Pumunta sa nilalaman

Matt Simms

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Matt Simms (ipinanganak noong 27 Setyembre 1988) ay isang manlalaro ng kolehiyo bilang isang quarterback ng Louisville Cardinals. Siya ay may tangkad na 6 na talampakan, 3 pulgada at may bigat na 200 libras. Siya ay anak ni Phil Simms, dating quarterback ng New York Giant at kapatid ni Chris Simms, ang quarterback ng Tampa Bay Bucaneers.

Maliwanag na minana ni Matt Simms ang kanyang mga katangian bilang manlalaro ng football mula sa kanyang ama at kapatid. Si Simms ay maayos at balanse sa pocket at mahusay na leader. Mayroon din siyang mabilis na pagbitaw at higit sa karaniwang lakas ng bisig. Siya ay nag commit sa Louisville Cardinals bilang quarterback nitong 2007.

Sa sekundaryang paaralan

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Si Matt Simms ay naglaro sa Greg Toal at Don Bosco Prep High School. Si Simms ay isang three-star recruit ng Rivals.com, tatlong taong starter bilang quarterback at napabilang bilang eighth-best player ng estado ng New Jersey. Siya ay nagpasa ng higit sa 6,000 yards at 60 touchdowns sa loob ng kanyang paglalaro. Siya rin ay nabilang na 60th-best recruit ni Tom Lemming ng CSTV’s. Pinangunahan din ni Simms ang Don Bosco Prep sa isang state title at perpektomg score na 12-0 na nagbigay sa koponan bilang numero unong ranked team ng estado ayon sa Star Ledger. Si Simms ay nagtala ng 2,744 yards at 30 touchdowns ngunit ang Don Bosco ay hindi umabot sa huling laban ng state playoffs. Pinangunahan din ni Simms ang kanyang koponan sa 11-1 record at makarating para sa final ng New Jersey Non-Public Group 4 playoff noong siya ay isang junior player.


Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.