Pumunta sa nilalaman

Neolohismo

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang neolohismo ( /nˈɒləɪzəm/; mula sa Griyego νέο- néo-, "bago" at λόγος lógos, "pananalita, pagbigkas") ay isang bagong termino, salita, o parirala, na maaaring nasa proseso ng pagpasok sa pangkaraniwang gamit, subalit hindi pa ganap na tanggap sa pang-araw araw na wika.[1] Kadalasang inuudyukan ang neolohismo ng mga pagbabago sa kultura at teknolohiya,[2][3] at kadalasang tuwirang tumutukoy ang neolohismo sa isang tiyak na tao, lathala, panahon, o pangyayari. Sa proseso ng pagbubuo ng wika, mas maygulang ang mga neolohismo kaysa sa mga protolohismo.[4] Ang isang salita na may panimulang yugtong nasa pagitan ng protolohismo (kakalikha) at neolohismo (bagong salita) ay prelohismo.[5]

Kasaysayan at kahulugan

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang salitang neolohismo ay unang nagamit sa Ingles noong 1772, na hiniram mula sa wikang Pranses néologisme (1734).[6] Maaaring tawagin na neolohista ang tagapagtaguyod ng isang bagong salita o doktrina. Sa diwang akademya, walang propesyonal na neolohista, dahil interdisiplinaryo ang pag-aaral ng gayong bagay (bernakular pangkultura o pang-etniko, bilang halimbawa). Kahit sinuman tulad ng leksikograpo o etimolohista ay maaaring mag-aral ng neolohismo, kung paano nasasaklaw ang pagpapadama sa kanilang paggamit at kung paano, dahil sa agham at teknolohiya, napakabilis ang pagkalat nila kumpara noon sa kasalukuyang panahon.[2]

May mas malawak na kahulugan ang salitang neolohismo kung saan kinabibilangan ang "isang salita na nagkaroon ng bagong kahulugan".[7][8][9] Paminsan-minsan, tinatawag ang huli bilang pagbabagong-semantika,[7] o pagpapalawak-semantika.[10][11] Kadalasang naiiba ang mga neolohismo sa idyolekto ng isang tao, ang natatanging huwaran ng bokabularyo, bararila, at pagbigkas ng isang tao.

Karaniwang ipinapakilala ang mga neolohismo kapag nasusumpungan ang kakulangan ng termino para sa isang tiyak na ideya, o kung kulang sa detalye ang umiiral na bokabularyo, o kung hindi alam ng nananalita ang umiiral na bokabularyo.[12] Medyo madalas ang pagkamit ng neolohismo ng batas, lupon ng pamamahalaan, at teknolohiya.[13][14] Isa pang maaaring sanhi na nag-uudyok ng paglikha ng neolohismo ang paglilinaw ng termino na maaaring malabo dahil sa pagkakaroon ng mararaming kahulugan.[15]

Pagsasalinwika

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Dahil nagmumula ang mga neolohismo sa isang wika, maaaring maging mahirap ang pagsasalinwika sa pagitan ng mga wika.

Sa pamayanang siyentipiko, kung saan nangingibabaw ang wikang Ingles para sa inilimbag na pagsasaliksik, ginagamit minsan ang mga katunog na salinwika (tinutukoy bilang 'pagsasalikas').[16] Bilang alternatibo, ginagamit ang salitang Ingles kasama ng isang maikling pagliliwanag ng kahulugan.[16] Binibigyang-diin ang apat na paraan ng pagsasalin upang isalinwika ang mga neolohismo: pagsasatitik, transkripsyon, ang paggamit ng mga katulad, kalko o saliniwka ng hiniram.[17]

Habang nagsasalinwika mula sa Ingles patungo sa mga ibang wika, kadalasang ginagamit ang pagsasatitik.[18] Ang pinakakaraniwang paraan na isinasalinwika ng mga propesyonal na tagasalin ay sa protokol ng malakas na pagbabasa (Ingles: Think aloud protocol o TAP), kung saan naghahanap ang mga tagasalin ng pinakaangkop at natural pakinggan na salita sa pamamagitan ng pagsasalita.[19] Bilang gayon, maaaring gamitin ng mga tagasalin ang mga potensyal na salinwika at at subukan ang mga ito sa mga iba't ibang istruktura at palaugnayan.

