Pumunta sa nilalaman

Maynila, sa mga Kuko ng Liwanag

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Maynila: Sa mga Kuko ng Liwanag)
Maynila sa mga Kuko ng Liwanag
DirektorLino Brocka
Prinodyus
IskripClodualdo del Mundo, Jr.
Ibinase saIn the Claws of Brightness
ni Edgardo M. Reyes
Itinatampok sina
MusikaMax Jocson
SinematograpiyaMiguel de Leon
In-edit ni
  • Edgardo Jarlego
  • Ike Jarlego
TagapamahagiCinema Artists Philippines
Inilabas noong
  • 16 Hulyo 1975 (1975-07-16)
  • 7 Agosto 2013 (2013-08-07) (re-release)
Haba
125 minuto
BansaPilipinas
WikaPilipino

Ang Maynila, sa mga Kuko ng Liwanag ay isang pelikulang Pilipino noong 1975 ni Lino Brocka na may paksang drama na batay sa nobela ni Edgardo M. Reyes na Sa mga Kuko ng Liwanag. Pinagbibidahan ito ni Rafael Roco, Jr. at Hilda Koronel at kinikilala na isa sa pinakamahusay, kung hindi man pinakamahusay na pelikulang Pilipino.[1] Nagwagi ito ng syam na parangal sa FAMAS Awards noong 1976, kabilang ang parangal sa Pinakamahusay na Pelikula, Pinakamahusay na Direktor para kay Brocka, at Pinakamahusay na Aktor para sa baguhang aktor na si Roco.[2][3]

Tinanghal ang nirestore na bersiyon nito bilang isa sa mga Classics sa Cannes Film Festival noong 2013.[4][5] Kinilala ng pinagpipitagang direktor at tagapangulo ng World Cinema Foundation, na si Martin Scorsese, ang “lugar ng Maynila sa pandaigdigang pelikula”, kasabay ng pagpuri sa kapwa niya direktor na si Brocka at cinematographer nito na si Mike de Leon.[1] Pumang tatlumpu[6][7] ang Maynila, Sa Mga Kuko ng Liwanag sa Asian Cinema 100 o talaan ng 100 pinakamahusay na pelikulang Asyano na inilabas noong Oktubre 2015, kasabay ng ika-20 taon ng Busan International Film Festival.[8][9]

  • Rafael Roco, Jr. bilang Julio Madiaga - Ang 21 taong gulang na bida mula sa Marinduque, na naggagala sa Maynila upang hanapin ang kanyang iniibig na si Ligaya. Sinimulan nya ang salaysay bilang isang mahinahon at muslak[a] na lalaki; subalit sa huli ay unti-unting magbabago patungo sa isang nanlulumo at mapaghiganting tao.
  • Hilda Koronel bilang Ligaya Paraiso - Ang ikakasal kay Julio. Dinala sya sa Maynila sa pagnanasang makakakuha sya ng mabuting pag-aaral, subalit humantong lamang sa pagiging aliping sekswal.
  • Lou Salvador, Jr. bilang Atong - Isang manggagawa ng gusali na kinaibigan ni Julio. Nagsilbi si Atong na gabay ni Julio sa mga gawain ng mga nagtatrabahong tao ng Maynila at ng lungsod narin. Natulungan nya si Julio na lagpasan ang karimlan ng lungsod. Pagkatapos ay mali syang nahuli at ikinulong, at namatay sa kamay ng kanyang mga kakosa.
  • Tommy Abuel bilang Pol - Ang kaibigan ni Julio na nagsisilbi rin bilang kanyang katiwala. Nagsilbi syang gabay ni Julio sa mga maralitang pook ng Maynila. Matatag at matapat si Pol, at palagi syang nagbibigay ng tulong at pangaral kay Julio tuwing kailangan.
  • Jojo Abella bilang Bobby - Isang tagatawag na kinaibigan ni Julio. Nagsilbi sya bilang gabay ni Julio sa mundo ng pagbebenta ng katawan ng mga lalaki. Napakita na sya ay may pagkaakit kay Julio.
  • Joonee Gamboa bilang Omeng - Isa pang katrabaho ni Julio sa construction site.
  • Pancho Pelagio bilang Gn. Balajadia - Isang kontrabida sa salaysay. Siya ang tagapangasiwa ng contruction site na pinagtatrabahuhan ni Julio. Siya ay hambog at makasarili, at palaging tinatrato ang kanyang mga pinapangasiwaan nang di mabuti.
  • Juling Bagabaldo bilang Gng. Cruz - Isang kontrabida sa salaysay. Isang di kaaya-ayang tauhan na kumukuha ng walang muwang na babaeng tagalalawigan sa kanyang prostitusyon. May kutob si Julio na hindi naman talaga "Gng. Cruz" ang kanyang tunay na pangalan, at isa lamang na alyas.
  • Tommy Yap bilang Ah-Tek - Isang kontrabida sa salaysay. Isang walang konsensyang mestizo de sangley na binili si Ligaya mula sa prostitusyon ni Gng. Cruz at ginawa syang ang kanyang aliping babae.
  1. walang muwang

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 Lanot Lacaba, Kris (27 Hulyo 2013). "Brocka's 'Maynila': A film that lives" (sa wikang Ingles). Rappler. Nakuha noong 7 Oktubre 2015.
  2. Lecaros, Mikhail (2 Setyembre 2013). "Movie review: The bright lights, bad city of 'Maynila sa mga Kuko ng Liwanag'" (sa wikang Ingles). GMA News. Nakuha noong 7 Oktubre 2015.
  3. "FAMAS 1975: "Maynila, Sa Mga Kuko ng Liwanag" (Best Picture)" (sa wikang Ingles). Video 48. 21 Agosto 2013. Nakuha noong 7 Oktubre 2015.
  4. "Pelikulang "Maynila sa mga Kuko ng Liwanag", itinanghal sa Cannes Film Festival". GMA News. 20 Mayo 2013. Nakuha noong 7 Oktubre 2015.
  5. "Newly restored Maynila sa mga Kuko ng Liwanag to premiere in Cannes". Sanggunian sa Pagpapaunlad ng mga Pelikula ng Pilipinas. Inarkibo mula sa orihinal noong 2016-03-05. Nakuha noong 7 Oktubre 2015.
  6. "Asian Cinema 100" (sa wikang Ingles). 2015 Busan International Film Festival. Inarkibo mula sa orihinal noong 31 Oktubre 2015. Nakuha noong 7 Oktubre 2015. {{cite web}}: External link in |publisher= (tulong)
  7. Hicap, Jonathan M. (7 Oktubre 2015). "Pinoy films on BIFF's 'Asian Cinema 100' list". Manila Bulletin (sa wikang Ingles). Nakuha noong 7 Oktubre 2015.
  8. Sallan, Edwin P. (5 Oktubre 2015). "WALANG 'HIMALA'! Four Filipino films in Busan's Asian Cinema 100" (sa wikang Ingles). Interkasyon.com. Inarkibo mula sa orihinal noong 2016-03-06. Nakuha noong 7 Oktubre 2015.
  9. "4 PH films in list of 100 greatest Asian films" (sa wikang Ingles). ABS-CBNnews.com. 5 Oktubre 2015. Nakuha noong 7 Oktubre 2015.[patay na link]

Pelikula-Pilipinas Ang lathalaing ito na tungkol sa Pelikula mula sa Pilipinas ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.