Pumunta sa nilalaman

Menelaus

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Menelaos)
Menelaus
Hari ng Isparta
Menelaus
Marmol na busto ni Menelaus, kinunan ng litrato ni Giacomo Brogi.
AsawaHelen ng Troya
Mga anak
Hermione
Nicostratus
AmaAtreus
InaAerope

Sa mitolohiyang Griyego, si Menelaus o Menelaos (Sinaunang Griyego: Μενέλαος, Menelaos) ay naging hari ng Misenong Doryanong Isparta, na asawa ni Helen ng Troya, at naging isang pangunahing tao sa Digmaan sa Troya. Siya ang anak na lalaki nina Atreus at Aerope, na kapatid na lalaki ni Agamemnon na hari ng Misenas; at, ayon sa Iliada, ay pinuno ng pangkat na Ispartano ng hukbong Griyego noong panahon ng nasabing digmaan. Bantog sa kapwa Iliada at Odisea, tanyag din si Menelaus na ipinipinta sa ibabaw ng mga plorerang Griyego at ipinapalabas na dula ng trahedyang Griyego; na sa trahedyang Griyego ay mas inilalarawan bilang bayani ng Digmaang sa Troya kaysa sa pagiging isang kasapi ng pabagsak nang Sambahayan o Angkan ni Atreus.


TalambuhayKasaysayanGresya Ang lathalaing ito na tungkol sa Talambuhay, Kasaysayan at Gresya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.