Pumunta sa nilalaman

Halamang-gamot

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Ang banakal ng mga puno ng sause na naglalaman ng asido salisiliko, ang aktibong metabolito ng aspirin, at ginagamit na sa mga milenya na nakaraan para pawiin ang kirot o sakit at lagnat.[1]
Mga halamang gamot

Ang halamang-gamot, tinatawag din na yerbang pangmedisina, ay natuklasan at ginagamit sa pagsasanay sa tradisyunal na medisina simula pa noong panahon bago ang kasaysayan. Pinagsama-sama ng mga halaman ang daan-daang mga kompuwestong kimikal para sa mga paggana kabilang ang sanggalang laban sa mga kulisap, halamang singaw, mga sakit, at mga mamalyang herbiboro. Maraming natukoy na pitokimikal na may potensyal o naitakda ang aktibidad pambiyolohiya. Bagaman, yayamang naglalaman ang nag-iisang halaman ng malawak na magkakaibang mga pitokimikal, hindi tiyak ang epekto ng paggamit ng buong halamang bilang panggamot. Dagdag pa dito, ang laman ng pitokimikal at ang mga aksyong parmakolohikal, kung mayroon man, ng maraming halaman na may potensyal na gawing panggamot ay nanatiling hindi nasusuri ng mahigpit na siyentipikong pananaliksik upang mabigyan kahulugan ang bisa at kaligtasan nito.[2]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Lichterman, B. L. (2004). "Aspirin: The Story of a Wonder Drug". British Medical Journal (sa wikang Ingles). 329 (7479): 1408. doi:10.1136/bmj.329.7479.1408. PMC 535471.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Ahn, K. (2017). "The worldwide trend of using botanical drugs and strategies for developing global drugs". BMB Reports (sa wikang Ingles). 50 (3): 111–116. doi:10.5483/BMBRep.2017.50.3.221. PMC 5422022. PMID 27998396.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)