Pumunta sa nilalaman

Mga Digmaang Samnita

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Samnite Wars

Mapang nagsasalawarawan ng Romanong ispero ng impluwensiya mula sa Digmaang Latin (340–338 BK) hanggang sa pagkatalo ng mga Insubre (222 BK)
Petsa
  • Una: 343–341 BK
  • Ikalawa: 326–304 BK
  • Ikatlo: 298–290 BK
Lookasyon
Gitnang Italya at mga bahagi ng Katimugang Italya
Resulta Romanong kontrol sa kalakhan ng gitnang Italya at mga bahagi ng katimugang Italya (ang mga modernong rehiyon ng Lazio, Abruzzo, Molise, Campania, Basilicata, at Hilagang Apulia)
Mga nakipagdigma
Republikang Romano, mga alyadong Latin, mga Campano mga Samnita, Equo, ilang Ernico, Etrusko, Umbro, Galikong Senone, ilang hilagang bayan sa Apulia
Mga kumander at pinuno
Quintus Fabius Maximus Rullianus
Quintus Aulius Cerrentanus
'Di-kilala

Ang Una, Pangalawa, at Ikatlong Digmaang Samnita (343–341 BK, 326–304 BK, at 298–290 BK) ay pakikipaglaban sa pagitan ng Republikang Romano at ng mga Samnita, na nanirahan sa isang kahabaan ng Kabundukang Apenino timog ng Roma at hilaga ng mga Lucano.

  • Ang unang ng mga digmaan ay ang resulta ng interbensiyon ng Roma upang iligtas ang Campanong lungsod ng Capua mula sa isang atakeng Samnita.
  • Ang pangalawa ay ang resulta ng interbensiyon ng Roma sa politika ng lungsod ng Napoles at naging isang paligsahan sa kontrol ng sentral at katimugang Italya.
  • Kasama rin sa ikatlong digmaan ang pakikibaka sa kontrol sa bahaging ito ng Italya.

Ang mga digmaan ay umabot sa mahigit kalahating siglo, at nagpalahok rin sa mga tao sa silangan, hilaga, at kanluran ng Samnio (lupain ng mga Samnita) gayundin sa gitnang Italya sa hilaga ng Roma (ang mga Etrusko, Umbro, at Piceno) at ang mga Galikong Senone, ngunit sa iba't ibang panahon at antas ng pakikilahok.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]