Pumunta sa nilalaman

Sistemang panlangit ng mga koordinado

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Oryentasyon ng mga Koordinadong Astronomikal
Oryentasyon ng sistemang galaktiko, ekliptik at ekwatoryal ng mga koordinado, na nakalagay sa isang panlangit na timbulog, na ipinapakita ang galaktikong ekwador (itim), hilagang polong galaktiko (NGP), ang ekliptiko (narangha), hilagang polong ekliptiko (NEP), ang panlangit na ekwador (asul) at hilagang polong panlangit (NCP). Hindi makikita ng tama ang araw at ang mundo subalit upang makita ang direksiyon ng orbital ng araw sa palibot ng gitang galaktiko at ang direksiyon ng orbital ng mundo sa palibot ng araw.

Sa astronomiya, ang sistemang panlangit ng mga koordinado ay isang sistemang koordinado na ginagamit upang malaman at imapa ang lokasyon o posisyon ng isang panlangit na timbulog. Mayroong iba't-ibang sistemang panlangit ng mga koordinado. Gumagamit ang bawat isa ng isang sistemang timbulog na koordinado na makikita sa panlangit na timbulog, na tulad ng analohiya ng sistemang heograpikal ng mga koordinado na ginagamit sa buong Mundo.[1] Naiiba lamang ang bawat sistemang koordinado sa pagpili ng kanilang pundamental na lapya, na kung saan hinahati ang langit sa dalawang parehang emisperyo sa isang malaking bilog. Halimbawa, ang ekwador ng mundo ang ginagamit na pundamental na lapya ng sistemang heograpikal ng mga koordinado. Ipinapangalan ang bawat sistemang koordinado sa pagpili ng kanilang pundamental na lapya.

Sistemang koordinado

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ipinapakita ng sumusunod na talaan ang mga batayan ng sistemang koordinado na ginagamit ng komunidad sa astronomiya. Hinahati ng pundamental na lapya ang timbulog sa dalawang parehang hemispero at ginagawan ng kahulugan ang batayan para sa parehang latitud sa mga koordinado. Ito ay katulad ng ekwador sa sistemang heograpikal ng mga koordinado (GCS). Polo ang tawag sa dalawang punto na makikita sa 90°. Ibibigay ng talaan ng mga koordinado ang katumbas na lalitud at longhitud ng bawat sistemang koordinado.


Sistemang koordinado [2] Pundamental na lapya Polo Koordinado
Horisontal
(tinatawag ding Alt/Az o Az/El)
horizon zenith/nadir elebasyon (tinatawag ding altitude) - azimuth - meridyan
Ekwatoryal panlangit na ekwador panlangit na polo deklinasyon - kanang asensiyon o oras anggulo
Ekliptikal ekliptikal polong ekliptikal ekliptikal na latitud - ekliptikal na longhitud
Galaktikal galaktikal na lapya galaktikal na polo galaktikal na latitud - galaktikal na longhitud
Supergalaktikal supergalaktikal na lapya Supergalaktikal na polo supergalaktikal na latitud, supergalaktikal na longhitud

Sistemang Horisontal

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang sistemang horisontal, o altitude-azimuth, ay nakabase sa posisyon ng tagatingin sa Mundo, na kung saan ay umiikot sa kanyang aksisi sa loob ng isang totoong-gilid na araw (23 oras, 56 minuto at 4.091 segundo) sa relasyon sa "hindi mababagong" likod ng bituin. Nakakaapekto ang oras sa pagpoposisyon ng isang panlangit na bagay sa pamamagitan ng sistemang horisontal subalit mas ginagamit itong sistemang koordinado para sa paghahanap at pagsubaybay ng isang bagay ng mga tagatingin mula sa Mundo. Nakabatay ito sa posisyon ng mga bituin na sumasabay sa minimithing horison ng tagatingin.

Sistemang Ekwatoryal

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang sistemang ekwatoryal ng mga koordinado ay nakagitna sa gitna ng Mundo subalit may hindi napapalitang kaparehas na layo ng bituin at galaksiya. Nakabatay ang koordinado sa lokasyon ng bituin na kaparehas sa ekwador ng Mundo kung hindi ipupunto sa wlang katapusang layo nito. Inilalarawan ng ekwatoryal ang langit na nakikita mula sa sistemang solar, at ginagamit parati ang mga modernong mapang pangbituin sa koordinadong ekwatoryal.

