Pumunta sa nilalaman

Galaksiya

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Isang pagsasalarawan ng kung ano ang Daang Lakteya (Milky Way), ang ating galaksiya.

Ang galaksiya (Ingles: galaxy) ay isang pangkat ng mga bituin na kabilang ang gas, alikabok, at maitim na materya. Ang grabidad ang humahawak sa buong galaksiya ng sama-sama. Umiikot sa isang gitna ang lahat ng nasa galaxia. Nagmula ang salitang galaxy sa Griyegong salita na Galaxia na nangangahulugang magatas, isang pantukoy sa sarili nating galaksiya, ang Daang Magatas.

Ang isang karaniwang galaksiya ay maaaring tumukoy sa isang "duwende" na naglalaman ng sampung milyong mga bituin o sa isang "higante" na may isang daang trilyong mga bituin na umiikot sa gitna ng masa(mass) ng galaksiya. Ang mga galaksiya ay maaaring maglaman ng mga sistemang bituin, kumpol kumpol na bituin(star cluster) at iba ibang mga ulap na interstelar . Mayroong mga 170 billion (1.7 × 1011) na mga galaksiya sa mapagmamasdang sansinukob [1][2] Ang isa sa mga galaksiyang ito ang Daang Magatas na naglalaman ng Sistemang Solar na sistemang kinalalagyan ng mundo at iba pang mga planeta. Ang araw ang isa sa mga bituin sa galaksiyang Daang Magatas.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Gott III, J. R.; et al. (2005). "A Map of the Universe". Astrophysical Journal 624 (2): 463–484. arXiv:astro-ph/0310571. Bibcode 2005ApJ...624..463G. doi:10.1086/428890
  2. Mackie, G. (2002-02-01). "To see the Universe in a Grain of Taranaki Sand". Swinburne University. http://astronomy.swin.edu.au/~gmackie/billions.html

Astronomiya Ang lathalaing ito na tungkol sa Astronomiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.