta sa pampublikong silid-aklatan para magbasa ng mga aklat at maghanap ng aliw sa mga mundo ng pantasya na ibinibigay ng aklat.

Sa edad na anim at kalahati, nagsimula nang mawalan ng pasensya sa kanyang mga magulang si Matilda, nagpapahayag ng pagnanais na pumasok sa paaralan, na kung saan maingay na tumanggi at tinudyo siya ng kanyang magulang. Sa paghihiganti para sa kanyang ama na patuloy na kagalitan, nalutas niya na parusahan siya sa bawat pagkakataon, una sa pagdagdag ng hydrogen peroxide sa kanyang gamot na pampalakas ng buhok upang maging masama sa kalusugang olandes o blonde ang buhok niya, at paglalagay ng pandikit sa kanyang sambalilo pagkatapos para sa kanyang ulo ng natuklasan niya ang kanyang negosyong pandaraya ng sasakyan. Sa hindi inaasahan, nagsimulang maganap ang mga hindi masusuwerteng mga bagay sa paligid ni Harry ng magalit sa kanya si Matilda. Sa pagkakataon, na nagbabasa siya ng hiniram sa silid-aklatang kopya ng Moby-Dick, pinunit ito ni Harry at bagkus pinanood na lamang siya ng telebisyon, ang pagtaas ng kanyang galit ang nagsanhi ng pagsabog sa set ng telebisyon.

Sa wakas malubag sa loob ni Harry na hayaan si Matilda na pumasok sa paaralan pagkatapos ng pagbenta ng sasakyan kay Agatha Trunchbull na isang malupit na punong-guro ng pan-elementaryang paaralang rundown, Crunchem Hall. Doon, Kinaibigan ni Matilda ang ilang mga bata at natuklasan ang katangiang marahas at labis na kabagsikan na mga pagpaparusa ni Trunchbull sa mga mag-aaral na kung saan nawalan na ito ng kapahintulutan sa mga makapangyarihan. Sa kabutihang palad, isang mabait na babae na kung saan pakamahalin sa kanyang klase ang guro ni Matilda, si Jennifer Honey, na tumatagal ng kagyat na pagkamatuwain sa katangiang magiliw at pagiging mapagkumbaba ni Matilda sa kabila ng hindi kapani-paniwalang katalinuhan niya. Hiniling nito kay Trunchbull na ilipat sa mataas na klase si Matilda, ngunit tumanggi si Trunchbull. Nang gabing iyon, naglaan si Binibining Honey na bisitahin ang mga Wormwood para sabihin sa kanila ang tungkol sa katalinuhang-lebel ng pag-unawa ni Matilda sa kanyang mga gawaing-pampaaralan at nagmungkahi na ilagay siya sa mataas na lebel ng mga klase. Ang mga Wormwood, gayunman, hindi pinakinggan si Binibining Honey at umismid sa ideya na sapat ang talino ng kanilang anak na babae para sa kolehiyo.

Samantala, natuklasan ni Matilda na nasa ilalim ng pagmamatyag ng mga kinatawan ng FBI na sina Bob at Bill ang pamilya niya dahil sa ilegal na paglalako ng kanyang ama, ngunit itinangging paniwalaan siya ng kanyang mga magulang, bagkus naloko si Zinnia ng mga kinatawan na paisipin na isa silang mga tagatinda ng matuling lantsang may motor o speedboat at nag-akala si Harry na niloloko siya ni Zinnia na mayroong dalawang lalaki. Natuklasan kalaunan ni Matilda ang linguhang “pagrerepaso” ni Trunchbull para maliitin ang mga mag-aaral. Bilang isang kalokohan, si Lavender na isa sa mga kaibigan ni Matilda ay naglagay ng tritunos o newt sa pitsel ni Trunchbull para takutin siya. Sa oras na natuklasan ang newt, inakusahan ni Trunchbull si Matilda na galit sa kawalan ng hustisya na naging daan kay Matilda sa pantelekinetikal na patumbahin ang baso na nagdulot ng pagtilamsik ng tubig at pagtapon ng newt kay Trunchbull. Pagkatapos, inanyayaan ni Binibining Honey si Matilda sa kanyang bahay para magtsaa. Sa paglalakad, nadaanan nila ang bahay ni Trunchbull at doon nagbunyag si Binibining Honey ng isang sekreto sa kanya: Nang dalawang tao pa lamang siya, namatay ang kanyang ina, kaya inanyayahan ng kanyang ama na si magnus ang kanyang stepsister-in-law na si Trunchbull na manirahan na kasama sila at tingnan siya. Gayunman, regular na inaabuso siya ni Trunchbull habang nasa trabaho ang kanyang ama na isang doktor. Nang nasa limang taon na si Binibining Honey, namatay ang kanyang ama sa pinanindigang pagpapakamatay at naiwan ang lahat kay Trunchbull. Sa huli, lumipat siya sa isang maliit na kubo. Pumasok ng palihim sina Matilda at Binibining Honey sa bahay ni Trunchbull habang lumabas ito upang kunin ang ilan sa mga pag-aari ni Binibining Honey, ngunit naging daan sa isang habulang pusa-at-daga ang hindi inaasahang pagbalik ni Trunchbull, nakalabas silang dalawa na hindi man lamang nakikilala ang kanilang pagkakakilanlan.