Mahalaga ang mga tamang salinwika mula sa Ingles para sa mga tiyak na layunin patungo sa mga ibang wika sa mga iba't ibang industriya at sistemang legal.[20][21] Maaaring humantong ang mga di-tumpak na salinwika sa 'asimetriya' o maling pagkaunawa at di-pagkakaintindihan.[21] Umiiral ang maraming teknikal na talahulunganan ng pagsasalinwika ng Ingles upang labanan ang isyung ito sa mga larangang medikal, panghukuman, at teknolohikal.[22]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Levchenko (2010). Neologism in the Lexical System of Modern English: On the Mass Media Material [Neolohismo sa Sistemang Leksikal ng Makabagong Ingles: Ukol sa Materyal sa Masmidya] (sa wikang Ingles). Hammer, Patrick, Tanja Hammer, Matthias Knoop, Julius Mittenzwei, Georg Steinbach u. Michael Teltscher. GRIN Verlag GbR. p. 11. ISBN 3640637313.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. 2.0 2.1 Mcdonald, Lucinda (Marso 28, 2019). "THE MEANING OF "e-": Neologisms as Markers of Culture and Technology" [Ang KAHULUGAN NG "e-": Mga Neolohismo bilang Markador ng Kultura at Teknolohiya] (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2019-03-28. Nakuha noong 2020-03-14.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Forgue, Guy (1979). "American Neologisms as a Reflection of Cultural Change since 1945" ["Mga Amerikanong Neolohismo bilang Pagsasalamin ng Pagbabago ng Kultura mula noong 1945"] (sa Ingles). Proceedings of a Symposium on American Literature: 199–211.
  4. Gryniuk, D (2015). On Institutionalization and De-Institutionalization of Late 1990s Neologisms [Ukol sa Institusyonalisasyon at De-institutionalisasyon ng mga Neolohismo ng Dakong Huli ng Dekada 1990] (sa wikang Ingles). Cambridge Scholars Publishing. p. 150. Tila hindi lamang nagkataon itong proseso [ng leksikalisasyon] dahil ang mga neolohismo mismo ay madalas na dumaan sa mga ilang yugto ng pagbabago. Nagsisimula ang mga ito bilang mga likhang "mabuway" (tinatawag din na "protolohismo"), yaon ay, ang mga ito ay napakabago, ipinapanukala pa, o ginagamit lamang ng maliit na subkultura (Isinalin ang sipi mula sa Ingles){{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Anesa, Patrizia (2018). "Three, 3". Lexical Innovation in World Englishes: Cross-fertilization and Evolving Paradigms [Inobasyong Leksikal sa mga Ingles ng Mundo: Tawidsapunla at Nagbabagong Paradigma] (sa wikang Ingles). Routledge.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. Oxford English Dictionary, draft revision Dec. 2009, s.v.
  7. 7.0 7.1 Zuckermann, Ghilʻad (2003). Language contact and lexical enrichment in Israeli Hebrew [Pakikisalamuha at leksikal na pagpapayaman ng wika sa Ebreo ng Israel] (sa wikang Ingles) (ika-2nd (na) edisyon). New York, NY: Palgrave Macmillan. p. 3. ISBN 978-1403917232.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. Ebest, Sally Barr (2005). Writing from A to Z: the easy-to-use reference handbook [Pagsusulat mula A hanggang Z: ang pansangguniang hanbuk na madaling gamitin] (sa wikang Ingles). p. 449. ISBN 9780072961492. Ang neolohismo ay isang bagong likhang salita o parirala o bagong paggamit ng isang umiiral na salita o parirala (Isinalin ang sipi mula Ingles){{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. Bowker, Lynne; Pearson, Jennifer (2002). Working with Specialized Language: A Practical Guide to Using Corpora [Pagtutugma sa Pandalubhasang Wika: Isang Praktikal na Patnubay sa Paggamit ng mga Korpus] (sa wikang Ingles). p. 214. ISBN 9781134560660. Gayunman, maaari ring mabuo ang mga neolohismo sa isa pang paraan sa pamamagitan ng pagtatakda ng bagong kahulugan sa umiiral na salita (Isinalin ang sipi mula sa Ingles){{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. Thomsen, Ole Nedergaard (2006). Competing Models of Linguistic Change: Evolution and beyond (sa wikang Ingles). p. 68. ISBN 9781282155312. Ang mga karugtong, sa kabilang dako, ay mga aplikasyon ng mga umiiral na kahulugan sa bagong paggamit. Paalala na dahil magkaiba ang mga indibidwal na nagsasalita sa kani-kanilang pinagsasaluhang kaugalian sa pagsasalita, maaaring maranasan ng iba ang Karugtong ng isa bilang Neolohismo{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. Picone, Michael D. (1996). Anglicisms, Neologisms and Dynamic French (sa wikang Ingles). p. 3. ISBN 9789027276148. Pagpapatuloy ngayon sa gawain