Pumunta sa nilalaman

Dorado (talampad)

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Dorado (constellation))

Mga koordinado: Mapang panlangit 05h 00m 00s, −65° 00′ 00″

Dorado
Konstelasyon
Dorado
DaglatDor
HenitiboDoradus
Bigkas /dəˈrd/
SimbolismoLamarang
Tuwid na pagtaas5 h
Pagbaba-65°
KuwadranteSQ1
Area179 degring parisukat (sq. deg.) (ika-72)
Pangunahing mga bituin3
Mga bituing Bayer/Flamsteed
14
Mga bituing mayroong mga planeta5
Mga bituing mas matingkad kaysa sa 3.00m0
Mga bituing nasa loob ng 10.00 pc (32.62 ly)0
Pinakamatingkad na bituinα Dor (3.27m)
Pinakamalapit na bituinGJ 2036
(36.50 ly, 11.19 pc)
Mga bagay na Messier0
Mga pag-ulan ng meteorWala
Kahangga na
mga konstelasyon
Caelum
Horologium
Reticulum
Hydrus
Mensa
Volans
Pictor
Natatanaw na mga latitud sa pagitan ng +20° at ng −90°.
Pinaka nakikita tuwing 21:00 (9 p.m.) sa panahon ng buwan ng Enero.

Ang Dorado ay isang konstelasyon sa Timog emisperyo. Una itong pinangalanan noong huling bahagi ng ika-16 dantaon at isa na sa 88 kasalukuyang modernong talanyo. Ang pangalan nito ay tumutukoy sa isdang mahi-mahi (Coryphaena hippurus), na kilala bilang dorado ("ginintuan") sa Espanyol at lamarang sa wikang Filipino,[1][2] bagaman ito ay inilalarawan din bilang isdang espada. Taglay ng Dorado ang kalakhan ng galaksiyang Malaking Magellanikong Ulap (Large Magellanic Cloud) at ang Timog Polong ekliptik ng lapyang iniinugan ng daigdig (orbital plane).

Mga katangian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Ang hitsura ng talampad ng Dorado sa kalangitan nang walang gamit na teleskopyo o largabista

Lokasyon at lawak

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Matatagpuan ang Dorado sa timog emisperyo, sa pagitan ng mga latitud na +20° and -90°. Ang mga kanugnog nitong talampad ay ang Pictor sa hilagang-kanluran, Caelum sa hilaga, Reticulum sa hilagang-silangan, Volans sa timog-kanluran, Mensa sa timog, at Hydrus sa timog-silangan. May lawak itong 179 digri kwadrado, ika-72 sa 88 modernong mga talampad pagdating sa laki.[3]

Ang Alpha Doradus, na isang mamuti-muti, mala-bughaw na bituin, ang pinakamaliwanag na bituin sa talampad ng Dorado na may kalakhang liwanag na 3.3 at layong 176 sinag-taon mula sa sistemang solar. Ang Beta Doradus naman ay isang Cepheid variable, isang uri ng bituing may tiyak o regular na panahong nag-iiba-iba ang liwanag (mula 4.5 hanggang 3.5m kada 9 araw at 20 oras) at kulay dilaw na supergiant. May layo itong 1,040 sinag-taon mula sa sistemang solar.[4]

Matatagpuan din sa talampad na ito ang supernova na SN 1987A, ang pinakamalapit na supernova na naganap simula noong panahong naimbento ang teleskopyo. Ang SNR 0509-67.5 naman ay labi ng isa pang supernova na matatagpuan din sa Dorado at naganap 400 mga taon ang nakalilipas.[5]

Mga deep sky object

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Sapagkat kasama sa Dorado ang Malaking Magellanikong Ulap, napakayaman ng talampad na ito sa mga deep-sky object.[6] Ang galaksiyang ito ay nasa layong 179,000 sinag-taon, may lapad na 25,000 sinag-taon, at naglalaman ng 1.0 x 1010 bituin.[4]

Ilan sa mga nebula na mahahanap sa talampad na ito ay ang:[5][7]

  • N 180B
  • NGC 1763
  • NGC 1935
  • NGC 1936
  • NGC 2032 (o "Seagull nebula")
  • NGC 2080 (o "Ghosthead nebula")
  • Tarantula nebula

Samantala, mayroon ding mga klaster ng mga bituin tulad ng:[5][7]

  • NGC 1755
  • NGC 1820
  • NGC 1854
  • NGC 1869
  • NGC 1871
  • NGC 1873
  • NGC 1901
  • NGC 1910
  • NGC 1978
  • NGC 2002
  • NGC 2027
  • NGC 2164

Bukod sa Malaking Magellanikong Ulap, matatagpuan din sa Dorado ang iba pang mga galaksiya:[8][9]

  • NGC 1566
  • LEDA 89996

Kasaysayan at mga katulad na talampad sa ibang kultura

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang Dorado ay unang pinangalanan ng Olandes na astronomong si Petrus Plancius noong ika-16 dantaon.[7] Una itong lumabas sa mga mapa ng kalangitan at globong celestial noong 1597 o 1598 sa Amsterdam at sa atlas ng astronomong si Johann Bayer noong 1603. Bagaman tinawag itong "Xiphias" ni Johannes Kepler sa kanyang talaan, kamakalawa ay ginamit ng Pandaigdigang Unyong Astronomiko ang pangalang Dorado.[10] Kaiba sa mga pangalan ng mga modernong talampad, hindi Latin ang pinagmulan ng pangalang Dorado. Sa astronomiyang Intsik, ang mga bituin ng Dorado ay kasama sa mga asterismo na tinukoy ni Xu Guanggi.[11]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. https://www.youtube.com/watch?v=NX1N65eMR6I
  2. http://pgff.net/board_ooWY99/2359
  3. https://www.constellation-guide.com/constellation-list/dorado-constellation/
  4. 4.0 4.1 http://www.ianridpath.com/startales/dorado.html
  5. 5.0 5.1 5.2 Wilkins, Jamie; Dunn, Robert (2006), 300 Astronomical Objects: A Visual Reference to the Universe, Firefly Books, ISBN 978-1-55407-175-3
  6. "Dorado, Mensa - Constellations - Digital Images of the Sky". www.allthesky.com. Nakuha noong 2023-08-07.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. 7.0 7.1 7.2 Ridpath, Ian; Tirion, Wil (2017), Stars and Planets Guide, Collins, London, ISBN 978-0-691-17788-5
  8. information@eso.org. "Grand swirls". www.spacetelescope.org (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2018-05-26. Nakuha noong 2023-08-07.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. information@eso.org. "Galaxy with a view". www.spacetelescope.org (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2020-08-03. Nakuha noong 2023-08-07.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. "Dorado Constellation (the Swordfish): Stars, Story, Facts, Location – Constellation Guide". www.constellation-guide.com. Nakuha noong 2023-08-07.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. [https://web.archive.org/web/20110522003318/http://aeea.nmns.edu.tw/2006/0607/ap060727.html "AEEA �Ѥ�Ш|��T��"]. aeea.nmns.edu.tw. Inarkibo mula sa orihinal noong 2011-05-22. Nakuha noong 2023-08-07. {{cite web}}: replacement character in |title= at position 6 (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)