Nang magpakita ulit ang mga kapangyarihang telekinetiko ni Matilda sa kasagsagan ng pagtatalo ng kanyang ama, tinuruan niya ang sarili niya na gamitin ito sa sarili niyang kagustuhan, sa pagpapalipad ng mga bagay sa paligid ng bahay para hadlangan ang mga kinatawan ng FBI, na tinakot si Matilda na ilalagay sa pag-aalagang postal kung hindi niya maibabalik ang kanyang ama para sa kanyang kahina-hinalang parte ng negosyo. Bumalik si Matilda sa bahay ni Trunchbull at ginamit ang kanyang telekinesis upang magbagsak ng kaguluhan sa pagsubok na takutin siya. Halos nakatakas siya, ngunit nahanap ni Trunchbull ang laso sa buhok ni Matilda at napagtanto ang kanyang presensiya. Sumunod na araw, binisita ulit ni Trunchbull ang klase ni Binibining Honey para paaminin na may kasalanan si Matilda. Mahikang nakapagsulat ng mensahe sa pisara si Matilda, magpuwesto bilang multo ni Magnus, Pinaparatangang si Trunchbull na pinatay siya at hinihingi ang pagbabalik ng mga ari-arian ng kanyang anak na babae. Naging nagngangalit si Trunchbull at inatake ang mga mag-aaral, ngunit pinanatili ni Matilda na walang masasaktan dito sa pamamagitan ng kanyang kapangyarihan, at sa lakas nilang lahat, napatalsik si Trunchbull sa paaralan ng panghabang-buhay. Sa dakong huli, bumalik na si Binibining Honey sa kanyang tunay na bahay.

Sa wakas, sapat na nabunyag ng FBI ang mga ebidensiya para isakdal si Harry at naghanda ang mga Wormwood na tumakas papuntang Guam. Tumigil sila sa bahay ni Binibining Honey para kunin si Matilda, ngunit tumanggi siya na sumama sa kanila at nagmungkahi na kupkupin siya ni Binibining Honey. Sa oras na iyon, pataghoy na nagsisisi nang taos si Zinnia sa hindi niyang maunawaan na anak na babae at nagsisi siya na hindi niya natrato ito ng mabuti at ginawa niya ang tanging isang mapagmahal na bagay na gagawin niya bilang isang magulang: lagdaan ang mga papel ng pagkukupkop na itinago ni Matilda simula ng bata pa siya, at nakumbinsi si Harry na lumagda din. Tumakas na sila at namuhay si Matilda ng masayang namuhay sa piling ni Binibining Honey na naging isang bagong punong-guro ng Crunchem Hall. Sa wakas, nakatungtong si Matilda sa mataas na lebel ng mga klase, at bibihira ngayon, kung sakali ang paggamit niya ng kapangyarihang telekinesis.

  1. "MATILDA (PG)". British Board of Film Classification. Agosto 14, 1996. Nakuha noong Hulyo 24, 2013.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Matilda sa Box Office Mojo
  3. "Matilda (1996)". worldwideboxoffice.com.

Panlabas na Kawing

[baguhin | baguhin ang wikitext]
May koleksyon ng mga sipi ang Wikiquote sa Ingles tungkol sa paksa ng artikulong ito.