Pumunta sa nilalaman

Konstelasyon

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Mga konstelasyon)

Ang isang konstelasyon[1] o talampad[2][3][a] ay isang pangkat o kapisanan ng mga tala at mga bituin, na karaniwang mayroong isang makikilalang kahugisan o padron. Dahil sa pagkakasama-sama o pagkakapangkat-pangkat na ito, ang mga bituing kasapi sa isang talampad ay parang isang larawan. Samantala, ang salitang "konstelasyon" ay nagmula sa mga salitang Latin na con- na may ibig sabihing "magkasama" at stella- na ang ibig sabihin ay "mga bituin". Ang ilan sa mga halimbawa ng mga talampad ay ang Ursa Mayor, Orion, at Andromeda.

Ginagamit ng mga tao ang mga talampad upang masabi ang pagkakaiba ng mga kulay. Ang iba't ibang mga lugar sa mundo ay mayroong iba't ibang mga talampad, subalit sa kasalukuyan mayroon nang itinakda ang astronomiya na 88 talampad. Ang katakdaang ito ay nakabatay mula sa Griyegong kapangkatan at pagdaka ay nadagdagan ng ilang mga talampad pangtimog; halimbawa na ang Antlia - na may bansag na "bomba ng hangin". Karamihan sa mga talampad ay mayroong mga pangalan na nagmula sa mitolohiyang Griyego, katulad ng Orion at Andromeda.

Mayroong 12 mga talampad sa Zodiac. Ang Araw ay naglalakbay na lumalagos sa Zodiac nang isang ulit bawat taon. Mayroon ding ika-13 talampad: ang Ophiuchus - ang tagapagdala ng isang ahas, na nilalagusan ng Araw. Subalit, hindi iniisip ng karamihan sa mga tao na ito ay nasa loob ng Zodiac.

Walang nakakaalam kung sino ang unang nakakita sa mga talampad. Ang sinaunang mga kabihasnan, katulad ng mga Mayano, ay gumuhit ng sarili nilang mga mapa ng bituin ng kalangitan na mayroong mga talampad, na napakakaunti na sa mga ito ang ginagamit na ng mga tao sa kasalukuyang kapanahunan. Ang 48 na talampad ni Ptolomeo ay kinikilala pa rin sa ngayon ng IAU. Ang natitira pang mga talampad ay naidagdag na lamang noong bandang huli.

a Ayon sa pananaliksik ng manunulat na si Dimacali (2018), ang salitang "talampad" ay lumabas sa mga tala ng prayleng namuhay noong ika-17 dantaon na si Juan de Plasencia bilang salitang pantukoy ng mga Pilipino noong panahong iyon sa mga konstelasyon o pangkat ng mga bituwin na bumubuo ng isang partikular na padron o hugis. Muling ginamit ang salitang ito ng pioneer ng etnoastronomiya sa Pilipinas na si Dante Ambrosio (2001) bilang salin ng salitang "constellation" sa wikang Filipino sa kanyang aklat na "Balatik Etnoastronomiya: Kalangitan sa Kabihasnang Pilipino." Kumpara rito, ang salitang "talanyo" naman ay walang malinaw na provenance o pinagmulan at kasaysayan ng paggamit, bagaman maaaring ito'y pagsasama ng salitang "tala" at "anyo" at relatibong bagong salita.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]