Pumunta sa nilalaman

Mga lalawigan ng Polonya

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Sa Polonya, ang lalawigan, o kaya ang boybodato (mula sa voivodato ng Espanyol; Polako: województwo, Ingles: voivodeship), ay isa sa mga pinakamataas na dibisyong pampangasiwaan sa Polonya mula pa noong ika-14 siglo. Batay sa mga repormang pampamahalaang lokal na ipinasa sa Polonya noong 1998 (at ipinatupad noong susunod na taon), kasalukuyang may 16 lalawigan sa Polonya, na nagpalit sa dating 49 lalawigan na umiral mula noong 1 Hulyo 1975.

Ipinangalan ang mga kasalukuyang lalawigan ng Polonya sa mga heograpikal at makasaysayang rehiyon ng bansa, na iba sa mga dating lalawigan na ipinangalan sa mga pinakamalaking lungsod na sinasakupan nito.

Mapa at talaan ng mga lalawigan

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Mga lalawigan ng Polonya mula 1999
Daglat Sagisag Kodigo Plaka
ng kotse
Lalawigan Kabisera Lawak (km²) Populasyon
(31 Disyembre 2003)
Populasyon
(30 Hunyo 2004)
DS 02 D Ibabang Silesya (dolnośląskie) Breslavia 19 947.76 2 898 313 2 895 729
KP 04 C Kuyabya-Pomeranya (kujawsko-pomorskie) Bydgoszcz¹
Toruń²
17 969.72 2 068 142 2 067 548
LU 06 L Lublin (lubelskie) Lublin 25 114.48 2 191 172 2 187 918
LB 08 F Lebus (lubuskie) Gorzów Wielkopolski¹
Zielona Góra²
13 984.44 1 008 786 1 009 177
LD 10 E Łódź (łódzkie) Łódź 18 219.11 2 597 094 2 592 568
MP 12 K Munting Polonya (małopolskie) Cracovia 15 144.10 3 252 949 3 256 171
MZ 14 W Masobya (mazowieckie) Varsovia 35 597.80 5 135 732 5 139 545
OP 16 O Opole (opolskie) Opole 9 412.47 1 055 667 1 053 723
PK 18 R Ibabang Karpatos (podkarpackie) Rzeszów 17 926.28 2 097 248 2 097 325
PD 20 B Podlakya (podlaskie) Białystok 20 179.58 1 205 117 1 204 036
PM 22 G Pomeranya (pomorskie) Gdańsk 18 292.88 2 188 918 2 192 404
SL 24 S Silesya (śląskie) Katowice 12 294.04 4 714 982 4 707 825
SW 26 T Banal na Krus (świętokrzyskie) Kielce 11 672.34 1 291 598 1 290 176
WM 28 N Barmiya-Masurya (warmińsko-mazurskie) Olsztyn 24 202.95 1 428 885 1 428 385
WP 30 P Dakilang Polonya (wielkopolskie) Poznań 29 825.59 3 359 932 3 362 011
ZP 32 Z Kanlurang Pomeranya (zachodniopomorskie) Szczecin 22 901.48 1 696 073 1 695 708
(¹) – luklukan ng boyboda (tagapamahala), (²) – luklukan ng tagapagbatas at tagapagpaganap


Tingnan din:

Mga kawing panlabas

[baguhin | baguhin ang wikitext]