Pumunta sa nilalaman

Lumad

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Mga Mandaya)
Lumad
Mga rehiyong may malaking bilang nila
PilipinasPhilippines:
Caraga, Davao, Northern Mindanao, SOCCSKSARGEN, Zamboanga Peninsula
Wika
Several indigenous languages of Mindanao, Chabacano (in Zamboanga Region), Cebuano, Hiligaynon, Filipino language, English
Relihiyon
Kristiyanismo (Katoliko Romano, Protestante) at Animista
Kaugnay na mga pangkat-etniko
Bajau, Moro, Mga Bisaya, other Filipino peoples, other Austronesian peoples

Ang Lumad ay isang pangkat ng mga katutubong tao ng katimugang Pilipinas. Ito ay salitang Cebuano na nangangahulugang "katutubo". May 17 pangkat Lumad sa Pilipinas: Atta, Bagobo, Banwaon, B’laan, Bukidnon, Dibabawon, Higaonon, Mamanwa, Mandaya, Manguwangan, Manobo, Mansaka, Tagakaolo, Tasaday, Tboli, Teduray, at Ubo. Ayon sa Lumad Development Center Inc., may 18 pangkat Lumad sa 19 lalawigan ng Pilipinas. Ito ay binubuo ng 12 hanggang 13 milyong tao o 18% ng kabuuang populasyon ng Pilipinas. Ito ay mahahati sa 110 pangkat etnolingguwistiko. Sila ay itinuturing na "marurupok na pangkat" na nakatira sa mga kagubatan at mga baybayin.