Pumunta sa nilalaman

Metroseksuwal

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Metrosexual)

Ang neolohismong metroseksuwal, na hinango mula sa mga salitang metropolitano at heteroseksuwal, na naimbento noong 1994 na naglalarawan sa isang lalaki (natatangi na ang isang naninirahan sa loob ng isang kulturang urbano, nalipasan na ng panahong pang-industriya o post-industrial, at kapitalista) na natatanging metikuloso hinggil sa kanyang kalinisan at hitsura, na karaniwang gumugugol ng malaking halaga ng panahon at salapi para sa pamimili bilang bahagi nito.[1] Sa ibang paglalarawan, ang isang metroseksuwal ay isang lalaking labis na nagtutuon ng pansin sa kaniiyang hitsurang pisikal at kalinisang pangkatawan. Ang kataga ay tanyag na iniisip na kaiba mula sa mga heteroseksuwal na umaako ng mga moda at mga estilo ng pamumuhay na isteryotipikal na may kaugnayan sa mga homoseksuwal, bagaman, ayon sa kahulugan na ibinigay ng tagapanimula nito, ang isang metroseksuwal ay maaaring talagang bakla, tuwid (tunay na lalaki), o biseksuwal (pumapatol sa babae at sa kapwa lalaki). Bilang dagdag, napag-alaman na ang mga lalaking meteroseksuwal ay gumagalaw na parang karaniwang lalaking homoseksuwal.

Nagsimula ang kataga sa loob ng isang artikulong isinulat ni Mark Simpson[2] na nalathala noong Nobyembre 15, 1994, sa The Independent.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Collins, William. "Metrosexual". Collins Unabridged English Dictionary. Harper Collins. Nakuha noong 6 Abril 2011.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Marksimpson.com 'Here come the mirror men' by Mark Simpson - first usage of the word 'metrosexual'". Inarkibo mula sa orihinal noong 2007-01-19. Nakuha noong 2013-06-11.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Kultura Ang lathalaing ito na tungkol sa Kalinangan ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.