Yerba

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Mayerbang halaman)
Mga damong-gamot

Sa pangkalahatng gamit, ang yerba,[1] tinatawag din bilang damong-gamot,[2] halamang-damo,[3] o damong-ipinanggagamot[2] (Ingles: herb), ay isang pangkat ng mga halaman na malawak na nakakalat at laganap, na hindi kabilang ang gulay at ibang mga halaman na kinukonsumo para sa makronutriyente, na may malasa at aromatikong katangian na ginagamit bilang pampalasa at pag-adorno ng pagkain, panggamot, o panghalimuyak. Tipikal na pinagkakaiba ang yerba sa panimpla o espesya kapag ginagamit sa pagluluto. Pangkalahatang tumutukoy ang yerba sa luntiang dahon o bahagi ng halaman na namumulaklak (sariwa o pinatuyo), habang ang espesya ay kadalasang tuyo at kinukuha mula sa ibang bahagi ng halaman, kabilang ang buto, banakal, ugat, at bunga.

May iba't ibang gamit ang yerba kabilang ang pagluluto, panggamot, aromatiko, at sa ilang kaso, espirtuwal. Sa botanika, tinutukoy ng yerba ang isang halamang mala-damo (o herbaceous),[4] na binibigyan kahulugan bilang isang maliit na nagdadala ng binhi na walang tangkay na makahoy na lahat ng mga bahagi sa himpapawid (i.e., sa taas ng lupa) ay namamatay sa lupa sa dulo ng bawat panahon ng paglago.[5]

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang wikitext]

  1. Gaboy, Luciano L. Herb, halamang damo, yerba - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.
  2. 2.0 2.1 English, Leo James (1977). "Damong-gamot, herb, damong-ipinanggagamot, medicinal herb". Tagalog-English Dictionary (sa wikang Ingles). Congregation of the Most Holy Redeemer. ISBN 9710810731.
  3. "Herb." Naka-arkibo 2016-03-05 sa Wayback Machine. Carlsen, John Edmund, English<=>Tagalog Dictionary, English-Swedish-Tagalog-Cebuano Dictionary, Ika-1 edisyon, 1999/2000, ForeignWord.com ISBN 91-630-4769-3
  4. The Royal Horticultural Society encyclopedia of gardening (sa wikang Ingles) (ika-2nd (na) edisyon). Dorling Kindersley. 2004. pa. 404, 679. ISBN 9781405303538.
  5. Allaby, Michael (2012). A Dictionary of Plant Sciences (sa wikang Ingles). Oxford University Press. ISBN 9780191079030.