Isang normal na sistemang koordinado ang sistemang ekwatoryal para sa karamihan ng mga propesyonal at sa maraming baguhan na mayroong tumbok ekwatroyal na sumusunod sa galaw ng langit tuwing gabi. Nakikita ang panlangit na bagay sa pamamagityan ng pagaayos ng teleskopyo o ibang pang instrumento para mapagpareho nila ang koordinadong ekwatoryal sa pinili nilang bagay na titignan.

Kadalasang pinipili ang lumang B1950 at modernong J2000 para sa ekwador at mga polo, subalit ang polo at ekwador "ng petsa" ay maaari ring gamitin, kaya ang isang ito ay nasa ilalim ng pag-aaral o konsiderasyon, tulad ng kung saan ang sukat ng isang planeta o spacecraft. Mayroon ding subdibisyon sa koordinadong "pangkalahatang petsa", na kung saan pinapantay o hindi pinapansin ang nutasyon, at "tamang petsa" na isinasama ang notasyon.

Sistemang Ekliptiko

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Isa ang sistemang ekliptiko sa mga lumang sistemang koordinado na ginagamit para sa mapang pangbituin bago ang paghihiwalay ng astronomiya at astrolohiya.

Inilalarawan ng sistemang ekliptikal ang galaw ng orbital ng isang planeta sa palibot ng araw, at nasa gitna ito ng barycenter ng sistemang solar (hal ang malapit sa araw).Ang lapya ng orbito ng Mundo ang pundamental na lapya na tinawag na ekliptikal na lapya. Pangunahing ginagamit ang sistema para sa pagkompyut ng posisyon ng bawat planeta at ibang bagay sa sistemang solar, kasama na rin dito ang elementong orbital.

Sistemang Galaktiko

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Gumagamit ng tansiyahang lapya ang sistemang galaktikal ng mga koordinado ng ating galaksiya bilang pundamental na lapya. Nananatiling gitnan ng sistemang koordinado ang sistemang solar, at ang puntong zero ay binibigyang kahulugan bilang direksiyon patungong gitan ng galaktiko. binubuo ng elebasyon sa ibabaw ng galaktikong lapya at galaktikong longhitud ang galaktikong latitud at ang galaktikong longhitud ay nalalaman sa direksiyon na kaparehas ng gitna ng sansinukob.

Sistemang Supergalaktiko

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Sumusunod ang sistemang supergalaktikal sa pundamental na lapya na kung saan ay naglalaman ng mataas sa pantay na bilang sa lokal na galaksiya sa langit na nakikita sa Mundo.

Pagpapalit ng koordinado

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Koordinadong ekwatroyal sa horisontal

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Gawing oras anggulo o hour angle ang H at δ ang deklinasyon ng ekwatoryal na koordinado. Isipin mo na kailangang malaman ang altitud a at ang azimuth A sa koordinadong horisontal. At, para sa tagatingin na makikita sa latitud Φ, ang mga pagpapalipat ng ekwasyon ay ang mga sumusunod:


na kung saan ang θ ay ang anggulong zenith (o layong zenith, halimbawa ang 90° sumusunod sa Altitud). Ang kabaligtaran ng trigonometrikong punksiyon ay ginagamit upang malaman ang balyu ng koordinado.

Tandaan: May dalawang balyu ang kabaligtaran ng cosine, halimbawa ang 160° at 200° ay parehong nasa parehang cosine. Kailangang itama ang mga bagay sa itaas. Kung ang H < 180 (o Pi radians), kaya ang Az = 360 - Az dahil nagmula ito mula sa itaas na ekwasyon.

  1. Schombert, James. "Sistemang Pangmundo ng mga Koordinado". Unibersidad ng Oregon Kagawaran ng Pisika. Inarkibo mula sa orihinal noong 8 Abril 2022. Nakuha noong 19 Marso 2011.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Majewski, Steve. "Sistemang koordinado". UVa Kagawaran ng Astronomiya. Inarkibo mula sa orihinal noong 1 Agosto 2012. Nakuha noong 19 Marso 2011.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Mga kawing panlabas

[baguhin | baguhin ang wikitext]