Meritaten
Si Meritaten, na binabaybay din bilang Merytaten, Meryetaten, o Meritaton (ipinanganak noong ika-14 na daantaon BK) ay naging isang reyna ng sinaunang Ehipto ng ika-18 dinastiya, na humawak ng puwesto bilang Dakilang Maharlikang Asawa ni Paraon Smenkhkare, na maaaring isang kapatid na lalaki ni o anak na lalaki ni Akhenaten. Ang kaniyang pangalan ay may kahulugang "Siya na minamahal ni Aten"; na si Aten ay ang diyos na araw na sinasamba ng kaniyang ama. Maaaring naglingkod din si Meritaten bilang isang paraon sa sarili niyang karapatan, sa ilalim ng pangalang Ankhkheperure Neferneferuaten.[1]
Mag-anak
[baguhin | baguhin ang wikitext]Si Meritaten ay ang una sa anim na mga anak na babae ni Paraon Akhenaten at ng kaniyang Dakilang Maharlikang Asawa na si Nefertiti. Mga kapatid na babae niya sina Meketaten, Ankhesenpaaten, Neferneferuaten Tasherit, Neferneferure at Setepenre.[2] Nalalaman na nagpakasal siya pagdaka kay Paraon Smenkhare. Wala nalalaman na naging anak nila, subalit ang mga batang babaeng pinangalanan bilang Meritaten-tasherit at Ankhesenpaaten-tasherit ay paminsan-minsang ipinapalagay bilang mga anak na babae nina Meritaten at Smenkhare.[1]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mga talababa
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ 1.0 1.1 J. Tyldesley, Chronicle of the Queens of Egypt, 2006, Thames & Hudson, pahina 136 hanggang 137.
- ↑ Aidan Dodson & Dyan Hilton: The Complete Royal Families of Ancient Egypt. Thames & Hudson, 2004, ISBN 0-500-05128-3, p. 142-157
Talaaklatan
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Joyce Tyldesley: Nefertiti – Egypt's Sun Queen