ng pagbibigay-kahulugan sa mga termino, magsisimula ako sa mas pangkalahatang termino 'neolohismo'. ...Ang neolohismo ay anumang bagong salita, morpema o lokusyon at anumang bagong kahulugan para sa umiiral na salita, morpema o lokusyon na lumilitaw sa isang wika. ...Gayundin, anumang semantikong karugtong ng umiiral na salita, morpema o lokusyon... ngunit neolohismo rin ayon sa tinatanggap na kahulugan. (Isinalin ang sipi mula sa Ingles){{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  12. Mesthrie, Rajend (1995). Language and Social History: Studies in South African Sociolinguistics [Wika at Kasaysayang Panlipunan: Mga Pag-aaral sa Timog Aprikanong Sosyolingguwistika] (sa wikang Ingles). p. 225.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  13. Solan, Lawrence (2012). The Oxford Handbook of Language and Law [Ang Hanbuk ng Oxford sa Wika at Batas] (sa wikang Ingles). p. 36.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  14. Greiffenstern, Sandra (2010). The Influence of Computers, the Internet and Computer-Mediated Communication on Everyday English [Ang Impluwensiya ng mga Kompyuter, ang Internet at Komunikasyong Namagitan ng Kompyuter sa Pang-araw-araw na Ingles] (sa wikang Ingles). p. 125.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  15. Cowan, Robert (2014). Shadow of a Doubt: A Phantom Caesura in Horace Odes 4.14 [Bahagya mang Alinlangan: Isang Guniguning Patlang sa mga Oda ni Horace 4.14]. p. 407-417. doi:10.5184/classicalj.109.4.0407. {{cite book}}: |journal= ignored (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  16. 16.0 16.1 Linder, Daniel (2016). "Non-native scientists, research dissemination and English neologisms: What happens in the early stages of reception and re-production?" [Mga di-katutubong dalub-agham, pagpapalaganap ng pananaliksik at mga neolohismo ng Ingles: Ano ang nangyayari sa mga unang yugto ng pagtanggap at pagsipi?]. Iberica (sa wikang Ingles). 32: 35–58.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  17. "The Translation of English Neologisms" [Ang Pagsasalinwika ng mga Neolohismong Ingles]. Terminology Coordination Unit [DGTRAD] (sa wikang Ingles). European Parliament. 22 June 2015. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 26 Septiyembre 2020. Nakuha noong 1 Mayo 2020. {{cite web}}: Check date values in: |archive-date= (tulong)
  18. Lindblad, Jonathan. 2017. "Translation strategies of H.P. Lovecraft’s neologisms into Japanese [Mga estratehiya sa pagsasalinwika ng mga neolohismo ni H.P. Lovecraft tungo sa wikang Hapones] (sa wikang Ingles)." Networked Digital Library of Theses & Dissertations
  19. Moghadas, Seyed (2014). "A Model for Cognitive Process of Neologisms Translation" [Isang Modelo para sa Prosesong Nagbibigay-malay ng Pagsasalinwika ng Neolohismo]. International Journal of English Language & Translation Studies (sa wikang Ingles). 2 (1): 4–19.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  20. Liu, Hui (2014). "A Probe Into Translation Strategies of Tech English Neologism in Petroleum Engineering Field" [Isang Pagsisiyasat sa mga Estratehiya sa Pagsasalinwika ng Neolohismong Teknolohikal sa Ingles sa Larangan ng Pag-iinhinyero sa Petrolyo]. Studies in Literature and Language (sa wikang Ingles). 9 (1): 33–37.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  21. 21.0 21.1 Kerremans, Koen (2014). "Studying the Dynamics of Understanding and Legal Neologisms within a Linguistically Diverse Judicial Space: The Case of Motherhood in Belgium" [Pag-aaral ng mga Dinamika ng Pag-iintindi at mga Neolohismong Legal sa loob ng Panghukumang Puwang na may Nagkakaiba-ibang Wika: Ang Kaso ng Pagiging Ina sa Belhiko]. International Conference; Meaning in Translation: Illusion of Precision (sa wikang Ingles). 231: 46–52.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  22. Navarro, F (2008). "Controversies in dermatology: One-Hundred Fifty English Words and Expressions in Dermatology That Present Difficulties or Pitfalls for Translation Into Spanish" [Mga kontrobersiya sa dermatolohiya: Isang Daan at Limampung Salitang at Ekspresyong Ingles sa Dermatolohiya na Nagpapahirap o Nagpapatibong sa Pagsasalinwika sa Kastila]. Actas Dermosifiliográficas (English Edition) (sa wikang Ingles). 99 (5): 349–362. doi:10.1016/s1578-2190(08)70268-3.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)